Nagpasya akong mag-sunbathing suot ang aking pulang two-piece bikini na dala ko. Dahil sa swimsuit na ito ay mas lalong tumingkad ang maputi kong balat at ang pulang nailpolish sa aking mga kuko sa kamay at paa. I also wore my sunglasses to protect my eyes from the sun rays.
Hindi ko na ininda ang mga taong napapatingin sa gawi ko. Inilapag ko sa puting buhangin ng boracay ang towel ko at humiga doon. Nagpahid na ako ng sunscreen sa villa kung saan kami magsi-stay ng mga pinsan ko. Leo rented a whole big house for us para komportable ang lahat.
Hinayaan ko ang sarili na mag-sunbathing sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Ngunit wala pang limang minuto nang mayroong magsalita sa aking tabi na nagpamulat sa mga mata ko.
“Why are you here alone?” wika ni Andres sa tabi ko.
“Andres? Anong ginagawa mo rito?” Napaupo ako ng wala sa oras. Nakaupo siya sa tabi ko habang pinapanood iyong mga tao na nakababad sa dagat. Mayroon pa ngang nagsu-surfing na mga foreigners.
I scanned him. He is wearing black summer shorts and he is topless.
“Sinama ako ni Leo,” sagot ni Andres then he smiled. “At least let me enjoy this vacation. Matagal na akong hindi nakakalabas sa lupain ng mga Fuentes.”
“I mean, yeah. Sorry, kay Leo pa nanggaling ang pag-iimbita sayo. Ako dapat ang nag-imbita sayo dahil sa amin ka nagta-trabaho,” nahihiya kong wika at napangiwi pa.
“Don’t sweat about it, Ysa,” ani Andres. “You look stunning with that swimsuit, by the way.”
Mainit na ang aking mukha dahil sa init ng sikat ng araw pero mas lalo pang uminit ito dahil sa sinabi ni Andres.
“Ngayon lang kita nakitang nakasuot ng swimsuit. I know you are beautiful, but I didn’t know you have an immaculate body,” dagdag pa niya.
Umakyat ang tingin ni Andres simula sa aking katawan papunta sa aking mga mata. Napalunok ako sa paraan ng kanyang pagtingin sa akin. Tila ba nananabik ang kanyang mga mata. Ngunit nabali iyon nang marinig namin si Elijah. I looked over my shoulder and saw him walking towards us.
“Hey, tara barbecue daw! Mauubusan kayo!” ani Elijah.
“Let’s go?” anyaya ni Andres. Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon para makatayo na rin ako. Kinuha ko iyong towel na hinigaan ko at saka na kami bumalik sa malaking villa na nirentahan ni Leo.
Sa pagbalik namin ni Andres ay napansin naming nag-iihaw sina Caleb at Jude sa likod ng bahay. Si Janessa naman ay naghahain ng mga ibang meat sa mesa para sa samgyupsal. Sina Elijah at Jacob naman ay kumakain ng mga naihaw nila Caleb. Si Courtney at Rage naman ay nag-uusap sa gilid ng swimming pool.
Napansin kami ni Jacob at sumipol ito kaya nagawi sa amin ang atensyon nilang lahat.
“Mukhang may nagkakamabutihan dito, ah!” pambibiro ni Jacob.
I waved my hands at mabilis na umiling ngunit wala, sinabay ko pa ang pagngiwi ngunit wala ring talab.
“Nako, Andres, mahirap paamuhin yan,” pambibiro ni Jacob at saka naman tumawa ang iba.
Tumingin si Andres sa akin habang nakangiti. “Sa tingin ko alam ko na kung paano paaamuhin ang isang Mariya Ysabelle Margarita Fuentes,” aniya na nagpapula sa pisngi ko. Mas lalo tuloy kaming kinantiyawan ng mga bwisit kong pinsan. Dahil doon ay siniko ko ng marahan si Andres sa tagiliran.
“May pasiko pa sa tagiliran! Diyan nagsimula sina lolo at lola, eh!” tumatawang wika ni Elijah.
Naramdaman ko na lang ang nakakakilabot na titig ni Rage mula sa gawi niya. Napansin naman iyon ni Courtney kaya nagawi rin sa akin ang tingin niya. Tsaka ko na lang namalayan na hinawakan ni Andres ang bewang ko at inilapit pa niya ako lalo sa tabi niya. Humigpit naman ang hawak ni Rage sa hawak niyang baso ng lemonade juice habang nakatingin sa amin ni Andres. His dangerous stare made me feel uneasy kaya lumayo ako ng bahagya kay Andres at nabitawan niya ako.
“T-teka, papasok lang ako sa kwarto. May kukunin lang ako,” pagdadahilan ko.
Mabilis akong bumalik sa kwarto sa second floor. Isinara ko kaagad ang pinto na para bang hinahabol ako. Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ko kinaya ang paraan ng pagtitig ni Rage.
What’s wrong with him now?
He is giving me space pero bakit naaapektuhan ako sa kilos niya ngayon? Dapat ay hayaan ko na lang kung ano man ang ginagawa niya, kahit ang simpleng pagtitig niya ay hindi ko na dapat isipin pa. Pero hindi ko maitago sa sarili ko na apektado pa rin ako. Whatever he does has an impact in me.
Sa huli ay natulog na lamang ako ng ilang oras at nang magising ay nagsuot ako ng see-through white dress at napagpasyahan na magpunta sa dalampasigan. Naglakad-lakad ako hanggang sa mawala na ang init ng araw at malapit nang magtakipsilim.
Bumalik ako sa nirentahang villa at napansing nagkakatuwaan at nag-iinuman sila sa likod bahay.
“Ysa! Halika na dito! Palagi kang nahuhuli!” ani Jacob sa akin nang mapansin niya ang pagdating ko.
Nang makalapit ako sa kanila ay kaagad na tumayo si Andres at ibinigay ang upuan niya sa akin.
“Dito ka na,” ani Andres.
“Thank you,” ngiti ko naman sa kanya bago umupo. Pumito tuloy si Elijah.
“Nasa sayo na ang blessing ko, dude,” ani Elijah kay Andres at saka pa niya ito inakbayan habang hawak ang bote ng beer sa isang kamay. Nagkantiyawan na naman ang mga loko kong pinsan.
“Don’t forget na tagapagmana ang pinipormahan mo, bro,” paalala naman ni Jacob.
Hindi naman kumibo si Andres at simple lamang nakangiti sa kanila.
Ramdam ko naman ang presensya ni Rage sa tabi ni Caleb. Naiinis ako sa sarili ko dahil ayokong tumingin sa gawi niya pero hindi ko mapigilan. Tahimik siyang kumakain ng seafood na nakahain sa plato niya. Kinakausap siya ni Caleb pero hindi siya kumikibo. What’s wrong with him?
Lumipas ang ilang minuto nang maramdaman kong nagugutom na ako. “Jude, pakiabot lang ng plato,” saad ko kay Jude. Inabutan niya ako ng plato. Sakto namang kumukuha rin ng pagkain si Andres.
“Anong gusto mo? Ipangkukuha kita,” ani Andres.
“Ah…” Tiningnan ko ang bawat putahe ngunit wala akong mapili dahil sa dami.
“Iabot mo na lang sakin ang plato mo,” ani Andres. I hand my plate over to him na nasa tabi ko. Nang matapos siya ay binalik niya sa akin ang plato na puno ng seafood na iba-ibang uri.
“Thank you,” wika ko. Aabutin ko sana iyong cajun sauce na nasa tapat ni Rage ngunit nag-alangan ako dahil sa kanya. Napatingin na naman ako sa kanya at ngayon ay mahigpit ang kanyang hawak sa bote ng beer na iniinom niya.
Hindi ko na inabalang abutin iyong sauce dahil sa seryosong awra ni Rage. Nakikita ko iyong veins sa kamay niya na para bang galit siya. Ano bang problema niya ngayon?
Kinamay ko na lang iyong pagkain ko. Inuna ko muna iyong oyster with lemon. Tapos iyong scallops na may butter and cheese.
“Masarap ba?” tanong ni Andres sa tabi ko. Tumango naman ako bilang sagot.
I was about to eat the shrimp when Rage suddenly stood up na nagpagulat sa aming lahat. Umalis siya sa kanyang kinauupuan at mabigat ang mga hakbang niya papunta sa… gawi ko.
Pinanood siya ng lahat sa kanyang ginawang paglapit sa akin at saka niya sinamsam sa kamay ko iyong shrimp at ang plato ko na tinapon niya sa gilid ang laman nito.
“What the hell are you doing?!” singhal ko sa kanya kaya napatayo na rin ako.
Aawatin sana kami ni Leo nang hilahin siya ni Janessa para umupo ulit.
“What the hell am I doing?” pag-uulit ni Rage sa sinabi ko. “Hindi ka pwedeng kumain ng hipon!”
Rage is so mad and so am I!
“Bakit ka ba nakikialam?! Eh, gusto kong kumain ng hipon, eh!”
“Ysa, nakalimutan mo na ba…” sambit ni Janessa. “Dinala ka ni Rage noon sa ospital kasi allergic ka sa hipon… wala si tito Hermano that time kasi nasa business trip siya.”
Natigil ako sa sinabi ni Janessa. Nagtagis ang panga ni Rage at tinitigan ako ng seryoso. Disappointment is evident in his face. Tahimik ang lahat ngunit nagsalita si Andres.
“Nakalimutan siguro ni Ysa kasi matagal nang panahon yon. Is it a crime to forget a memory that has long been gone?” wika ni Andres. Napunta kay Andres ang masamang titig ni Rage as if they are having a battle in their minds.
Sa huli ay umalis si Rage and it pained me to see him go like this. Susundan ko sana siya para humingi ng pasensya ngunit hinawakan ni Andres ang kamay ko kaya nagawi sa kanya ang aking tingin.
“Don’t go,” aniya. “Stay here.”
Tumingin ako kay Janessa at umiling siya sa akin. Senyales na huwag kong susundan si Rage.
Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil palagi na lamang akong nagkakamali sa paningin ni Rage. At dahil matigas ang ulo ko ay binawi ko ang kamay ko na hawak ni Andres at saka ko sinundan si Rage.
Alam kong umiiling na si Janessa sa ginawa ko pero hindi ko na muna iyon inisip ngayon. Naabutan ko si Rage na naglalakad dala ang bote ng beer sa dalampasigan.
“Rage!” tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon. “Teka lang!” Tumakbo ako palapit sa kanya at nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang kanyang braso at iniharap siya sa akin. “Sandali lang!”
“What?” ani Rage. Magkasalubong ang kanyang mga kilay. Ramdam ko pa rin ang kanyang galit. “Go, and eat that fvcking shrimp with Anderson.”
“S-sorry na…”
Hindi nagsalita si Rage. Tila ba nagkokontrol ng kanyan sarili. “Nililigawan ka ba niya?”
“Ha? Hindi! Nagbibiruan lang sila kanina,” paliwanag ko.
“Don’t ever let him touch you again like that,” seryoso niyang wika.
“Wala naman siyang ginagawang masama—“ hindi ako pinatapos ni Rage sa aking sinasabi nang magsalita siyang muli.
“Huwag ka nang pupunta sa rancho. I’ll take care of it hanggang sa umalis siya,” ani Rage.
“Ha?! Huwag mo siyang paalisin! Wala naman siyang ginagawang masama!”
“Hindi ko siya paaalisin. He is going to leave soon anyway.”
“What?”
Si Andres? Aalis na sa lupain?
“Stop talking to him. Don’t ever talk to him, understood?” dagdag pa ni Rage.
“Bakit? Kaibigan ko si Andres,” pagpupumilit ko.
“Just do what I say, Mariya,” ani Rage. “This is the only way to stop him…”
“Stop him from what?” naguguluhan kong tanong.
“It is the only way to stop him from taking you from me,” wika ni Rage.
Matapos niyang sabihin iyon ay binitawan niya ang bote ng beer at sumuksok iyon sa puting buhangin. Lumapit si Rage sa akin at idinikit ang kanyang noo sa aking noo. He closed his eyes and held my cheeks with both hands.
“God… you’re so hard to protect. But I have no choice,” aniya sabay hinga ng malalim. Then he opened his eyes and I saw the longing and passion in there again. I missed him so much…
“Ano bang nangyayari…?” nag-aalala kong tanong. Umiling lamang si Rage bilang sagot. Dahan-dahan siyang lumayo sa akin at tinitigan niya ako. Then, he step his foot backwards until he is walking away from me.