Chapter 56

1030 Words
Heydrich  Oxen Pria Ehrenberg's Pov  Hindi ko inaalis ang tingin ko sa bago naming professor. Tulad ng sinabi niya kanina, related siya kay Titania na isa din sa naging kaibigan ko noon pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito kalapit ang itsura nilang dalawa gayong matagal na panahon na ding namatay ang babaeng iyon.  Posible kaya na reincarnation siya ng babaeng iyon?  Kasi kung ano ang nararamdaman ko noon sa tuwing nakikita si Titania ay ganoon din ang nararamdaman ko ngayon habang  nakatingin sa lalaking ito.  But that doesn't make sense.  Kasi kung ganoon ang nangyayari, ibig sabihin ba ay si Greeny nga ang reincarnation ni Tammy since iyon ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa?  At doon sa lalaking nakaharap ko sa office ni Xan. Iyong bampirang nagngangalang Dainsleif. Siya ba talaga ang reincarnation ni Kei?  Umiling-iling ako at inis pang ginulo ang aking buhok.  Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin.  Bigla-biglang nagbabago ang pag-iisip ko dahil sa biglaang pagsulpot ng mga nilalang na ito nang wala man lang pasabi.  Parang noong una lang ay plano ko lang maging isang simple at normal na mamamayan ng bansang ito. Tulad ng lagi kong pinapangarap noon.  Pero sa paglipas ng bawat araw at sa pagsulpot ng mga nilalang na may kaugnayan sa buhay na mayroon ako, dalawang libong taon na ang nakakalipas, nagsisimulang magbago ang lahat sa buhay ko.  At nawawalan na ako ng ibang pagpipilian kundi ang harapin ang magulo at masalimuot na buhay ko bilang nag-iisang half-blood vampire.  "Miss Ehrenberg..."  Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita kong nakatingin sa akin ang bago naming professor na si Lutia Kreis. Habang ang mga kaklase ko ay nagsisimula nang lumabas ng classroom namin dahil sa gymnasium ang susunod naming klase.  "You wanted to talk to me, right?"  Mabilis akong tumango at tumayo.  Ngumiti siya. "Please follow me." At agad na siyang lumabas ng room namin.  Sinenyasan ko nalang si Zeri na hindi na niya kailangan na sumama sa akin pagkuwa'y agad na akong sumunod kay Lutia papunta sa lugar kung saan kami mag-uusap.  "Hindi ko akalain na mapapansin mo agad ang pagkakahawig ko kay Titania," sabi niya nang sabayan ko siya sa paglalakad. "Do I really look like her?" Bumaling pa siya sa akin habang itinuturo ang sarili.  "Yes," sagot ko tsaka itinuro ang kanyang mga mata. "Specially, your eyes. Kahawig na kahawig ng kanya."  "Oh." Hinaplos niya ang gilid ng kanyang mata at tumangu-tango. "Hindi ko inaasahan na ito pa pala ang maglalaglag ng pagkatao ko sa iyo sa mismong segundo na makaharap mo ako."  "Hindi lang naman iyan."  Kumunot ang kanyang noo. "Ano pa?"  "Nararamdaman ko kasi sa iyo iyong nararamdaman ko noong kasama ko si Titania," sabi ko.  "At ano naman iyon?"  "Annoyance."  Natigilan siya.  "Well, we did became close before because her father was my attending physician when I was in the hospital but I don't really like her because she is too loud."  Sumama ang tingin niya sa akin. "What?"  "She can't keep her mouth shut everytime she sees me or Gracie," I said. "Even though we are at the hospital that time. Isa nga siya sa dahilan kung bakit halos hindi na pinapagamit iyong mga kwarto sa paligid ng kwarto namin eh."  "Hey!" alma niya. "I am not that loud!"  Natigilan ako matapos niyang ipagdiinan iyon.  Maging siya ay natigilan pagkuwa'y tinakpan ang kanyang bibig at napaiwas pa ng tingin sa akin.  "Lutia," tawag ko sa kanya. "Kung pagbabasehan ko ang naging reaksyon mong iyan, ibig bang sabihin nito ay..."  "Yes!" madiin niyang sagot. "I am her. I am Titania Kreis."  Nanlaki ang mga mata ko. "W-what?"  Hindi na siya nagsalita pa at agad na lamang hinawakan ang aking kamay pagkuwa'y hinila ako palabas ng school building.  At hindi na ako nakapalag dahil masyado pang lutang ang utak ko lalo pa't hindi ko inaasahan na si Titania at Lutia Kreis ay iisa.  "Here," ani Lutia matapos kaming makarating dito sa rooftop ng main building kung saan walang makakarinig ng pag-uusapan namin. "Dito tayo mag-usap."  "I... I don't understand," sabi ko. "Ikaw at si Titania ay iisa lamang?"  Tumango siya. "Yes. Iisa lang kami."  "But you are a man!" madiin kong sabi at itinuro pa siya. "Ni wala ka ngang hinaharap."  "Oh dear!" Ginulo niya ang buhok niya. "Kahit ako ay naguguluhan din kung bakit nasa ganitong katawan ako, okay? Basta, ang alam ko lang ay namatay ako, bilang si Titania, sa isang malaking pagsabog na naganap sa palasyo kung saan ginagamot ko ang ilan sa mga mortal na nadamay sa digmaan. At nang magising ako ay nasa katawan na ako ng batang si Lutia. At dalawang libong taon na ang nakakalipas mula nang mamatay ako."  "Two thousand years ago?" sabi ko na tinanguan niya. "Ibig sabihin ay isa ka at ang mga mortal na tinutulungan mo sa naging casualties ng huling laban ko laban kay Yue Vergara?"  "Well..." Bumuntong hininga siya. "To be honest, hindi ko alam kung sino ang naglalaban ng mga panahong iyon dahil masyado akong abala sa pagtulong sa mga nadadamay sa labang iyon."  "So, you have been reincarnated as a man after two thousand years," sabi ko. "But you still have the memories you have in your past live and you are still part of Kreis Clan."  "Yeah," aniya. "Ang galing maglaro ng tadhana, noh?"  "Ibig bang sabihin nito ay aksidente lang din ang pagkaka padpad mo dito?"  Doon siya umiling. "This one is intended."  "How?"  "My father is currently working at the palace," he said. "As the main physician of the main branch of Shiann Clan. Then, he heard about the resurrection of the Ehrenberg's half-blood vampire then, he happen to mentioned it when he got home. Nagkataon naman na nandoon din ako at nabanggit niya ang pangalan mo kaya agad-agad akong nag-arrange ng transfer dito."  "You intentionally sneaked in here?"  Tumango siya. "I had to make sure that you are the Heydrich Ehrenberg that I know."  "Why?" tanong ko. "I mean, bakit kailangan mo pa akong harapin?"  "Because I need to warn you," aniya. Humarap siya sa akin pagkuwa'y hinawakan ang magkabilang balikat ko. "You have to run, Heydrich. They will come after you." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD