Chapter 57

1054 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov  "They will come after you." Iyan ang huling sabi sa akin ni Lutia bago niya ako iwan dito sa rooftop.  Agad din kasi siyang nagpaalam dahil may limitasyon lang ang brainwashing spell na kanyang ginamit kanina na naging dahilan kung bakit walang nagtangkang magtanong kung sino siya at kung bakit biglaan ang pagiging substitute professor niya.  Kaya naman naiwan akong mag-isa dito sa rooftop habang iniisip ang sinabi niyang iyon.  Sigurado kasi akong hindi ang mga Shiann ang tinutukoy niya.  Alam ng mga nasa palasyo na hindi nila ako basta mapapakialaman at lalong hindi nila basta masisira ang angkang pinanggalingan ko.  They are wary about my existence in this era and country but they are aware that they cannot do anything to me. Kaya minamanmanan lang nila ako hanggang sa makakita sila ng pagkakataon para mapalayas ako sa bansang ito o tuluyang mapatay.  They are not the type of person who will face me head on because they know how powerful I am.  Kaya nasisiguro kong ibang grupo o angkan ang maghahabol sa akin. Ibang nilalang ang mag-iisip na kaya nilang harapin ang kapangyarihang mayroon ako.  Pero sino?  "Si Ara ba?" mahina kong sabi habang nakatitig sa kalangitan.  "Anong mayroon kay Ara?"  Napalingon ako sa pinto ng rooftop at nakita ko si Hei na nakatayo doon. "What are you doing here?"  "Well..." Naglakad siya palapit sa akin pagkuwa'y naupo sa tabi ko. "Pinuntahan kita sa classroom mo para sana makasabay kang kumain dahil alam ko naman na hindi ka a-attend sa gym class nyo at nakita ko doon si Zeri. Sinabi niya na may pag-uusapan kayo ng subsitute professor nyo kay Miss Lulune."  "Oh."  "Care to tell me who is he?" tanong niya. "Because as far as I know, hindi nag-file ng leave si Lulu. Na-late lang siya ng pasok ngayong araw dahil nagkaroon ng problema ang daan na tinatahak niya papasok dito."  "Yeah, I know about that," sabi ko.  Si Lutia din ang may gawa ng problema na iyon. Para maging kapani-paniwala ang front niya sa biglaang pagdating dito.  "Actually, it was Titania Kreis."  Kumunot ang noo niya. "You have some connection with the Kreis?"  Tumango ako. "Bakit?"  "Kilalang walang lahing pinapanigan ang mga Kreis," aniya. "They will help whether it was a mortal or a vampire. Just like the Ehrenberg Clan. Kaya malakas din talaga ang impluwensya nila sa bansang ito. But right now, personal physician ang pinuno ng Kreis Clan ng mga Shiann kaya iniisip namin na pumanig na sila sa mga ito."  "Well, alam ng lahat na wala na ang mga bampira kaya ano pa ang aasahan natin?" sabi ko. "Anyway..." Sinimulan kong ikwento sa kanya ang mga napag-usapan nakin ni Lutia.  "Oh," sabi niya. "So, iniisip mo ngayon na si Ara ang maglalakas  ng loob na habulin ka?"  Tumango ako. "Siya lang naman ang nag-iisang nilalang sa bansang ito na mayroong kapangyarihan na kayang itapat sa kapangyarihang mayroon ako."  "You have a point," aniya. "But Ara is not that kind of person. Though, alam kong may pinaplano siya para sa bansang ito pero hindi siya iyong tipo ng bampira na pipiliing pag-aksayahan ng oras ang paghahabol sa iyo gayong alam naman niya na hinding-hindi niya masasaktan ang isang Ehrenberg."  Ah, she is right.  Ara is still a Sierra. And I am still an Ehrenberg. I do have an ability to hurt or kill her because she doesn't have any blessings from all of the creatures living in this country. But she doesn't have that kind of ability.  Thanks to the restrictions that our clan places with each other to protect the throne and the power we have against each other.  "So, possibleng ibang grupo o nilalang ang tinutukoy ni Lutia."  "May ibang grupo pa ba ang maghahangad sa akin?" tanong ko na mabilis niyang tinanguan. "Who?"  "The one who took you away from the rooftop of Ehrenberg Mansion," aniya. "Iyong mga nilalang na kumuha ng coffin na pinaglalagyan mo. Iyong mga gumising sa iyo."  "Oh, damn!" Inis kong ginulo ang buhok ko. "Then, ibig sabihin lang nito ay wala akong clue sa kung sino man ang hahabol sa akin."  "If that is the case, then, you should probably listen to Lutia's advice," sabi niya. "Run."  Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko ugaling tumakbo."  Napangisi siya. "You already did, Mom. When you decided to die forever?"  Natigilan ako at napaiwas ng tingin.  "You run away from your responsibilities because you are afraid to face another war between humans and vampires."  Napabuntong hininga ako.  "Well, I guess I am."  "We are not blaming you, Mom," aniya. "Alam ng lahat na masyado nang umaasa ang lahi ng mga bampira sa kapangyarihan na pinanghahawakan ng mga Ehrenberg Clan at alam ng lahat na masyadong mabigat ang responsibilidad na pinapasan ng mga half-blood. Kaya naiintindihan naming lahat kung bakit pinili mong mamatay na."  "But that doesn't change the fact that I abandoned all of you."  "Wala naman sigurong magbabago kahit nandito ka at kasama namin," sabi niya. "The vampire race will still face its extinction and the human race will win the war as they started to lead this country. "  "At paano mo naman iyan nasabi?"  "Because they started their plan with the assassination of the Emperor," dagdag pa niya. "Sa tingin mo ba ay matino ka pa kung sakaling nalaman mong pinatay ng sarili nyong anak ang lalaking pinakamamahal mo? Baka sa mga oras na iyon ay nawalan ka na ng kontrol sa sarili mo at ikaw pa mismo ang naging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng lahi ng mga bampira."  Again, she is right.  Kung sakali man na naroon ako sa panahong iyon, malaki ang posibilidad na maging ang angkan ng Ehrenberg ay tuluyan na ding nawasak ng mga Shiann.  Baka kung nandoon ako sa panahong iyon, ako ang pinagbubuntunan ng galit at poot ng mata mortal at natitirang bampira dahil ako pa mismo ang wawasak sa buong bansang ito dahil sa pagkawala ko ng kontrol sa sarili ko.  "We are not blaming you for what happened in the past, but we are begging you not to run away again." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Please, this time no matter what happens or whoever dies, please don't run away and continue your life even though it is not normal like you always want to have."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD