Kabanata 6

2262 Words
Sa tingin ko ay mga kaibigan ni Rage itong mga bisita na mukhang galing pa sa London. Naisipan kong umakyat ulit at panoorin sila sa terrace ng hagdan. Napakapit ako ng mahigpit sa railing ng terrace dahil parang tarsier sa puno kung makakapit yung blonde na foreign girl kay Rage. I remember when I was still a kid, no one was allowed to hold Rage except for me. Yes, I was that possessive of him kahit na mga bata pa kami. I might be five years old back then and Rage was eight years old, but I literally told him if he wanted me to be his princess, he cannot play with other kids. He was mine. And now he’s not… Nahahawakan na siya ng iba. Alam ko naman na kahit na hindi na kami nag-uusap ay sigurado akong may nakarelasyon na siya sa London at may experiences na. Siguro girlfriend niya si tarsier kaya ganoon na lamang siya kung makadikit kay Rage. At alam ko namang wala akong karapatan na pagbawalan siya. I was only a childhood memory for him. He doesn’t look at me like how he looks at me when we were still kids. Pinapansin niya lang siguro ako ngayon dahil responsibilidad ako sa kanya. Habang nag-uusap sila sa living room ay naramdaman siguro ni Rage ang presensya ko dahil napaangat ang tingin niya sa gawi ko. I was startled a bit dahil nagtama ang aming mga mata. I did my best to act cool because I felt caught like a gossiper listening to people’s businesses. Nakatitig lamang si Rage sa akin habang nagsasalita yung isang asian guy na kaibigan niya. At dahil doon ay nagtaka silang lahat at napaangat na rin ng tingin sa gawi ko. Halos ilayo ko ang sarili sa railings ng terrace para hindi nila ako mapansin ngunit huli na ang lahat. Kumaway sa akin yung asian guy na nagsasalita kanina at ngumiti pa. I think he is korean. As I observe him, he is handsome and tall. Kung ipapasok siya sa kpop industry ay siguradong makakapasok siya ng hindi nahihirapan dahil sa kagwapuhan niya. But Rage’s handsomeness and glory are beyond that. Para sa akin ay walang wala si korean guy sa kanya. He cannot even surpass Rage’s s*x appeal. And why am I saying nonsense? Ayoko namang maging rude kaya kahit labag sa loob kong lapitan sila ay bumaba pa rin ako para i-welcome sila. “Hi. Welcome to our house,” nakangiting bati ko sa mga kaibigan ni Rage nang makalapit ako sa kanila. Korean guy smiled at me and I smiled back at him. Then, I looked at Rage. He doesn’t seem happy habang nakakapit pa rin si blonde girl sa kanyang braso na para bang ikamamatay niya kung kumalas siya kay Rage. “You’re Ysabelle, right?” wika nung isa pang asian guy. This one looks like a filipino guy born in London. His british accent is there. “Glad to meet you,” aniya at nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi. Nang lumayo siya ay nginitian ko na lamang siya. May katanungan na lumabas sa aking isip. Bakit kilala nila ako? Nakukwento ba ako ni Rage sa kanila? But why? Rage cleared his throat. Marahil ay napansin niyang nakatitig sa akin yung dalawang asian guys. “Enough with that,” wala sa mood niyang wika pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “They are going to stay here for three days.” What? And who told him to do that? Naiinis ako hindi dahil magsi-stay ang kanyang mga kaibigan dito kung ‘di dahil tatlong araw kong makikita itong lintang blonde na ito sa bahay namin. “Rage, you forgot to introduce me to Ysabelle,” wika ni linta. Rage doesn’t have to dahil wala naman akong balak na makilagkilala sa kanya. Mabuti pa itong isang babae na kasama pa nila behave. “I’m Savannah.” I just looked at her without smiling. And she felt uncomfortable. Good. Sakto namang dumating si nanay Lita na galing sa kusina. Lumapit siya sa gawi namin. “Oh, nandito na pala ang mga kaibigan mo, Rage,” ani nanay Lita. “Hello, good morning, children,” bati niya sa mga ito. Nagpigil ng tawa yung dalawang asian guys. Napailing na lamang ako sa isip ko dahil nananalaytay pa rin talaga ang dugong asian sa kanila. Nang mapansin nilang nakatitig ng seryoso si Rage sa kanila ay bigla na lang silang tumigil sa pagbungingis. I realized that they are scared of him. And why does he look so hot when he’s angry? Gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko dahil sa naiisip ko. I’m not supposed to think this way towards him. He is nothing to me. He should be. “The guestrooms are ready. Have some rest today before I tour you around here. I’ll take you to the fabric factory tomorrow,” wika ni Rage. “Alright. Thanks for having us here, Rage. Ysa,” ani Korean guy. Then, they all went upstairs kasama si nanay Lita para samahan sila sa kanilang mga kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Rage sa living room. And I feel unseasy. “Don’t worry. I asked tito Hermano’s persmission,” wika ni Rage. “You don’t have to tell me. Parang anak ka na ni dad. That’s nothing to him,” saad ko naman. Hindi nagsalita si Rage kaya bigla akong na-conscious. “W-what?” naiilang kong tanong. Sa halip na sagutin niya ako ay bigla na lamang siyang umalis papunta sa kusina. What’s wrong with him? I decided to finish putting my clothes in my closet and other things in my drawer, cabinet, and bathroom. At dahil sa pagod ko sa pag-aayos ay naisipan kong matulog muna ulit. Hindi ko alam na inabot ang tulog ko hanggang alas kwatro ng hapon. Nang bumaba ako ulit ay napansin kong naglilinis si nanay Lita sa dining area. Napansin niya akong papunta doon. “Oh, Ysa. Nahuli ka na. Isasama ka sana nila sa pagawaan ng tela ang kaso tulog ka pa,” ani nanay Lita. “Sana ginising niyo po ako, nay,” saad ko naman. “Gagawin ko nga sana kaso itong kababata mo pinigil ako. Ayaw ka niyang maistorbo sa tulog mo,” umiiling na wika ni nanay habang nakangiti. “Hanggang ngayon inaalala ka pa rin niya kahit malalaki na kayo.” Huminga ng malalim si nanay Lita na tila inaalala ang aming kabataan ni Rage. Isa siya sa mga saksi kung paano kami naging close ni Rage noon. Lumambot ang puso ko sa sinabi ni nanay Lita pero hindi ko iyon hinayaang manaig. I promised myself that I will hate him forever and I will not lower my pride. I cried every night wishing he would come back. I kept waiting at the door of this house every single day for five years dahil baka sakaling bumalik na siya but he didn’t. He came back after ten fvcking years. “Pupunta lang po ako sa rancho,” wala sa mood kong wika kay nanay Lita at saka ko na siya iniwan sa dining area. Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa rancho. Malawak ang aming lupain kaya inabot ako ng fifteen minutes sa kwadra ng mga kabayong pag-aari namin. Nakabakod ang sakop ng rancho. Habang papalapit ako sa bakod ay napangiti ko nang mapansin si Andres na hinahaplos ang mukha ni Rocia. Tila kinakausap niya ang kabayo kaya hindi niya ako napansin na papalapit sa kanila. “Andres!” tawag ko. Madali namang napatingin si Andres sa akin at mababakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagkatapos ay pagkatuwa. “Ysa! Nandito ka na pala,” aniya nang makalapit ako. “Kailan ka pa dumating?” “Kahapon lang,” sagot ko. “Kumusta ka na? Hindi ka pa rin nagbabago,” nakangiti kong wika. Ugali ni Andres ang mag-topless kapag nagta-trabaho siya sa rancho. His muscular and defined body is making him look like a hunk. I mean, he is actually a hunk. Maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanya rito na nakatira sa lupain namin. “Anong ibig mong sabihin, ha?” nakangiting hamon ni Andres at saka pa nito kinagat ang kanyang labi. “Because you’re undressed. Sakto nga talaga ang pangalan mo sayo. Andres The Undressed,” natatawa kong wika. “Mapang-asar ka pa rin talaga, senyorita,” umiiling na wika ni Andres. “Stop calling me that. Ilang beses ko na bang ipinaalala sayo na hindi ko gustong tinatawag mo akong senyorita,” natatawa ko pa ring sabi. “Gusto ko, eh. Wala ka namang magagawa,” ngisi niya sa akin. “Ah, gano’n, ah,” hamon ko. Nang mahagip ng mga mata ko iyong tubig na nasa timba sa tabi ni Rocia ay isinawsaw ko ang mga kamay ko doon at binasa si Andres. “Ysabelle!” Andres yelled. I laughed at him while I keep splashing water on him. “Stop!” aniya. Ni hindi man lang siya nanlalaban sa ginagawa ko sa kanya. Pumipikit lamang siya kapag nababasa ko ang mukha niya. “Kapag hindi ka tumigil magsisisi ka,” he warned me. “What would you do, huh?” I challenged him. Halos nakakalahati ko na ang laman na tubig ng timba. Napansin ko na nababasa na rin pala ang sunny dress na suot ko. “This,” ani Andres at saka siya lumapit sa timba at binuhos niya iyon sa aming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. “Andres!” I yelled. I looked at myself at napansing bumakad ang aking katawan sa damit ko. Kitang kita ang kulay pula kong bra at underwear dahil naging see-through na ang nabasang dress ko. Bago pa makasagot si Andres ay bigla na lang may humila sa braso ko palayo sa kanya. At napasigaw na lamang ako nang suntukin ng taong humila sa akin si Andres. “Rage!” I screamed in horror nang bumagsak si Andres sa madamong lupa. “Don’t you dare do that to her again,” Rage hissed at Andres. “Ano ka ba! We’re just having fun!” singhal ko kay Rage. Patakbo akong lumapit kay Andres at tinulungan siyang tumayo. Then, I looked at Rage with anger plastered on my face. “Ako ang may kasalanan kasi pinagti-tripan ko siya!” Rage didn’t say anything. Instead, hinubad niya ang suot niyang itim na t-shirt at binato iyon sa akin. Ngayon ay nakapagitna ako sa dalawang topless na lalaki. “Isuot mo yan at umuwi ka na sa bahay,” seryosong wika ni Rage. He sounded demanding and superior. “Ayoko,” pagmamatigas ko. “Gagawin ko kung anong gusto kong gawin!” “Ysabelle, umuwi ka na muna,” ani Andres sa akin. “Bumalik ka na lang bukas,” aniya pa. Pasaldak akong huminga ng malalim at sinamaan ng tingin si Rage. “Fine!” Nagmartsa ako palayo sa kanila. Nag-give way rin ang mga kaibigan ni Rage sa akin. Pagkauwi ko sa bahay ay napansin ako ni nanay Lita na paakyat sa hagdan, ngunit dahil sa inis ko ay hindi ko na siya pinansin. Pagkapasok sa kwarto ay hinubad ko kaagad ang basa kong damit at hinayaang nakasuot ang aking ternong red bra at underwear. Binuksan ko ang aking closet at nagsimulang maghalungkat ng bagong bra at underwear nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. I jolted in surprise when I looked at the person who entered my room. Nataranta ang buong sistema ko dahil si Rage ang pumasok at nakahubad pa ako! Pilit kong itinatago ang aking katawan sa aking mga kamay ngunit huli na ang lahat. “W-what are you doing here? Get out!” I yelled at him. “I have something to tell you,” seryosong wika ni Rage habang nakatitig siya sa akin. “Pwede bang mamaya na kapag nakabihis na ako? You’re trespassing my room!” “What for? Nakita ko naman na yan dati,” aniya. Halos sumabog ang mukha ko dahil sa pag-init nito dahil sa hiya. He’s actually right. I let him bathe me when I was five until eight years old. Sa lake pa nga kami minsan naliligo at nagdadala na lang kami ng shampoo, sabon, at tuwalya. “A-ano ka ba! Malalaki na tayo ngayon!” I did my best to look mad but I think wala iyon kay Rage. Inihilig niya ang kanyang ulo at pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan mula ulo hanggang paa. “W-what are you staring at? Bastos!” Dahan-dahang lumapit si Rage sa akin habang ako naman ay napapaatras, hanggang sa maramdaman ko sa aking binti ang edge ng kama. “You’ve grown so beautifully, Mariya,” he said almost in a husky tone. Nanindig ang mga balahibo ko sa kanyang sinabi. “And I don’t want to see you behaving like that to any guys.” “Ano naman sayo? Bakit hindi ka na lang mag-focus sa lintang tarsier na yon?” Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob na sabihin iyon kay Rage. Napakunot ang noo ni Rage sa sinabi ko. “Lintang tarsier?” “Sino pa? Eh ‘di si Savannah!” Umigting ang panga ni Rage. “She’s nothing to me.” “But she is obviously hitting on you and you’re letting her!” singhal ko. “I let her so I’d get distracted,” nagpipigil na wika ni Rage na nagpakunot sa noo ko. “Distract you from what?” naguguluhan kong tanong. “From you,” aniya na nagpatahimik sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD