Kabanata 8

2180 Words
Huling araw na ng mga kaibigan ni Rage dito sa bahay. They stayed here for three days. Ni-tour sila ni Rage sa lupain at ngayon ay naririto sila sa rancho. I’m helping Andres feeding the horses with grasses habang naroon sa di kalayuan sina Rage at mga kaibigan niya. Habang pinapakain ko si Rocco, ang kapatid ni Rocia, ay hindi ko pa rin maiwasang panoorin sina Rage. Nakasakay na yung apat na kaibigan ni Rage sa mga kabayo nila habang si Savannah naman ay hirap na hirap makasakay kay Rocia. Napangisi ako habang pinapanood siya na nahihirapan. Nilalayo ni Rocia ang back part ng katawan niya sa tuwing sasakay si Savannah sa kanya. Does Savannah think ganoon kadaling mapaamo si Rocia? Maselan ang Rocia namin at mapili sa mga sumasakay sa kanya. Kitang kita ko sa mukha ni Savannah na nagngingitngit na siya sa inis dahil sa mailap si Rocia. Tumatawa naman ako sa kaloob-looban ko dahil sa nangyayari sa kanya. Ngunit matapos ang ilang minuto ay natigil ako sa pagpapakain kay Rocco nang mapansin na parang napag-aralan na ni Savannah kung paano ang tiyempo sa pagsakay kay Rocia. At nang mag-attempt siyang muli sa pagsakay kay Rocia ay nakarinig na lamang kami ng kalabog. “Ahh!” Savannah screamed. She fell from Rocia’s back. She freaking fell! Mabilis akong napatingin kay Andres na katabi kong nagpapakain sa iba pang kabayo. Nagpipigil siya ng tawa habang umiiling, marahil ay hinihintay niya ring mahulog si Savannah kay Rocia. “She wanted it, she got it,” ani Andres. Nang ibalik ko ang aking tingin sa gawi nila Savannah ay nawala ang ngiti ko nang mapansing binubuhat siya ni Rage na parang bride. Really? Kailangan pa ba niyang buhatin ng ganoon si Savannah? Pwede naman niya itong akbayan. Tss. Bumaba naman iyong isang foreign girl sa kabayo niya at nag-aalalang sinamahan sina Rage at Savannah papunta sa silungan na kubo. Ramdam ko naman ang titig ni Andres sa akin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. “Gusto mo bang mangabayo?” tanong ni Andres sa akin. “Tara,” sagot ko kahit na kay Rage at Savannah ang atensyon ko. Mababakas sa boses ko na nawala ako sa mood. “Ilalabas ko lang yung dalawang kabayo na gagamitin natin. Ipapasok ko muna itong pinapakain kong kabayo at si Rocco,” wika ni Andres. Hinintay ko siya hanggang sa lumaba siya sa kwadra dala ang dalawang kabayo. Walang kahirap-hirap akong sumakay sa kabayo dahil marunong na ako. Rage taught me how to do horse back riding years ago. I meant the old Rage. I should always be particular with my words when it comes to that person, right? Katulad ko ay madali lamang nakasakay si Andres sa kanyang napiling kabayo. “Ikutin natin ang buong rancho. Mas magandang mangabayo ngayong malapit nang magtakipsilim,” suhestiyon ni Andres. Tumango lamang ako bilang sagot. Tumingin pa ako ng isang beses sa gawi nila Rage at natigil na naman sa pagbuga ng hangin ang aking baga nang mapagtantong nakatitig siya sa akin. “Hiyaa!” Naunang tumakbo si Andres kaya naman nabalik sa kabayo ang pokus ko at sumunod na ako. Ngunit habang tumatakbo ang kabayo ko katabi ang kabayo ni Andres ay hindi mawala sa isip ko ang nakakatunaw na titig ni Rage. “Focus, Ysabelle!” Andres yelled. Nabalik naman ako sa reyalidad. “Baka mahulog ka sa kabayo mo!” “Oo!” sagot ko at tinanggal ko muna sa isip ko si Rage hanggang sa maikot namin ni Andres ang rancho. Tumigil kami sa isang puno habang nakasakay pa rin kami sa aming mga kabayo. Tinitigan namin ang papalubog na araw. “Ang ganda,” sambit ko habang nakatitig doon. “Parang ikaw,” wika ni Andres. Napunta sa kanya ang aking atensyon at napansin na mukhang kanina pa siya nakatitig sa akin. Bigla akong na-conscious sa paraan ng pagtitig sa akin ni Andres. Nangungusap na naman ang kanyang mga mata. “Binobola mo na naman ako. Baka ma-shoot mo na ako niyan,” pambibiro ko. “I-shoot na lang kita sa puso ko,” biro ni Andres. I laughed at him but when I realized he wasn’t laughing with me ay tumigil ako at ibinalik ang tingin sa langit. Wala akong ideya kung bakit nagkakaganito si Andres lately. Siguro ay hindi ko lamang maabot ang level ng humor niya? Kaysa ma-awkward ako sa nangyayari ay naisipan ko na lamang magtanong. “Andres, pwede ba akong magtanong?” saad ko. “Ano yon?” aniya. “I hope I’m not invading your privacy, but how was your life before you entered our land?” I asked him. Hindi kaagad sumagot si Andres. This time, I looked at him again. Nakatitig lamang siya sa langit na tila may inaalala. “Well, you’re actually right last night,” ani Andres. “I was born and raised in America,” sagot niya. Napaawang ang bibig ko ng dahan-dahan hanggang sa magmukha na itong letrang ‘o’. “What?! Talaga?” hindi makapaniwalang wika ko. “Then, what are you doing here kung ganoon? Bakit mas gusto mo rito? Sa tingin ko mas maganda ang buhay mo sa America. Look at you, nagkakasugat ka sa katawan dahil sa bigat ng trabaho mo dito sa rancho,” nag-aalala kong wika kay Andres. “Stop being like that, Ysabelle,” ani Andres. Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” pagtataka ko. “Palagi mo akong kino-compliment. Nag-aalala ka pa sa akin. Stop it,” aniya. He wasn’t being cold when he said that. Bagkus ay nag-aalala siya ngunit hindi ko alam kung sa akin ba o sa sarili niya. “Alam kong alam mo na yung sinasabi ng mga tao rito sa atin na tahimik ka at parang suplado. Well, I don’t believe them. Napakabait mong tao tsaka tinutulungan mo ako sa rancho,” wika ko. “They are right,” ani Andres. “Mabait ako at matulungin? Oo, sayo lang,” ani Andres. Biglang uminit ang mukha ko sa sinabi ni Andres. “A-ano?” hindi makapaniwalang wika ko. “Wala,” aniya. “Tara na, bumalik na tayo. Dumidilim na.” Matapos sabihin iyon ni Andres ay pinatakbo na niya ang kanyang kabayo. Wala naman akong nagawa kung ‘di ang sumunod sa kanya. Habang pabalik kami ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Andres. Anong ibig niyang sabihin na sa akin lang siya mabait at matulungin? Selective ba siya sa mga taong pinakikisamahan niya? Nang makabalik sa mga kwadra ay napansin ko si Rage na nakatayo sa tapat ng pinto nito. Pagkababa ko sa kabayo ko ay hinila kaagad ni Rage ang kamay ko. “Aray! Ano ba!” pagpupumiglas ko sa mahigpit na hawak ni Rage sa pulso ko. “Bitiwan mo ako!” Bago pa ako mahila ng tuluyan ni Rage palayo ay hinila rin ni Andres ang isa kong kamay. “Rage, nasasaktan si Ysa,” ani Andres. There was a hint of threat in his voice. “She’s not gonna get hurt if you let her go,” nagtatagis ang panga na wika ni Rage habang nakatingin ng seryoso kay Andres. Andres didn’t back down. Mas lalo pa niyang hinila ang kamay ko palapit sa kanya. Ngunit hinila na naman ulit ako ni Rage palapit sa gawi niya. I kept wincing dahil sa lakas nilang dalawa sa paghila sa akin. “Ito ba ang gusto mo? Palagi mo na lang siyang sinasaktan. Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nagsasawa? Tama na yung sampung taon na pagdurusa niya dahil sa pangako mong hindi mo tinupad,” seryosong wika ni Andres kay Rage. Napaawang ang bibig ko dahil sa mga narinig mula kay Andres. Mababakas sa mukha ko ang pagkagulat. Ngayon ko lamang nakitang ganito si Andres. Nararamdaman ko na higit pa sa simpatya ang ipinapakita niya ngayon sa akin. Pero bakit? “You don’t know anything, Anderson,” Rage said menacingly. “Huwag kang manghimasok sa sitwasyong wala kang kaalam-alam,” dagdag pa nito. Sa paraan ng pagtitig nila Andres at Rage ay tila mayroong kuryenteng dumadaloy sa mga mata nila na ikinabahala ko. Why are they fighting like this? Dahan-dahang kinalas ni Andres ang hawak niya sa aking kamay. I looked at him nodded once. “It’s okay, Andres. Thank you,” saad ko. “Kapag umiyak ulit si Ysabelle sa akin dahil sayo, magsisisi ka,” ani Andres kay Rage na mayroong halong banta. Napatitig ako kay Andres dahil ramdam kong seryoso siya sa kanyang sinabi. Seryoso lamang nakatitig si Rage sa kanya hanggang sa magsalita siya. “Umuwi na tayo, Mariya,” aniya. Hinayaan kong magpatianod kay Rage habang na kay Andres pa rin ang aking atensyon. Habang papalayo ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin ngunit tila ba may halo itong kalungkutan. I appreciate Andres so much. He was actually the second one who listened to me when I was broken dahil kay Rage. One day, makakabawi rin ako kay Andres. He doesn’t deserve to be treated like this nang dahil sa akin. Pagkauwi sa bahay ay padabog akong pumasok sa loob. Naroon si nanay Lita sa sala at nagpupunas siya ng mesa. Hindi ko na siya nabati ng magandang gabi dahil sa inis ko kay Rage. Dumiretso ako sa hagdan at dinig pa rin ang mga dabog ko. “Oh, napaano ang kababata mo, Rage?” dinig kong tanong ni nanay Lita kay Rage na umaakyat rin sa hagdan. “Later, nanay,” ani Rage sa kanya. Nang makadating sa tapat ng kwarto ko ay ibabagsak ko sana ang pagsara ko sa pinto ngunit napigil iyon ni Rage. Hinarapan ko siya nang tuluyan siyang makapasok sa kwarto ko. “Now what, Rage?!” singhal ko sa kanya. Nakatitig lamang si Rage sa akin. Hindi ko siya mabasa. He’s not angry anymore. Hindi na rin nanlilisik ang tingin niya. Gusto kong ipamukha lahat sa kanya kung gaano kasama ang loob ko lalo na sa ginagawa niya ngayon pero hindi ko magawa dahil pinanghihinaan ako ng loob. “Don’t scream, Mariya. Baka mamaga ulit ang lymph nodes sa leeg mo,” ani Rage. “Has it healed up?” Sa inis ko ay napahilamos ako ng mukha. “What’s wrong with you?” hindi makapaniwalang saad ko. “I’m sorry,” he said. What? Did he… did he just apologize? “I’m sorry for doing this to you. Tama ka. I don’t have any right to dictate you,” aniya pa. “I called your dad earlier. You can do whatever you want. Basta gawin mo lang ang tungkulin mo rito sa lupain.” Hindi ako sumagot o nagbigay ng komento sa sinabi ni Rage. Hinayaan ko siyang magpatuloy. “Kung ayaw mong samahan kita sa pagma-manage, magpatulong ka sa mga in-charge sa pagawaan ng tela at palayan. Andres is there at the ranch.” Hinawakan ni Rage ang doorknob at akmang aalis na nang magsalita siyang muli. “Your cousins are on their way here. Mag-iinuman kami sa sala kasama ang mga kaibigan ko. Kung gusto mong uminom, bumaba ka na lang.” Matapos sabihin ni Rage yon ay lumabas na siya ng aking kwarto. Bigla akong nakaramdam ng guilt kahit hindi naman dapat. For the first time, he apologized. Ngunit hindi pa rin iyon sapat. Hindi mabubura ng isang sorry ang sampung taong pagdurusa ko dahil sa pangako niyang hindi niya tinupad. Matapos ang mahigit dalawang oras ay dinig ko ang mga pinsan ko na nag-iinuman na sa sala kasama si Rage at mga kaibigan niya. Hanggang sa bigla na lamang pumasok si Janessa sa kwarto ko. “Ysa, anong ginagawa mo diyan? Halika na! Kanina pa kami nag-iinuman sa sala ikaw na lang ang kulang. Bilisan mo!” ani Janessa at saka niya hinila ang kamay ko. Hinayaan ko na lamang siyang hilahin ako. Nang makababa ay binigyan kaagad ako ng isang baso ng JD ni Elijah. “Hello, my dear cousin! Sa wakas bumaba ka rin! Let’s go!” masiglang wika ni Elijah at nag-cheers kaming lahat. Habang iniinom ko ang alak na binigay ni Elijah ay nahagip ng mata ko si Savannah at Rage na nakaupo sa sofa na kaharap ko. Tila lasing na si Savannah dahil mapungay na ang kanyang mga mata habang kinakausap si Rage. Everything seemed to be fine ngunit nasamid ako sa sumunod na ginawa ni Savannah. Ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Rage at hinalikan niya ito sa labi. Ngunit nanghina ako nang tumugon si Rage sa halik ni Savannah. Napansin sila ng iba kong mga pinsan at nagkantyawan pa sila. “It’s getting hot in here!” ani Elijah habang tumatawa. “Get a room!” wika nung korean na kaibigan ni Rage. Hindi ko alam kung bakit ako biglang tumayo at umalis. Natigil naman sila sa pagsasaya nang umalis ako at nagtungo pabalik sa kwarto ko. Napakabilis ng kabog ng puso ko. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko at natulala. Anong nangyayari sa akin? Bakit nasasaktan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD