Chapter 55

1163 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Tumaas ang kilay ko nang maabutan si Greeny sa entrance ng Ehrenberg Mountain at mukhang ako talaga ang hinihintay dahil bahagya siyang ngumiti nang makita akong palapit na sa kanya.   “You are finally here,” sambit niya.   “Anong kailangan mo?”   “Ahm…” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa paligid tsaka muling tumingin sa akin. “Actually, I just want to say thank you.”   Kumunot ang noo ko. “What?”   “Well, I know that you really scared me to death yesterday but I know that you only did that because you are concerned about my safety.”   “Oh wait,” pigil ko sa kanya. “I am not the one who is concerned about you, okay? It was Zeri and Xan. Sila ang dapat mong pasalamatan at hindi ako kaya hindi ka na dapat naghintay pa dito.”   “But you are still the one who decides whether I live or not, right?”   “Yeah,” I said. “But like what I said, you don’t have to thank me because I don’t really care about you. And I don’t trust you.” Tinabig ko siya nang sa gayon ay makadaan na ako.   Pero ramdam ko agad ang kanyang pagsunod sa akin.   “But--”   “What is it that you really want?” Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kanya at nagpatuloy na lamang sa paglalakad papunta sa school namin. “Why do you even waste your time waiting for me?”   “I have something for you.” Inilabas niya ang isang box at inabot iyon sa akin. “Just a little thank you gift.”   Walang gana ko iyong tinabig na naging dahilan kaya iyon nahulog sa lupa. “Please, stay away from me. I don’t want to get involved in anything with you.” Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “So, can you please do me that favor? Don’t ever get near me if it has nothing to do with academic things.”   Agad ko na siyang tinalikuran at muling naglakad papasok na ng main building kung nasaan ang classroom namin.   “You are being mean to her.” Biglang sulpot ni Zeri sa tabi ko. “You should at least accept her gift.”   “Ayokong humawak ng kahit anong may kinalaman sa mga Shiann.”   “She just wants to thank you,” aniya. “Have some kindness.” Humarang pa siya sa harap ko kaya natigil ako sa paglalakad. “Can you do that?”   “I can’t.” Inirapan ko siya at agad na tinabig. “Wala akong panahon na makihalubilo sa isang tulad niya.”   Ang pagiging malapit ng mga bampira sa mga tao ang isa sa dahilan kung bakit ganoon na lamang ang sinapit ng lahi namin. Ang pagiging malapit ni Hei sa isang Shiann ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkakataon ang mga ito para masaktan ang pinuno ng lahi namin.   Ako na ang naging dahilan kung bakit nawala ang proteksyon ni Kei laban sa mga nilalang na gustong palitan ang mga Sierra sa pamumuno sa bansang ito. Ayokong ako pa din ang maging dahilan upang tuluyan nang mawala sa mundong ito ang lahi ng mga bampira.   Pilit pinangangalagaan ng lahi ng mga bampira ang angkan ng Sierra at Ehrenberg dahil lagi nilang sinasabi na ang dalawang angkan lang na ito ang tanging paraan upang manatiling buhay ang lahi namin.   Ang dalawang angkang ito lang kasi ang may kakayahang makapag-produce muli, hindi lamang ng mga elite vampire, kundi maging ang mga monarch vampire.   At kapag mayroong mga monarch vampire, higit na magkakaroon ng pagkakataon ang lahi namin na muling makabawi mula sa pagka-extinct.   Kaya hangga’t maaari ay ayoko nang mapalapit sa kahit na sino pang Shiann lalo na ngayon na nagdadalawang-isip pa ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin sa buhay ko ngayon.   “They are nothing but a bunch of people that only bring trouble and danger to my race.” Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at agad na akong nagpatuloy sa paglalakad.   Hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa classroom namin.   Agad naman akong binati ng mga kaklase namin na sinuklian ko na lamang ng matamis na ngiti at dumeretso sa aking upuan.   Ilang sandali lang ay pumasok na din sina Zeri at kasunod niya si Greeny na bakas pa din ang disappointment sa kanyang mga mata.   Napailing na lamang ako at hindi na pinagtuunan ng pansin ang babaeng iyon. Wala naman siyang maibibigay sa akin kundi problema lamang.   Makalipas pa ang ilang sandali ay muli bumukas ang pintuan ng classroom namin at isang hindi pamilyar na lalaki ang pumasok.   Bakas ang pagtataka sa mga mata namin habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong tumayo sa harap ng klase.   “Good morning, class,” nakangiti nitong bati. “I will be your temporary professor while Miss Lulune is on leave.”   Nagbulungan ang mga kaklase ko.   Hindi naman kasi kami nasabihan na magli-leave ang teacher namin na iyon. At hindi din kami nasabihan na magkakaroon kami ng panibagong professors gayong kahapon lamang ay malakas at walang dinadalang problema si Miss Lulune.   Humarap ito sa whiteboard at nagsulat doon pagkuwa’y bumaling sa amin. “I am Lutia Kreis.”   Napatayo ako nang marinig ang pangalang iyon kaya naman napabaling sa akin ang lahat, lalong-lalo na ang lalaking iyon.   “May problema ba, Miss Ehrenberg?”   “You introduced yourself as Lutia Kreis, right?” sabi ko na agad niyang tinanguan. “Then, are you related to Titania Kreis?”   Nanlaki ang kanyang mga mata ngunit sandali lang iyon at muling ibinalik ang kanyang ngiti bago pa may makapansin sa pagbabago ng kanyang reaksyon. “Yes, I am related to her.”   I knew it.   Iyon ang dahilan kung bakit pamilyar ang kanyang mga mata at gamit niya ang apelyido ng mga Kreis. Maliban pa doon, ang dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat ay may pamilyar na amoy.   “We can talk later if you want to know more about Titania,” he said. “For now, ipagpatuloy natin ang idini-discuss sa inyo ni Miss Lulune.”   Muli na akong naupo at hindi na nagtanong pa kaya naman agad na niyang sinimulan ang pagdi-discuss.   Pero hindi ko inaalis ang tingin sa kanya.   I know Titania Kreis. Siya ang nag-iisang anak ni David, iyong doctor na tumitingin sa akin noong mga panahong nakatira pa ako sa ospital dahil sa tumor na nasa utak ko.   Maliban sa mga magulang ko ay dinadalaw din ako ng babaeng iyon kaya naman naging malapit din kami sa isa’t-isa. Pero hindi din nagtagal ang pagkakaibigan namin dahil kinailangan siyang ipadala ng ama sa ibang bansa kung saan siya mag-aaral ng medisina.   Ang huling balita ko na lamang sa kanya ay naging isa na din siyang bampira at isa sa mga doctor na tumutulong sa mga mortal na nadadamay sa mga digmaang naganap noon sa bansang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD