Chapter 14

1142 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov “So?” Huminga muna ako ng malalim tsaka ibinalik ang tingin sa kanila. “Kei's daughter. Is she still alive?”   “As far as I know, yes,” sagot ni Hei. “She personally visited me every time the Shiann dropped off their first born in my place. At sa tuwing nakokolekta na niya ang mga iyon ay tsaka niya ibinibigay sa akin ang isang vial na naglalaman ng dugo niya at iyon ang dahilan kung bakit nakatagal ako ng ganito katagal nang hindi umiinom ng ibang dugo.”   “When was the last time you saw her?”   “Ten years ago,” aniya. “After that, tumigil na siya sa pagpunta sa lugar ko habang ang mga unang anak ng Shiann clan na isinakripisyo sa akin ay dinala ko na lamang sa pinakamalapit na ampunan dahil wala na din naman akong paggagamitan sa kanila.”   Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng batang iyon.   But it is clear to me that she is not someone I can easily get along with, so I need to be on my guard now that I am awake.   May posibilidad din na siya ang nasa likod ng paggising sa akin.   Umiling-iling ako.   I don’t know what the hell is going on but I won’t let it ruin the life that I am trying to build right now.   Kung may kailangan sila sa akin ay hindi ako magdadalawang-isip na harapin sila.   Sa ngayon ay sapat na ang mga nalaman ko at hindi ko na kailangan pang usisahin mula kay Hei kung anuman ang nangyari noon sa kanya at sa paligid niya.   She has been through a lot and I don’t want her to remember all of that.   Bumuntong hininga ako pagkuwa’y tumayo. “You will be staying here with us, Hei. Please feel at home.”   “But I still need to talk to you about something,” maagap niyang sabi bago pa man ako makalabas ng dining room. “And it is important.”   Kinamot ko ang noo ko habang nag-iisip.   She did everything she could to survive. She even drinks the blood of her sister. That is basically the reason why our race went extinct and probably the reason why my family is currently missing.   She did everything just for one reason.   “Please, at least hear what I want to say,” dagdag pa niya at bakas sa kanyang mga mata ang pagmamakaawa.   Napabuntong hininga na lamang ako tsaka sinenyasan siyang lumapit sa akin na agad naman niyang ginawa na may pagtataka.   At nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay agad ko siyang niyakap na ikinagulat ng mga kasama namin. Ramdam ko din ang paninigas ng katawan ni Hei na mukhang hindi din inaasahan ang ginawa ko.   Pero makalipas ang ilang sandali ay unti-unti nang nawawala ang tensyon sa kanyang katawan hanggang sa maging siya ay nakayakap na sa akin. “Y-you knew.”   “Yes.” Hinaplos ko ang buhok niya. “I knew right from the beginning.”   “Then why?” Sa pagkakataong ito ay bahagya ng tumaas ang boses niya ngunit nagsimula na siyang muling umiyak. “Why didn’t you say anything? Bakit nagpapanggap kang walang nalalaman sa kung ano--”   Hindi na ako sumagot at niyakap na lang siya.   Hindi ko din naman alam kung ano ba ang dapat sabihin sa kanya sa mga oras na ito. Mas mabuti na ito kaysa makadagdag lang ako sa masasakit na sandali ng buhay niya.   “W-why?” Unti-unti nang lumuluwag ang kanyang pagkakayakap sa akin hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.   Doon ko sinenyasan si Xan na agad namang lumapit sa akin at binuhat si Hei. “Dalhin mo na lang siya sa silid na inayos ni Wayne kanina.”   Tumango siya. “But will you be okay?”   “Yeah,” sagot ko. “Don’t worry about me and just take care of her.” Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako patungo sa Half-blood Room.   Doon na muna ako magpapalipas ng ilang araw dahil hindi pa din naman tapos ang pagsasanay ko. Alam ko din na doon lang ako makakapag-isip ng maayos at iyon ang kakailanganin ko sa mga oras na ito.   Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama nang makarating ako sa silid at tumitig sa kisame.   Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.   The things that my family did to me as if they were expecting that someone will be born with a power that can surpass what Kei has. And that this vampire will be the reason for our extinction. That this vampire is more greedy and evil than Kresha.   The things that Kei did as if he knew that the day will come where I will be able to meet the second woman he loves. And that woman, even though I am not the one who conceived her, is my daughter.   Yes, Henrietta Irish Sierra is my daughter.   The blood that runs in her veins was actually mine mixed with Kei’s blood and that is the real reason why she managed to survive all this long without anything to eat or drink. Kei must have used his venom to turn Hei into a vampire and then my blood to be her first drink.   While Ara Sierra’s blood was used for Hei to control the power that my blood has. She was taming my daughter and making her obey so that she can use the power of the blood in her vein but Ara failed so she searched for me and possibly tried to draw my blood and use it to what-the-hell-plan she is going to make.   Bumuntong hininga ako. “How am I going to face her after knowing everything about her?”   “What about saying sorry first?”   Napabangon ako nang marinig ang boses ni Zeri at nakita ko siyang nakaupo sa pintuan ng half-blood room.   “What are you doing here?”   “Wayne told me to look after you because we clearly see that you are not okay when you leave the dining room.” Tumayo siya at tuluyan nang pumasok sa silid pagkuwa’y naupo sa mahabang sofa na nasa tabi ng kamang kinauupuan ko ngayon. “And we are right.”   “Can someone at least blame me?” sabi ko. “Because let’s just be honest that all of the things that happened in the past shouldn’t have happened if I didn’t do my selfish decision.”   Hindi ko alam pero kumportable ako sa lalaking ito. Siguro ay dahil nananalaytay din sa kanya ang dugo ko at galing siya sa angkan ni Zeldrix na naging malapit din sa akin noon.   “But--” Ginulo ko ang buhok ko. “Ano nga bang magbabago kung may sisisi sa akin dahil sa pagiging makasarili ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD