"Ysa, what are you doing? Bumalik ka doon!" Humarap ako kay Janessa na sumunod pala sa akin. "Or you want them to think na nagseselos ka? Because you're being obvious," aniya pa. "Come on, Ysa. I-set aside mo muna iyang pride mo, please? Don't ruin this night dahil sa sama ng loob mo kay Rage."
Naluluha ako dahil natauhan ako sa mga sinabi ni Janessa. "Just for once, Ysa," aniya pa. "Alam mo bang nag-aalala sayo sina kuya Leo? Tinanong nila ako kahapon kung anong alitan mayroon kayo ni Rage noon. Nahahalata na nila na ilap ka kay Rage simula noong umuwi siya rito. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin sa kanila kasi ayaw kong mabuksan yung dahilan ng sama ng loob mo kay Rage. Alam mo naman ang mga kapatid ko, ayaw nilang may kagalit tayo sa pamilya."
Tumulo ang isang butil ng luha ko. Bigla akong nahiya kay Janessa. "I'm sorry..."
"If you're really sorry, tanggapin mo kahit pakonti-konti lang na nandito si Rage. Just be respectful to him and makisama ka na lang sa kanya. It doesn't mean na ibabalik mo yung dating pakikitungo mo sa kanya. You're an adult already, Ysa. Act like one."
Napayuko ako dahil sa panenermon ni Janessa sa akin. She is a very patient person at ngayon ay napatid na ang pisi niya.
Nakarinig kami ng katok sa pinto ng kwarto ko. Parehas kaming napatingin ni Janessa doon.
"Is everything alright, girls?" tanong ni Leo sa labas.
"Yes, kuya! Bababa din kami!" sagot ni Janessa sa kanyang kuya.
"Alright," ani Leo. Dinig namin ang paglayo niya sa kwarto para bumaba pabalik sa sala.
Humarap muli si Janessa sa akin. "Tara na. Sabay na tayong bumalik doon. Okay ka na?"
Pinunasan ko ang mga luha ko at lumapit kay Janessa. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi niya iyon inasahan ngunit niyakap rin naman niya ako pabalik.
"Salamat, Jan. At pasensya na ulit," wika ko. "Susubukan kong pakisamahan si Rage."
"Alam kong mahirap pero para na lang sa ikabubuti ng lahat, do it. I'm glad nakikinig ka na. Matigas kasi talaga ang ulo mo. Palibhasa unang apo, eh," ani Janessa at saka tumawa. Ngumuso ako dahil sa kanyang huling sinabi.
Lumayo ako kay Janessa at saka na kami sabay na bumalik sa sala. Pagbalik namin ay nagtaka ako dahil wala si Rage sa kinauupuan niya. Nakasandal naman si Savannah sa sandalan ng sofa at nakahiga ang ulo doon. She is definitely wasted.
Nagkakatuwaan at nagkukwentuhan ang mga pinsan kong mga lalaki at mga kaibigan ni Rage. Nakisali na rin si Janessa sa kanila habang ako naman ay nakikinig at nakikitawa sa mga jokes ni Elijah at Caleb. At kahit na nakiki-join ako sa kanila ay hindi ko maiwasang hintayin si Rage na bumalik sa kinauupuan niya. Where is he?
Matapos ang ilang minuto ay bigla akong nauhaw. Humarap ako kay Janessa. "Jan, kukuha lang ako ng tubig. Nauuhaw ako," wika ko.
"Sige. Bumalik ka, ha," aniya at saka niya ako pinanlakihan ng mata. Tumango lamang ako bilang sagot.
Nagpunta ako sa madilim na kusina dahil nakapatay ang mga ilaw. Nang pindutin ko ang switch ng mga ilaw sa pader ay nagitla ako nang makita si Rage na nakatayo sa tapat ng rectangle conrete table na mayroong sink sa gitna.
Bigla na lamang kumalabog ang puso ko habang nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa gawi ko dahil sa pagbukas ko ng mga ilaw. Nagkatitigan kami. Halos maihi ako sa kaba dahil hindi ko inasahan na nandito siya. Hindi kasi ako handa sa ganitong sitwasyon na kami lamang dalawa ulit.
Napansin kong may hawak siyang baso na may lamang alak. Why is he drinking here alone?
"Ah.. a-ano.. kukuha lang ako ng tubig," nauutal kong wika. Hindi ko alam kung bakit ako nagpaalam. Natataranta akong lumakad papasok sa kusina. Kumuha ako ng baso sa drawer sa itaas ng mahabang lababo. Pagkatapos ay nagpunta ako sa tapat ng two door fridge na mayroong water dispenser na kapag itinutok doon ang baso ay awtomatikong lalabas ang tubig.
Walang umiimik sa aming dalawa ni Rage. Tanging ang pagbuhos lamang ng tubig sa baso ko ang naririnig.
Sana hindi niya naririnig kung gaano kalakas sa pagkabog ang puso ko ngayong kami lamang dalawa dito sa kusina.
"Your nails," biglang saad ni Rage sa gitna ng katahimikan. Mabuti na lamang ay nakatalikod ako sa kanya dahil kung hindi ay mahahalata niya ang pagkagitla ko.
Inaalala ko ang panenermon ni Janessa kanina sa akin. I must be respectful towards Rage if not friendly. But how can I do that? My heart is saying otherwise. I wanted more than just being respectful nor being friendly.
"W-what about my nails?" I responded to Rage. Nang mapuno ng tubig ang baso ko ay akmang haharap ako sa kanya ngunit naramdaman ko na lamang na nasa likuran ko na si Rage. My heart kept thumping hard in my chest at nagising rin ang mga paru-paro sa tiyan ko.
"You don't like them painted. Yet you painted them red," ani Rage sa likuran ko.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil ayoko nang maalala iyong nakaraan at sama ng loob ko. But I did my best to be nice to him.
"P-para maiba naman," pagdadahilan ko. Dahil ang totoo ay gusto ko lamang baguhin ang sarili ko dahil sa kanya.
Nagitla ako nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Rage sa balikat ko. Kusa akong humarap sa kanya ng dahan-dahan at inangat ko ang aking mukha para tingnan siya. Napasandal ako sa pinto ng fridge nang ikorner niya ako doon sa kanyang isang kamay. Nadinig kong ipinatong niya iyong baso ng alak sa lababo sa tabi namin nang hindi nawawala ang kanyang tingin sa akin.
We stared at each other intensely habang naghuhuramentado ang puso ko dahil sa paraan ng pagtitig ni Rage sa akin. There was longing and sadness in his eyes. Tila kinurot ang puso ko dahil doon.
"I'm glad I'm seeing you this close, Mariya," Rage said sweetly. Lumambot ang puso ko nang sambitin niya iyon. I suddenly felt the longing I had been feeling for ten years.
"Bakit... bakit ngayon ka lang...?" halos pabulong kong wika. I could feel the lump in my throat dahil nagbabadya na namang mangilid ang mga luha ko. "Bakit ngayon ka lang bumalik?"
Hindi nawala ang titig ni Rage sa akin. Napakagwapo niya. I couldn't keep my eyes off of him. He's so masculine and manly. Napakabango niya at napakabango niyang tingnan. I love everything about him despite the hurt and pain he instilled in me.
"I waited for you... I had been waiting for you for the past ten years. Kung kailan sumuko na ako ay doon ka pa bumalik..." dagdag ko pa.
"I had to, princess," Rage said. Naamoy ko ang alak sa kanyang bibig. But I'm sure he's not drunk.
"Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"I really don't want to talk about it right now," paliwanag niya. "But it has nothing to do with you. I did it because I had to," dagdag pa niya.
I did my best to be understanding kaya tumango lamang ako bilang tugon sa kanyang paliwanag.
"I understand," saad ko na ipinagtaka ni Rage. Maybe, he is waiting for me to lash out again just like what I did recently.
Ngumiti si Rage sa akin na para bang madali lamang niyang nabasa ang paraan ng pakikitungo ko sa kanya ngayon.
His smile made my heart melt. Why does he have to be so perfect in my eyes? Bumaba ang aking tingin at napatitig na lamang ako sa kanyang labi— sa kanyang malambot na labi. Naalala ko na naman ang paghalik niya sa akin noong nakaraang gabi. Napakagat tuloy ako sa labi ko.
"Stop biting your lip, Mariya," Rage warned. Nang mabalik ang tingin ko sa mga mata niya ay napaawang ang bibig ko dahil sa nakakahumaling niyang titig. I could feel his desire through his eyes and it is making my knees go weak.
"W-why?" maamo kong wika.
"Because I might kiss you again," he said then he closed his eyes. Tila kinokontrol niya ang kanyang sarili.
"Then, kiss me," matamis kong sambit.
"I bet you don't remember what had happened the night you slept in my room," nakangising wika ni Rage.
"W-what happened?" kunot-noo kong tanong.
"This," aniya. Then, he crashed his lips on mine without hesitation.
Kusa na lamang pumulupot ang mga kamay ko sa kanyang batok. I responded to his kisses with the same intensity. Halos manghina ang katawan ko dahil sa init ng nararamdaman ko.
Napasinghap ako nang hawakan ni Rage ang magkabila kong bewang. His hot palms caressed the sides of my body that made me moan softly.
"Fvck," Rage groaned between our hot kisses. "You moan so sexy, Mariya..." he added in a husky tone. "I want you so bad..."
Lalo akong nag-init sa sinabi ni Rage. Bumaba ang kanyang labi sa aking leeg at doon ipinagpatuloy ang kanyang maiinit na mga halik.
Then, he sucked the skin on my neck and licked it continuously that made me moan so loud. "Ahh..!"
Lumayo ng bahagya si Rage sa akin. "Don't be too loud," he said then he chuckled before he kissed my lips again to which I responded to.
We were getting hot in the kitchen nang marinig ko ang boses nila Jacob at Jude na marahil ay papunta rito sa kusina.
Naitulak ko si Rage at natataranta kong inayos ang aking sarili, samantalang si Rage ay naguguluhan sa aking ginawa.
"What the heck was that for?" aniya.
"Papunta rito sina Jacob. Baka mahuli nila tayo!" pabulong kong wika.
Hindi na nakasagot pa si Rage nang tuluyan nang makapasok sina Jacob at Jude na nagkukwentuhan sa pagpasok sa kusina. Lumayo ako kaagad kay Rage nang mapansin nila kaming dalawa rito.
"Nako, kanina pa namin kayo hinihintay bumalik sa sala. Nandito lang pala kayo," wika ni Jacob.
"Ah.. ano.. k-kumuha lang ako ng maiinom," saad ko. "B-babalik na ako." Bago ako lumakad palabas ng kusina ay tiningnan ko si Rage. He winked at me and I freaking blushed.
Then he mouthed, "Later."
Bigla akong kinilig.
Hindi alam ni Janessa na higit pa sa pagiging respectful at friendly ang nangyari sa amin ni Rage.