Kabanata 14

2092 Words
Mariya Ysabelle Margarita Heto, tinitingnan ko ang dalawang malaking photo album namin ni Rage dito sa kwarto ko. These are some of the treasures I kept for almost twenty years. Unang litrato namin ni Rage ay noong birthday ni daddy. Naalala ko pa noong sinabi ni daddy na may kuya na ako kaya magpapicture daw kaming tatlo. Napangiti ako nang pagmasdan ko ang Ysabelle na five years old at si Rage na eight years old. Nakatayo ako sa isang upuan kasi gusto ko yata that time na mas matangkad ako kay Rage. Si Rage naman ay simpleng nakangiti sa tabi ni daddy. Nakabungisngis pa nga ako at litaw ang dalawang bungal kong mga ngipin sa upper part ng aking bibig. I turned to the next page. I smiled at the photo. Dad took a photo of me and Rage on the lake. Binabasa ko siya ng tubig habang nakasuot sa akin ang pink na donut type na salbabida. Nakaswimsuit pa ako ng one piece na kulay pink din dahil napakahilig ko sa pink noong bata ako. Naka-piggyback ride naman ako kay Rage sa isang photo habang hirap na hirap siyang buhatin ako dahil chubby ako ng bahagya. Naka-pigtails pa nga ang buhok ko sa photo. Iyong isang photo naman ay gumagawa kami ng homework sa math na addition and subtraction, ang kaso nakatulog ako sa mesa samantalang si Rage naman ay naka-piece sign sa camera habang hawak niya doon ang kanyang lapis. Pinasadahan ko ang lahat ng pages ng unang photo album namin. Halos sa lahat ng bagay ay magkasama kami ni Rage. I looked so happy with him dahil palagi akong nakangiti at makulit kapag kasama ko siya. Rage was very patient with me. He never gets tired of my silliness and stubborness. Natapos kong tingnan mga photos sa unang photo album. Itinabi ko muna iyon sa gilid ko sa kama at saka ko naman sinunod na binuksan iyong pangalawang photo album. Ito yung album na nagkakaisip na kami at nasa teenage years. As I opened the album, I looked at the first photo where I was making cookies for dad and Rage. I was ten years old in the photo. Sa pagkakatanda ko ay nasa rancho silang dalawa ni daddy dito kaya wala akong magawa sa bahay. Nahagip ng mata ko sa photo si nanay Lita na may hawak na tray para sa cookies habang inilalapag niya iyon sa mesa kung saan ko hinahalo iyong batter. Puno ng harina ang mukha ko at damit and I couldn't help but to smile at the young Ysabelle. Iyong mga sumunod na photos ay ako at si Rage na nakasakay kay Rocia. Nasa harapan ako at si Rage naman ay nasa likuran ko. Ito ang kauna-unahang beses na nasakyan ko si Rocia dahil gusto akong matuto ni Rage kung paano sumakay sa kabayo. The next photo was a twelve years old me who was doing archery with Rage. I realized that Rage has a lot of interests. Napakakulay ng aking childhood dahil sa kanya. Siguro iyon ang unang rason kung bakit nagkaroon ako ng paghanga sa kanya simula noong magkaroon ako ng kamalayan. I turned to the next page again at napukaw ang atensyon ko sa isang photo. It was the thirteen years old me staring at sixteen years old Rage who was working out in the gym room here in the old house. I looked so in love with him. I think it was Janessa who took this photo. My face looked dreamy while staring at him in the photo as if I was his number one fan. Rage is so handsome and has lots of potential and skills and I’m proud that I am his one and only princess since then. The next photos were me, Rage, and dad hiking in the mountains. Ang saya nilang dalawa ni dad sa mga photo habang ako naman ay nasa gilid at pagod na pagod kakaakyat sa matarik na bundok. May isang photo pa nga na lukot ang mukha ko dahil inaasar yata ako ni Rage kasi ayaw niyang abutin ang kamay ko para makatuntong ako sa isang malaking bato. Nasa kalagitnaan na ako ng photo album nang ilipat ko na sa susunod na pahina. Napakunot ang noo ko dahil halos si Rage ang nakikita ko sa mga photos. Nilipat kong muli sa ibang pahina at si Rage pa din ang nilalaman nito. Doon ko na lang napagtanto na tuluyan na nga talaga akong nahumaling sa kanya noong araw. It was me who took his photos here. Uminit ang mga pisngi ko dahil hindi ko maiwasang alalahanin ang lahat ng pinagsamahan namin ni Rage simula pagkabata hanggang sa magkaroon ako ng pagtingin sa kanya. Yung ibang pictures ay halos pasikreto kong kinukuhanan ng litrato si Rage habang siya ay nasa gym room, nasa rancho na sakay ni Rocia, at marami pang iba. Mukha tuloy akong nagfa-fangirling sa ginagawa ko rito. Hanggang sa nakarating ako sa sumunod na pahina. Wala nang pictures. Ito na yung mga panahon na umalis na siya papuntang London. "I look awful there." Nagitla ako sa taong nagsalita sa likuran ko. Madali kong isinara iyong photo album at itinabi iyon sa gilid ko. "A-anong ginagawa mo rito?" pagtataka ko. My heart was thumping in my chest. Kanina pa siya nakapasok? Masyado yata akong napokus sa mga pictures na halos hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. "I'm searching for you," ani Rage. "Iniwan mo ako sa shower. Sabay dapat tayong maliligo, diba?" "Eh.." nag-iisip ako ng idadahilan ngunit walang mapiga ang utak ko. "Wala akong naging girlfriend sa London," biglang sambit ni Rage. Ngumuso ako sa kanyang sinabi. "H-hindi ako naniniwala," saad ko. Nilaro ko ang aking mga daliri. Ayokong makita niya sa akin na nagtatampo ako. At naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maiwasang magtampo sa kanya. Gusto kong maniwala sa sinasabi niya pero bakit ganoon na lang siya kagaling sa ano, ‘di ba? He is so good at s*x that I want more. "I'm calling my friends," he finally said, at saka ako napatingin sa kanya ng mabilis. Dina-dial na niya ang mga ito sa kanyang phone. "Bakit?" pagtataka ko ngunit inabot niya sa akin ang kanyang phone. Nadinig ko ang boses nung korean guy sa kabilang linya dahil naka-loud speaker pa ito. "What's up?" wika nung korean guy sa kabilang linya. "Do you recall I had a girlfriend in London?" Rage asked him while looking intently at me. "No, dude. Why?" Hindi na sinagot ni Rage ang tanong ng kanyang kaibigan at saka na niya pinatay ang tawag. "Satisfied?" seryosong saad ni Rage sa akin. I kept silent and lowered my head. "I understand you're doubting me because I broke my promise ten years ago. But you never left my mind, Mariya," dagdag pa niya. "I understand that you're afraid to trust me again. If giving you space is what you need, then you have it now. I'm giving it to you." Pagkasabi niyon ni Rage ay lumabas siya ng kwarto ko at iniwan akong naiiyak habang nakaupo sa kama. Alam kong masama ang loob niya sa akin ngayon pero masisisi niya ba ako? Pakiramdam ko hindi pa kami okay dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganoon na lang siya kadaling pumayag na mamuhay sa London. Sa huli ay tinawagan ko si Janessa. She answered the call right away. "Sakto tumawag ka. Papunta ako ngayon diyan. Nagyaya sina kuya Leo mag-beach next week. Mag-book na kayo ng flight ni Rage." It took Janessa almost half an hour to arrive. Dumiretso siya sa kwarto ko at dito na nag-usap. "Saan tayo magbi-beach?" tanong ko kay Janessa habang pahiga siya sa kama sa tabi ko. Nakapokus siya sa kanyang phone habang kinakausap niya ako. "Sa boracay ulit. Nasabihan mo na ba si Rage?" tanong niya. "Ah.. hindi.." "Hay nako, Ysa," ani Janessa. "Puntahan mo siya ngayon din at sabihan mo siya tungkol sa boracay." "Ikaw na, Jan..." "Hindi, babae! Now na, tsupi! Bilisan mo." Tinulak-tulak pa ako ni Janessa hanggang sa mapatayo na ako. "Hihintayin kita dito. Ako na mag-book ng flight natin para sama-sama tayo." Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi ni Janessa. Pagkalabas ko sa kwarto ay napabuntong hininga na lamang ako. Paano ko kakausapin si Rage nito? Kumatok ako sa kwarto niya pero wala namang sumasagot. Naisipan kong bumaba at nakita ko siya na palabas ng bahay. "Rage!" tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya lumingon sa akin habang pababa ako. Bagkus ay tumigil lamang siya sa tapat ng malaking pinto. Nang makalapit ay nagsalita akong muli. "Ano.. nandito kasi si Janessa. Ang sabi niya magbo-boracay daw next week.. pinagbo-book na niya tayo ng flight. Pinasabi niya," paliwanag ko. "Sure," tipid na sagot ni Rage at saka na siya tuluyang lumabas ng bahay at iniwan ako. He didn’t even look at me. Now, he’s giving me the cold shoulder. Nararamdaman kong nagbabadya sa pagtulo ang mga luha ko ngunit tumingala ako para iwasang maiyak ng tuluyan. Dinaan ko na lang sa pagbuntong-hininga. Bumalik ako sa kwarto ko at sumilip lamang kay Janessa. “Nasabi ko na. Lalabas lang ako,” wika ko at saka na ako umalis. In the end, pinuntahan ko na lamang si Andres pagkatapos naming mag-usap ni Janessa. Sigurado akong sasaglit lang siya sa bahay at gusto ko na lamang magpunta sa rancho. “Andres!” I yelled as I entered the stables. Inaayos niya ang mga kagamitan sa mga kabayo sa malaking baul. Mukhang patapos na siya sa trabaho. “Uuwi ka na ba?” “Oo, bakit, Ysa?” saad ni Andres habang sinasara niya ang baul. “Wala naman. Pwede mo ba akong samahan?” tanong kong muli nang lapitan ko siya. “Saan?” “We need two horses to get there,” saad ko. Tinitigan lamang ako ni Andres at ngumiti naman ako sa kanya. “One horse will do,” ani Andres. Sinakyan namin si Rocco. Nasa harapan ako at si Andres naman ay nasa likuran ko. I could feel Andres’ warmth on my back. Pagod man siya sa trabaho sa rancho ay pumayag pa rin siyang samahan ako. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang pinupuntahan ko palagi. We went into the woods and beyond that is a large field of grasses with different kinds of flowers. The breeze of the air welcomed us and I closed my eyes to feel it. Bumaba kaming dalawa ni Andres at ninamnam ang ganda ng paligid at simoy ng hangin. Pagkatapos ay umupo ako sa grass. Tinabihan naman ako ni Andres. “May problema ka na naman ba? The last time we went here was five years ago,” panimula ni Andres. Tumulala lamang ako sa kagandahan ng paligid. “Andres, lumalabas ka ba sa lupain kapag off mo?” pag-iiba ko. “Uhh, no. Why?” naguguluhan niyang tanong. “You mean hindi ka pa lumalabas sa lupain simula noong pumasok ka rito?” pagtataka ko. Andres chuckled at my silly question then he looked at me. “Can I ask why you’re asking such questions?” “Wala lang. Curious lang kasi ako sayo, sa buhay mo,” saad ko at saka ako nagkibit balikat. Huminga ng malalim si Andres. “Ysa, isa akong prinsipe,” aniya. Bumaling kaagad ang ulo ko sa gawi niya at tumawa naman siya ng tumawa sa naging reaksyon ko. “I’m kidding,” aniya sa pagitan ng kanyang mga tawa. “Andres, ang umayos ka nga,” saway ko sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa at umayos. “You wouldn’t like to know about my personal life, Ysabelle. I’m just a prince who came from another kingdom and is destined to be with his princess in their beautiful land. Sadly, my princess is in love with her knight in shining armor. Her knight who is keeping a secret from her that’s gonna break her heart.” Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Napakalalim naman niyan, Andres,” natatawa kong wika. “Okay lang naman kung ayaw mong buksan ang tungkol sa personal mong buhay. Curious lang talaga ako, pero wala ka namang obligasyong sabihin sa akin ang kahit na ano.” Matapos kong sabihin iyon ay nagulat na lamang ako nang halikan niya ako sa pisngi. Nang lumayo siya ay natameme na lamang ako sa kanyang gwapong mukha. “Malapit mo nang malaman because you will have all the right to know when the time comes,” wika ni Andres na nagpakunot sa noo ko. What is he talking about?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD