THB’s Last Battle Chapter 3

1177 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Dainsleif was right. Hindi nga magiging madali para sa mga mortal na ito ang mangyayaring paglalakbay kung sakali man na ilipat ko sila sa Ehrenberg Mountain. Marami pa ding mga Shiann at rogue vampire ang nagpapakalat-kalat sa labas at anumang oras ay maaaring sumalakay kapag namataan kami ng mga ito sa kalsada. Hindi din available ang umaga sa amin kahit pa may sikat ng araw dahil sa mga natural rogue vampire na tuluyan na ding nawalan ng kontrol sa kanilang sarili dahil sa labis-labis na pagkaamoy nila sa mga dugong dumadanak mula nang simulan ng mga Shiann ang gulo sa bansang ito. Maliban pa doon ay may mga kasama kaming mga kabataan at ilang matatanda na magpapatagal ng aming paglalakbay. Lalo na ngayon na iilang sasakyan lang naman ang magagamit namin para pagsakyan sa kanila. “This is really hard,” mahina kong sabi habang nakatitig sa mahinang apoy na siyang nagbibigay liwanag sa pwesto ko. Dito na kami nagpalipas ng gabi dahil hindi pa kami nakakapagdesisyon kung paano maiaalis ng ligtas ang mga mortal na narito. Hindi ko naman kasi inasahan na ganito pala kasami ang naka-survive sa unang pag-atake ng nga Shiann. Though, it is a good thing. Ibig sabihin lang noon ay kahit gaano kalakas at makapangyarihan ang lahi ng mga bampira, hindi pa din basta magpapadaig ang mga mortal. "Hey." Bumaling ako sa nagsalita at nakita ko si Dainsleif. Naupo siya sa harap ko. "Do you have a plan?" Umiling ako. "None as of this moment," sabi ko. "Medyo tricky ang sitwasyon at masyado pang factor ang kailangang i-consider bago ako makapagdesisyon kung ano ang gagawin sa kanila." Bumuntong hininga siya. "Shiann vampire is evolving." "I know." Noon ay halos hindi sila makatapak sa labas tuwing umaga at ang mga oras na iyon ang hindi pinapalagpas ng mga survivors para makapaghanap ng kanilang mga makakain. Iyon lang ang tanging oras na ligtas sa mga brutal at halimaw na bampira ngunit habang tumatagal ay kahit ang umaga ay hindi na din ligtas para sa lahat, lalo na sa mga mortal. Aside from rogue vampire na may natural na talagang panlaban sa sikat ng araw, ang mga Shiann vampire ay unti-unti na ding nakakalabas tuwing maliwanag. Though, they can't still handle the sun every noon pero dahil sa nangyayaring ito ay umiikli ang oras ng mga mortal para makalabas sa kanilang mga pinagtataguan. Siguro ay epekto na iyon ng kanilang walang tigil na pag-inom ng dugo ng tao at mga bampira na kanilang nahuhuli. Kaya unti-unti ay nagkakaroon na sila ng kakayahan upang makayanan ang sinag ng araw na dati ay pumapatay sa kanila. Maliban pa doon ay advantage din ng mga Shiann vampire ang landscape ng huong Sierra City na ngayon ay tinatayuan na ng mga high rise building kaya mas madami ng parte ng daan ang hindi inaabot ng sikat ng araw. At iyon ang ginagamit ng mga kalaban upang makapang-hunting tuwing umaga. "They do not only manage to get into the sun," aniya. "They also start showing intelligence." Bumuntong hininga ako. Isa pa iyon sa iniisip ko. Habang tumatagal ay natututo na ang mga halimaw na iyon na mag-isip. Hindi na lamang puro dugo ang kanilang iniisip. Hindi na lamang puro pag-atake ang kanilang ginagawa. They are planning everything before they make a move. Kaya iyong marami-raming survivors noon, unti-unti na ding kumokonti dahil sa pag-e-evolve ng mga bampira na iyon. And I know that sooner or later, it will really happen. Dahil natural sa amin ang mag-evolve at sumabay sa paglipas ng panahon. Ang hindi ko lang inaasahan ay higit na mas mabilis ang pag-e-evolve ng mga Shiann vampire kumpara sa mga natural na vampire. As far as I know, the first vampire who developed its ability to walk under the sun was actually a thousand years after the first came in this country. But the Shiann vampire, they manage to become like that in just three years. "We can't underestimate them now," sabi ko habang nakatitig sa apoy na nasa gitna namin. "Even if your sister is not on their back, they started to move as a group." Ibinaling ko ang tingin sa kanya. "You are also a Shiann vampire, do you have any idea how to deal with them?" "Human." Kumunot ang noo ko. "That was the obvious answer, Mister Shiann." Malamang naman kasi, iyon talaga ang hanap ng mga halimaw na iyon dahil nga uhaw sila sa dugo ng mortal at normal na bampira. Umiling-iling siya. "I mean, women." "Oh." Tumangu-tango ako. "Since most of them are men and from their perspective, women's blood is more delicious than men." "I won't disagree with that," aniya. "But what I am talking about is they really wanted a virgin woman. Even if it is mortal or vampire. That is what makes them disorganized." Nanlaki ang mga mata ko. "V-virgin? Tumangu-tango siya. "Para sa mga tulad ko, ang dugo ng isang birhen ay ang siyang pinakamasarap sa lahat at syempre, pinaka-rare din dahil sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang nagiging libirated ang panahon natin na kahit ang pagiging virgin ay hindi na big deal." Well, it is not that virginity is a big deal. Hindi naman kasi nakakabawas ng p********e ang hindi pagiging birhen. But in this era, even a teenager is sexually active, especially girls, kaya tumataas din ang kaso ng teenage pregnancy. And I am not against that. But I am not going to normalize something like that. "We can smell if someone in front of me is a virgin," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. "And most of us start to lose their mind with that smell." I flinched as I looked at him. Masyadong intense ang kanyang tingin sa akin na para bang… Nanlaki ang nga mata ko at mabilis na tinakpan ang leeg ko nang mapansin kong doon siya nakatitig. "Dainsleif!" Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin at tinakpan ang kanyang ilong at bibig gamit ang mga kamay niya. "S-sorry. I can't help it." "What the hell?" Tumayo ako at agad na hinablot ang jacket na mayroong manggas na hanggang leeg tsaka isinara iyon upang hindi na makita ni Dainsleif. "Are you getting out of control over your bloodlust?" Dahan-dahan siyang tumango. "Why?" tanong ko. "Akala ko ba ay okay ka? The blood inside you is from a monarch so you are special. You can just--" "Like what I said, the Shiann vampire has the ability to smell the blood of a virgin woman," sabi niya habang nakaiwas ng tingin sa akin. "Kahit nasa harap lang namin ito. At ang amoy na iyon ay sapat na para mawalan kami ng kontrol sa sarili namin." Bumaling ako sa paligid. "Pero wala namang--" Natigil ako sa akma kong pagsasalita dahil muli na siyang bumaling sa akin at masama pa ang tingin niya sa akin. "W-why?" Umiling-iling siya. "You have been alive for thousands of years, that is why I can't believe it." "H-huh?" "You are still a virgin, Heydrich," aniya. "And you are making me lose my mind right now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD