Kabanata 7

2258 Words
“What do you mean?” naguguluhan kong tanong kay Rage. “Wala,” tipid niyang sagot. Tila natauhan siya sa kanyang sinabi kanina at lumayo siya sa akin na ikinataka ko. Dahil doon ay napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Rage dahil hindi ko siya maintindihan lalo na ang mga kilos niya. Kanina ay galit na galit siya kay Andres na halos gusto niya itong patayin sa bugbog dahil inakala niyang pinagti-tripan ako nito. Tapos ngayon naman ay ilap naman siya sa akin. Ano bang problema niya? “Hintayin mo na lang ako sa living room. Magbibihis lang ako,” I said dismissively. Ibinaba ko na rin ang mga kamay ko at hinayaang bumalandra ang aking katawan sa harapan ni Rage. I should not be ashamed of my body, should I? May maipagmamalaki naman ako kung katawan ang pag-uusapan. “Hindi na,” wika ni Rage. “I won’t take long,” aniya pa. “Ano bang sasabihin mo?” tanong ko. “I came back here on behalf of your father. In short, you are my responsibility. Do as I say or you’ll get punished.” “Excuse me?” singhal ko. “Ha! Are you kidding me?” “Do I look like I’m kidding?” seryosong wika ni Rage. “Hindi mo ako responsibilidad at gagawin ko kung anong gusto ko! I’m calling dad!” Sa huling pangungusap ko ay dinig sa tono ng aking boses na magsusumbong ako. Humarap ako sa aking kama at hinablot doon ang phone ko. I started tapping the screen of my phone as if I’m in a hurry and I need to talk to the manager. “Go. Call him,” ani Rage na chill lamang sa kanyang kinatatayuan at saka pa nito inihilig ang kanyang ulo habang nakasandal sa pader. Talagang hinahayaan niya akong tawagan si dad na para bang alam na niya ang mangyayari kaya kampante siya. “Alam mo namang uulitin niya lang ang mga sinabi ko sayo.” Itinigil ko ang pagta-tap sa aking phone at saka tiningnan ng masama si Rage. “Am I a child for you to punish if I do something you don’t like? Malaki na ako. Alam ko kung ano ang tama at mali.” “I would tell you if what you do is right or wrong. I’m going to decide whether your words and actions are right or wrong,” aniya habang matiim niya akong tinitingnan. I scoffed at him. I couldn’t believe this guy! “Ano ka diyos? Bakit naman ako makikinig sayo?” suplada kong wika. “You never listen to me,” ani Rage at saka umiling. Natahimik ako sa kanyang sinabi. “Hanggang ngayon matigas pa rin ang ulo mo.” Napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko na naman ang aming nakaraan. Why does he have to mention our broken past? Is he using it against me? Gusto niya ba akong masaktan ulit? “Don’t ever mention the past. It doesn’t matter anymore and it doesn’t make sense right now,” malamig kong wika habang nakatitig kay Rage. Hindi sumagot si Rage. Sa halip ay iniba niya ang usapan. “Sumabay ka nang mag-dinner sa amin ng mga kaibigan ko mamaya.” “What if I say no?” hamon ko. Tumayo ng maayos si Rage at dahan-dahan na namang lumapit sa akin. Napakapit ako ng mahigpit sa phone ko, and this time, hindi ko ako umurong. Pinapakita ko sa kanya na hindi ko siya aatrasan ngayon kahit na nangangatog ang mga tuhod ko dahil sa paglapit niya ay siya namang pag-alala ko sa kanyang halik. “Wrong response, Mariya,” ani Rage. Napalunok ako sa paraan ng pagkakasabi niya. He knows how to control himself from everything and when he loses control, you’ll regret it. I know I’ll regret it. Tumigil siya sa aking harapan. Kasabay niyon ay ang pagtigil ko sa aking paghinga. He leaned his face on mine and then his eyes went down on my lips. “I’ll let your stubbornness slide for now. Fail me the second time and you’ll see what I can do to you,” he said that made me shiver. “I’m expecting you to come and eat with us later.” Matapos sabihin iyon ni Rage ay lumayo na siya at lumakad papunta sa pinto at lumabas. Napaupo ako sa kama dahil sa panghihina. Did he just intimidated me? I scoffed at the door nang makalabas siya ng tuluyan. Sino ba siya sa akala niya? Dapat sinabi ko sa kanya na wala na akong pakialam sa kanya at kinalimutan ko na ang childhood naming dalawa. Sa inis ko ay talagang pinangatawanan kong hindi sumabay sa kanila sa pagkain. Makikipagmatigasan ako sa kanya kung iyon ang gusto niya. I won’t give him the satisfaction! Naligo na lamang ako at nagsuot ng whitr loose shirt na malaki na abot sa aking legs. Pagkatapos ay nagkulong ako sa kwarto habang nagpho-phone. Nakasandal ako sa headboard ng aking kama na mayroong kulay peach na canopy mesh. Habang busy ako sa aking phone ay nadinig ko ang dalawang beses na katok sa pinto ng aking kwarto. Napatingin ako doon at natigil sa pagba-browse sa social media. “Sino yan?” wika ko. Bumukas ang pinto at sumilip si nanay Lita. “Ysa, kumakain na ng dinner sina Rage at mga kaibigan niya. Sumabay ka na raw,” ani nanay Lita. “Busog pa po ako, nay,” sagot ko naman. “Oh, sige. Hahatiran na lang kita ng pagkain mamaya kapag nagutom ka na.” “Huwag na po. Kukuha na lang ako sa kusina mamaya. Salamat po, nay,” saad ko. “Siya, sige,” ani nanay Lita at saka na niya isinara ang pinto. Bumalik ako sa pagba-browse ko sa social media ngunit matapos ang ilang minuto ay nabagot na ako. Napagdesisyunan kong lumabas ng bahay kahit gabi na. “Saan ka pupunta, Ysa?” tanong ni Mang Carding nang makita niya akong palabas sa puting gate. Mukhang kakatapos niya lang diligan ang mga halaman sa tapat ng bahay. “Sa rancho po,” sagot ko. Hindi ko na hinintay na magsalita si Mang Carding at dali-dali akong tumakbo papunta sa rancho. Alam kong hindi niya ako papayagan dahil gabi na. Dumiretso ako sa bahay kung saan namamalagi si Andres. Maliit lamang ito na parang condo type. Isang kwarto at maliit na kusina at sala. Kumatok ako ng dalawang beses at naghintay na pagbuksan ako ng pinto ni Andres, ngunit walang tumugon. Napakunot ako ng noo. Sigurado akong tapos na ang trabaho ni Andres sa mga oras na ito. “Ysabelle? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Andres na nasa likuran ko. Humarap ako sa kanya. “Akala ko nandito ka na sa bahay.” “Kakatapos ko lang linisin yung mga kwadra,” paliwanag ni Andres. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ni Andres. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit gusto niyang magtrabaho sa rancho. Because he could do better than feeding our horses, cleaning their stables, and conditioning them for running. “Matutunaw naman ako sa titig mo niyan,” pambibiro ni Andres. He chuckled after he said that. Then, I smiled in return. Nagawi ang tingin ko sementadong upuan at naupo doon. Tinabihan naman ako ni Andres. Pinanood ko ang madilim na langit na puno ng stars. “Naparito ka pala? Baka hanapin ka ni Rage,” ani Andres. “Don’t mention him,” wala sa mood kong wika. Tiningnan ko si Andres at napansin na may pasa ang gilid ng kanyang labi. “Pasensya ka na sa nangyari kanina.” “Wala yon,” ani Andres na may ngiti sa labi niya. “Nag-aalala lang ako sayo. Baka pagalitan ka ng kababata mo.” Sa pagkakasabi ni Andres ay nawala ang kanyang ngiti. “Hindi na ako bata, Andres,” saad ko. “Gagawin ko kung anong gusto ko. Oo na’t anak ang turing ni dad sa kanya, pero hindi ako susunod sa mga gusto niya. Alam ko naman na malaki ang responsibilidad ko sa lupain at iyon lang ang focus ko sa pag-uwi ko dito. Aside from that, gagawin ko kung ano ang nais ko.” Umiiling si Andres ngunit hindi ko na lamang pinansin. “Siya nga pala,” sambit ko. “Bakit ba naririto ka pa rin sa rancho? Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit nagsi-stay ka rito.” Tumingin si Andres sa mabituin na langit. “I just don’t wanna go back to my old life.” “Why?” pagtataka ko. “Marunong ka namang mag-ingles. Sa tingin ko hindi ka naman mahihirapang magtrabaho kung magta-trabaho ka sa mga kumpanya. Pwede kitang irekomenda sa Manila kung gusto mo.” Sa katunayan, nakilala ko si Andres noong twenty years old ako. Tinanggap siya bilang caretaker sa rancho ni daddy because according to him, Andres is fond of horses and I believe him. Simula noong si Andres ang pumalit sa dati naming caretaker sa rancho ay mas lalong gumanda ang kondisyon ng mga kabayo at mas gumanda ang pisikal na pangangatawan ng mga ito. At sa tingin ko kay Andres ay hindi lamang siya isang ordinaryong tao. Ngunit ayoko namang panghimasukan ang kanyang buhay kaya wala akong gaanong alam tungkol sa kanya. “Naaalala mo pa ba nung madalas kitang puntahan dito sa rancho?” tanong ko kay Andres. Tiningnan ako ni Andres at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit napangiti rin ako sa kanya. Siguro ay dahil napakabait niya sa akin. Dinig ko kasi dati sa mga nakatira dito sa amin na parati siyang tahimik at hindi nakikipag-usap maliban na lamang kung kailangan. “Oo natatandaan ko pa. Bakit mo nga na ako pinupuntahan noon? Dahil pogi ako?” aniya. Sinuntok ko ng mahina ang braso niya at saka ako tumawa. “Palagi kang umiiyak sa akin dahil kay Rage,” ani Andres. May halong lungkot ang kanyang tinig. Hindi ako nakaimik. Ibinalik ko ang tingin ko sa langit habang ramdam ko ang titig ni Andres sa akin. “Iniwan niya ako para mamuhay sa London. Ngayon, wala na akong kinikilalang Rage na kababata ko. The old Rage I knew has been dead for ten years.” “Ysa,” tawag ni Andres sa pangalan ko kaya nabalik ang tingin ko sa kanya. Tila nangungusap ang kanyang mga mata. “If I go back to my old life, will you be there for me?” Hindi ako agad nakasagot. I don’t even know what his old life was. I don’t really have any idea kung ano ang buhay ni Andres. Ngunit ang masasabi ko lang ay mabait siya sa akin at magaan ang loob ko sa kanya. Natawa si Andres sa kanyang sarili at umiling. “Never mind.” “Alam mo, sa tingin ko nag-aral ka sa magandang school. Ang pogi mo lalo kapag nag-english ka, eh. Parang may American accent.” Something flickered to Andres’ eyes. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “Pogi ako para sayo?” aniya. Nagbago ang paraan ng pananalita ni Andres. Naging seryoso siya ngayon at hindi ko maikakaila na nakakagwapo sa kanya iyon. “Nako, baka lumaki ulo mo niyan,” dinaan ko na lang sa tawa ang lahat ngunit alam kong ramdam ni Andres na hindi ako mapakali. “S-sige. Babalik na lang ako bukas. Good night, Andres.” Tumayo ako kaagad at naglakad pabalik sa bahay. Halos madapa ako dahil patakbong lakad ang ginawa ko. Nang makarating ako sa tapat ng puting gate ay napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko kasi inasahan na tititigan ako ng ganoon ni Andres. After all, he’s still a man and I’m a woman. “You keep disobeying me,” malamig na wika ng taong nasa tapat ko. Natakpan ako ng kanyang anino. Nang madinig ko ang boses ni Rage ay napaangat ako ng tingin sa kanya. Binuksan ko ang gate at dinaanan lamang siya dahil wala akong balak makipagdiskusyon sa kanya. Ngunit bago ko pa maihakbang ang kaliwang paa ko ay hinila ni Rage ang kamay ko. Kinaladkad niya ako papunta sa madilim na parte sa gilid ng bahay at isinandal niya ako sa pader. “What the fvck are you—“ hindi ko na nagawang tapusin ang aking sinasabi nang lumapat muli ang malalambot na labi ni Rage na nagpatahimik sa akin. Nanghina na naman ang aking mga tuhod ngunit mas nanginbabaw sa akin ang sama ng loob ko sa kanya. Itinulak ko siya palayo sa akin habang nangingilid ang mga luha ko. “Leave me alone, Rage! If you think na mababalik mo pa ang dati nating samahan, nagkakamali ka! Matagal ka nang patay para sa akin,” malamig kong sambit habang tumutulo ang mga luha ko. “Good. Keep it that way,” walang emosyon niyang wika. Napatawa ako sa kanyang sinabi. May karapatan ba siyang maging cold sa akin gayong siya ang nang-iwan sa akin noon? “Isa pa, huwag mo na akong pakikialaman. Kung dati ipinagkatiwala ko ang buhay ko sayo na hindi mo ako iiwan, ngayon pabayaan mo na ako. You broke your promise kaya wala ka nang karapatan na panghimasukan ang buhay ko. Kung umuwi ka dito para sa pagpapalakad ng mga ari-arian ni dad on his behalf, then go. I’ll do my part here on my own.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay iniwan ko si Rage na nakatayo doon. But why am I still hurting like this? And why am I wishing that I should have kissed him back instead?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD