THB's Last Battle Chapter 4

1213 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha matapos iyong sabihin ni Dainsleif sa harap ko. "E-excuse me?" "You can't hide that fact to me, Heydrich," aniya. "And I am not hiding it," alma ko. “At hindi ko din alam na isa ang pagiging birhen sa dahilan kung bakit ang mga shiann vampire na nakakaharap ko ay nawawala lalo sa kanilang pag-iisip.” Yes, I don’t really have any idea about that. But I heard humor once. Na higit na mas masarap ang dugo ng isang babaeng birhen kaysa sa iba pang klase ng dugo. They describe it as a rare blood that is why only a few vampires manage to taste something like that. Pero hindi ko naman expect na totoo pala iyon. “How come?” tanong niya. “You have been living your life for thousands of years and you have everything in your hands to enjoy every piece of pleasure here in the world.” Bumuntong hininga ako. “Masyadong magulo ang buhay ko para isipin pa ang mga bagay na iyon. At hindi rin naman ako nabigyan ng pagkakataon na makasama ang taong mahal ko,” sabi ko. “At hindi naman ako isang kaladkaring babae lang na basta na lang makikipag-s*x sa isang tao o bampira dahil lang sa init ng katawan.” Most of the vampires that I know actually use their time, money and power to get all the pleasure they can get. And that includes men or women that can satisfy them in bed. Well, marami din naman kasing benepisyo para sa mga bampira ang s*x. Isa ito sa dahilan kung bakit nananatiling bata ang mga bampira kahit pa hindi sila masyadong umiinom ng dugo. Ito din ang tumutulong sa kanila upang lumakas ang kontrol nila laban sa kanilang pagkauhaw sa dugo. It also helps them improve their mood so they wouldn’t hurt anyone when someone is trying to mess them up. And pleasure gives the elite and monarch vampire additional mana that they can use as their source of power so they tend to do it more. At hindi ko naman kailangan ang lahat ng iyon. Even without drinking blood, I can still maintain my younger looks because of the genes that the Ehrenberg had in their DNA. I don’t lose control of my blood lust, well, except if it was Kei’s blood, because I can live without it. I can still eat and drink human’s food. It is also easy for me to handle my mood and I don’t need extra mana because this body has a lot of it. So, there is no reason for me to have s*x with just anyone. Kung sakali man na gagawin ko iyon, gusto kong si Kei ang kasama ko at hindi iyong kung sinu-sino lang. “I understand,” aniya. “But to be honest, you should do something about it. Ang pananatili mong birhen ay magiging malaking problema sa iyo lalo na’t habang tumatagal ay nag-e-evolve ang mga shiann vampire.” Tinaasan ko siya ng kilay at inilagay ang magkabilang kamay ko sa baywang ko. “Are you telling me to have s*x with someone?” Walang pagdadalawang-isip siyang tumango. “Yes, that is what I am trying to tell you.” “I am not that kind of person, Dainsleif!” madiin kong sabi. “I am not saying that you are,” aniya. “I am just telling you the situation that you might get into for being a virgin. So why don’t you start looking for a boyfriend or husband so you could have made love with him.” Inirapan ko siya. “Sa tingin mo ba ay ganoon lang iyon kadali?” Aba’y kung pagpili lang naman ng magiging asawa, nandiyan sina Wayne at Xan na alam kong hindi ako pababayaan. They will surely do everything to take care of me, even my heart, so finding a husband is not really hard for me. And I can love those guys in my own way. Pero hindi ko maide-deny sa sarili ko na ang puso ko, pag-aari pa ni Kei. At ngayon ay itinuturo ng puso kong ito na itong lalaki sa harap ko ay ang siyang reincarnation ng lalaking mahal ko. Siya ang gustong makasama ng puso, kaluluwa at katawan ko. Siya ang pinipili ng buong pagkatao ko kaya hindi madali ang sinasabi niya noh. “Why?” kunot noo niyang tanong. “I mean, you are an Ehrenberg. I am sure that there are plenty of guys who will fight for your love and become your husband.” “Kung sabihin ko sayo na ikaw ang gusto kong asawahin, papayag ka?” Nanlaki ang mga mata niya at hindi nagawang makasagot. Napangisi ako. “See?” Itinuro ko siya. “Hindi lahat ng lalaki ay magkakandarapa na maging asawa ko. Besides, I am someone who values emotional connections rather than physical attractions.” Higit na mas mahalaga sa akin na mahal ko at mahal din ako ng mapapangasawa ko. Isa iyon sa mga bagay na natutunan ko kina Mommy Heya at Papa Kelliar. At hindi ko din basta ibibigay ang sarili ko sa isang nilalang para lang umiwas sa isang delikadong sitwasyon. Tingin ko kasi ay hindi worth it. Na dahil lang sa pag-iwas ko sa mga shiann vampire na nawawala sa kanilang pag-iisip kapag nakaharap ng birhen ay makikipag-s*x na ako sa lalaking hindi ko naman gusto. “So, stop telling me to find a boyfriend or husband,” sabi ko pa sa kanya. “Ang mga ganoong bagay ay hindi hinahanap. Kusa iyong dumadating kaya sa ngayon ay kalmado akong maghihintay hanggang sa dumating siya. Dahil kapag nangyari iyon, ako pa mismo ang magbibigay ng buong pagkatao ko sa kanya.” Tinalikuran ko na siya at hinayaan doon. Medyo malakas na din ang pintig ng puso ko ay natatakot ako na baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at masabi ko sa kanya ang tungkol kay Kei na siyang nakikita ko sa kanya. Ayokong maging padalos-dalos. Alam kong malaki ang posibilidad na siya nga ang reincarnation ni Kei dahil sa naging sitwasyon nila Lutia at Greeny nang makaharap ko sila pero ayokong madaliin ang lahat hangga’t hindi ako lubusang nakakasiguro tungkol sa bagay na iyon. He is still a Shiann vampire and part of the Shiann royal family. The rightful heir to the throne because of him being the first born of the previous emperor kaya malaki pa din ang posibilidad na maging kalaban namin siya kahit pa sa mga oras na ito ay nasa panig namin siya. Agad kong hinablot si Wayne nang madaanan ko siya at dinala sa isang gilid kung saan hindi matatanaw ng mga tao. “May problema ba?” nag-aalala na tanong sa akin ni Wayne nang tumigil kami sa paglalakad. Hindi ako sumagot at hinawi na lang ang kanyang t-shirt na naging dahilan para ma-expose ang kanyang leeg pagkuwa’y walang pagdadalawang-isip na kinagat siya doon. Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap ngunit ilang sandali lang ay agad din niya akong niyakap. “You should have told me.” Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsipsip ng dugo niya at inihanda ang sarili ko sa mga panibagong alaala ni Kei na nagsisimula nang pumasok sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD