Chapter 15

1007 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov Bakit nga ba nagsasayang pa ako ng panahon para sisihin ang sarili ko gayong alam ko naman sa sarili ko na ginusto ko ang lahat ng ginawa ko at hindi nagkulang ang mga tao sa paligid ko sa pagpapaalala ng mga posibleng mangyari oras na mawala ako sa mundong ito?   I know the consequences that might happen when I decide to stop living the life that I have before. Alam kong sooner or later, mayroong isang tulad ni Kresha ang ipapanganak para muling maghasik ng kaguluhan sa buong lahi ng mga bampira at maghahangad ng kapangyarihan at impluwensiyang mayroon ang bansang ito. Isang taong tulad ni Kresha na magiging dahilan upang muling malagay sa matinding dignmaan ang lahi ng mga bampira at mga mortal na siyang sisira sa lahat ng mga nagawa ko para mapanatili lamang ang kapayapaan ng buong Valier.   Alam kong tulad ni Vergara, mayroon pa ring mga mortal ang pilit na papasok at pupuslit sa bansang ito para makuha nila ang kontrol dito at makuha ang kung anong mineral ang habol nila sa bansang ito.   Pero hindi ko na inintindi iyon sa pag-aakala na makakayanan na nilang solusyunan ang bagay na iyon. Dahil iniisip kong masyado na silang umaasa sa kapangyarihan na nakukuha ng bawat half-blood ng Ehrenberg.   Pero isang maling pagkakamali ang nagawa ko.   At ang kasalukuyang kalagayan ng bansang ito ang sumalubong sa akin.   Siguro kung hindi ako naging makasarili ay hindi magiging ganito ang sitwasyon ng bansang ito.   Well, don’t get me wrong.   Maayos naman ang buong Valier na inabutan ko sa pamamahala ngayon ng mga Shiann. Pero kung iisipin na buong lahi ng mga bampira ang kinailangang isakripisyo para lang makamit ng bansang ito ang kapayapaang noon pa namin pinaglalaban na makuha.   Na kinailangan pa na magdusa ng lahing tunay namang nagmamay-ari ng lupaing ito bago tuluyang mamayapa ang bansang ito.   Kung tutuusin ay lumalabas na ninakaw ng mga Shiann ang bansang ito, hindi lamang sa mga Sierra kundi sa mga bampira mismo na itinaguyod ang bansang ito upang magkaroon sila ng sariling lugar sa mundong ito.   Kaya kung sakali sigurong hindi ako naging makasarili ay marahil narito pa din ang lahi ng mga bampira. Narito pa din ang angkan ko. Ang pamilya ko. Ang lalaking pinakamamahal ko.   Kasama ko pa sana silang lahat.   “Wala na din namang mangyayari kahit pa sisihin mo ang sarili mo ngayon,” sabi ni Zeri. “Kahit pa magmukmok ka dito, hindi mo na mababago pa kung ano ang nangyari sa nakaraan.”   “Then, what should I do?”   Bumuntong hininga siya. “Like what I said earlier, why don’t you ask for forgiveness first to your daughter? Say sorry for not being with her when she was suffering at the hands of Shiann. Say sorry for not being with her while she was tormenting herself for killing her father. Just say sorry and promise to her that you will look after her starting today.”   “Sa tingin mo ba ay ganoon lang kasimple iyon?”   Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit? Sa tingin mo ba ay gagawin pang komplikado ni Hei iyon?”   Natigilan ako at napaisip pagkuwa’y umiling. “H-hindi ko alam.”   “Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?” balik pa niya sa akin. “If you are willing to accept her as your daughter, then you should take a little risk. Malay mo, hindi naman pala siya komplikado mag-isip tulad ng iniisip mo.” Bumuntong hininga siya pagkuwa’y tumayo at nag-inat. “Just say sorry first. Kung ano ang magiging reaksyon niya ay doon mo na pag-isipan kung ano ang susunod mong gagawin. Sa mga bagay-bagay kasi ngayon, mas mabuti na iyong iniisa-isa muna ang pagso-solve. Sige ka, baka sumabog ang utak mo kapag pinagsabay-sabay mo.”   What he said was right. I should have said sorry first before thinking too much. I should have said sorry first before asking too much information about what happened to her.   I should have said sorry first for being too selfish.   Agad kong iniyuko ang ulo ko para hindi na makita ni Zeri ang pagtulo ng luha ko ngunit ilang sandali lang ay nakita ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko at may panyon siyang iniaabot sa akin.   “To be honest, okay lang naman na maging makasarili ka kahit minsan sa buhay mo,” dagdag niya. “You’ve already done your part for the peace and freedom of this country. You and your friends have already sacrificed too many things just to fight every enemy that tried to ruin this country. So I guess, what you did before was just right for yourself and no one has the right to blame you for that.”   Kinuha ko ang panyo na inabot niya at pinunasan ang mga luha ko. “Are you saying that it is okay for me to be selfish even though I know what might happen in the future?” Iniangat ko ang ulo ko at diretsong tumingin sa kanya. “Even though I have this feeling that someone will try to ruin the peace that I work so hard for?”   Tumango siya.   Kumunot ang noo ko. “Bakit mo nasabi iyan?”   “Because you trust them,” aniya na ikinatigil ko. “Nagtiwala ka sa kanila na makakayanan nilang protektahan ang kapayapaang ipinaglaban mo. Pero hindi naging sapat ang kakayahan at abilidad na mayroon sila para protektahan ito. At iyon ang tunay na dahilan kung bakit naging ganito ang resulta ng lahat.”   “Are you saying that it is their fault?”   Umiling siya. “Ang sinasabi ko ay hindi lang ikaw ang may kasalanan sa nangyari. Everyone involved in that incident has their own fault kaya huwag mong solohin ang sisi.”   Napangiti nalang ako matapos niyang sabihin iyon.   Hindi ko inaasahang siya pa ang makakapagpagaan ng loob ko. Pakiramdam ko tuloy ay parang nasa tabi ko lang din si Zeldrix dahil sa kanya.   “You are really the descendant of Zeldrix.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD