Chapter 16

1058 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Hindi naman ako nakatulog kagabi at ibinuhos ko nalang ang oras ko sa pagte-training kung paano muling kontrolin ang kakayahan ko.   And fortunately, hindi na ako nahirapan sa pagkakataong ito.   Siguro ay dahil unti-unti na akong naliliwanagan sa mga nangyari noon at nagsisimula nang umayos ang takbo ng utak ko sa panahong ito.   Kaya naman ang unang plano ko para sa umagang ito ay magsimulang maggala sa buong Sierra City.   At syempre, hindi pa ako pwedeng umalis na mag-isa dahil malaki=laki din ang pinagbago ng mga daanan at baka maligaw pa ako. So, naisipan kong isama na lang si Zeri dahil magiging abala si Wayne sa mga gawaing bahay.   Isinama ko na din si Hei dahil hindi ko naman siya pwedeng hayaan na sa bahay lang. Isang millennium din ang itinagal ng pagkukulong niya sa tuktok ng Cory Mountain kaya kailangan na niyang magsimulang magsanay na makisalamuhang muli sa mga mortal.   At ang una naming sadya ay ang First Kei University.   Ayon kay Zeri, si Xan ang nagpatayo ng university na ito at ipinangalan niya ito kay Kei bilang pag-alala na din sa dating master at kaibigan.   Ito ang una sa mga ipinatayo niya. At nang maging successful naman ang pagbubukas nito at tinangkilik ng mga magulang na dito ipasok ang kanilang mga anak ay nagsimula na din siyang magpatayo ng iba pang Kei University sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.   At dagdag pa niya ay sa pagpasok ng taong ito ay nagsisimula na ding planuhin ni Xan ang pag-e-expand ng university na ito abroad pero hindi pa iyon pinal dahil marami pang dapat pag-isipan bago gawin iyon.   “This is my school,” sabi ni Zeri nang tuluyan kaming makapasok sa gate ng First Kei University. “And as I heard, dito din kayo papasok kapag naasikaso na ni Xan ang mga records niyo.”   “Ako din?” tanong ni Hei habang itinuturo ang sarili. “Ipapasok din niya ako sa eskwelahang ito?”   Tumango si Zeri.   “Why?”   “Ayaw mo ba?” tanong ko.   “Hindi naman sa ayaw pero hindi naman kasi ako tulad mo na kayang kontrolin ang pagkauhaw mo sa dugo,” aniya. “For now, walang problema at hindi pa ako naghahanap nito pero alam nating para sa mga tulad kong dating mortal na naging bampira, hindi pa din namin basta-basta mapipigilan ang paghahangad namin ng human blood.”   “And being around humans might trigger that?”   Tumango siya. “Besides, hindi din ako tulad mo na sabik sa normal na buhay,” dagdag niya. “Dahil napagdaanan ko na ang lahat ng ito at sa totoo lang ay wala na akong plano pang balikan.”   May point siya.   Alam kong hindi madali ang ganitong buhay para sa tulad niyang isang elite vampire, lalo na’t wala na sa mundong ito ang dahilan ng pagiging bampira niya para kontrolin ang pagkauhaw niya.   “If that is the case, what do you want to do?” tanong ni Zeri. “Well, ipapaalala ko lang sa iyo na kahit nasa high technology era na tayo ay masyadong makaluma pa din ang mga gamit sa loob ng Ehrenberg Mansion kaya siguradong mababagot ka lang kapag nagkulong ka doon.”   Natanong ko na iyan kay Wayne noong nakaraan eh.   Dahil kahit dalawang libong taon na ang lumipas at puro high technology gadgets na ang uso sa panahong ito ay nananatili pa ding sinauna ang mga gamit sa loob ng mansyon namin.   At ang sagot niya ay dahil iyon ang hiniling ng huling Ehrenberg na pinagsilbihan ng kanyang ninuno.   Na kung maaari ay panatilihin ang buong mansyon sa kung ano ito at huwag na huwag babaguhin kahit na anong mangyari.   Nang sa gayon ay magising man ako sa higit na sibilisadong panahon ay mayroon pa ding lugar na sasalubong sa akin na siyang magpaparamdam na nasa tamang lugar pa rin ako.   At hindi ko na kailangan na itanong kung sino ang nagbilin noon dahil isang tao lang ang kilala kong hihiling ng ganoon.   Si Daddy Oxeno. Yes, ang ama ni Mommy Heya.   Hindi na nakakapagtaka na siya ang huling Ehrenberg na matitira dahil siya lang naman ang itinuturing na pinakamalakas na bampira noong kabataan niya. Maliban pa doon, siya din ang nagte-training sa lahat ng monarch at elite vampire na siyang nagtatrabaho sa bawat miyembro ng pitong monarch vampire clan.   “I can help Wayne,” sabi ni Hei pagkuwa’y bumaling sa akin. “Or Xan. Or you can assign me anything that I can do. Just don’t let me attend college again. I am done with this and I don’t want to go back anymore.”   Medyo natawa pa ako dahil ang bakas sa kanyang mukha ang pagmamakaawa na huwag ko siyang muling papasukin ng paaralan.   Naalala ko tuloy noong napilitan akong pumasok ng college dahil sa pangako ko kay Gray.   “Huwag mo naman akong tawanan,” maktol niya. “Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko noon para lang maipasa ang limang taon ko sa college.”   Napailing nalang ako. “Oh siya. Hindi na kita pipilitin pa na pumasok sa eskwelahan na ito bilang estudyante. Pero kailangan mo pa ding masanay na makihalubilo sa mga mortal kung nais mong magpatuloy sa buhay.”   Kumunot ang noo niya. “So? Ang pagtulong kay Wayne sa mga gawaing bahay ay wala sa pagpipilian ng gagawin ko?”   Umiling ako. “Ang gawaing bahay ay trabaho ni Wayne at hindi na niya kakailanganin ng tulong ng iba. Baka makagulo ka pa sa kanya.”   “Then, anong gagawin ko?”   “Iyan ang aalamin natin,” sabi ko pagkuwa’y hinawakan ang kamay niya tsaka bumaling kay Zeri. “Saan dito ang office ni Xan?”   Ngumiti siya. “Follow me, my lady.”   Sinamaan ko siya ng tingin pero mabilis siyang nakatakbo palayo sa akin. “Siguraduhin mong hindi kita mahuhuli, Zeri!”   Mukhang nag-enjoy siya sa pagtrato sa akin na para bang kaibigan lang niya ako ah.   Though, hindi ko naman masasabing ayoko ng ginagawa niya. Ang totoo nga niyan ay komportable ako sa kung paano siya kumilos sa harap ko at mas gugustuhin kong manatili siyang ganito.   But like what I said before, hindi naman niya nakakalimutan ang posisyon naming dalawa kaya sinisiguro niya na hindi siya lalagpas sa limitasyon ng pangungulit niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD