THB's Last Battle Chapter 2

1289 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Oh my god!” Most of the people that had been residing in this underground parking lot for three whole years gasped as they saw me standing beside Dainsleif. Bakas sa kanilang mga mukha ang matinding gulat habang nakatingin sa akin. Ang ilan ay naguguluhan, lalo na ang mga kabataang kasama nila dito. Ngunit hindi nagtagal ay agad din silang lumuhod sa aking harap at bahagya pang lumhod. “What the–” Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay agad na akong pinigilan ni Daisleif at bahagyang tumingin sa akin na para bang sinasabi na huwag na akong mag-react sa pagbibigay-galang na ginagawa ng mga mortal na ito sa harap ko. But I am not comfortable with this kind of treatment. I am not even part of the royal family so they don’t really need to do that kneeling-bowing treatment to me as if they worship me. “Hey…” Ipinulupot ni Graysean ang kanyang mga braso sa aking braso. “Let them do what they want,” bulong nito sa akin. “Normal na sa mga mortal ang ganyan lalo na kung masyadong mataas ang paniniwala nila sa isang nilalang.” “I don’t deserve it,” balik ko sa kanya. “Please, don’t say that, Lady Ehrenberg,” sambit ng isang mortal na nakaluhod at nakayuko sa harap ko. “Your family has done everything to save this country all their lives and this is the only thing that we can do to at least thank them.” “It was my family,” sabi ko. “Not me.” “You are still part of their family,” sabi naman ng isa pang mortal. “The blood that flows inside your body is the same as theirs so we are sure that you are doing what they did.” Napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang ay gusto kong makipagtalo dahil hindi talaga ko sanay sa ganitong treatment pero alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ako mananalo sa paniniwalang pinanghahawakan nila sa pamilya ko. “Fine,” sabi ko. “Just get up already, okay?” Tumango sila at sabay-sabay na tumayo. “Now, aware naman siguro kayo na ako ang dahilan kung bakit nagpakawala ng mga bampira ang mga Shiann, hindi ba?” sabi ko na agad nilang tinanguan. “At aware din naman siguro kayo na isa din akong bampira.” Muli silang tumango. “Then, why are you still worshiping me instead of hating me?” “Because you are Hope Ehrenberg,” sabi ng isang lalaki na nakatayo sa pinakalikod ng mga mortal. Bahagyang gumilid ang mga mortal na nasa harap ko hanggang sa tuluyan kong makita ang lalaking iyon. “And you are?” kunot noo kong tanong sa kanya. To be honest, I actually had this feeling that I already met him but I don’t even remember when or where. “You don’t even remember me?” aniya at lumapit sa akin tsaka itinuro ang kanyang mukha. “It’s me.” Pinakatitigan ko siya pero hindi ko talaga maalala kung sino siya. Bumuntong hininga siya. “Well, I guess you can’t really remember me just by looking at my face since we only met once three years ago.” Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. “Then, I should really introduce myself to you.” Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko. “Lutia Kreis.” Nanlaki ang mga mata ko. “Lutia?” Ngumiti siya at tumangu-tango. “Oh my god!” Imbes na makipagkamay sa kanya ay mabilis ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap. “I can’t believe it. You are still alive!” “Of course, I am,” singhal niya tsaka kumalas ng yakap sa akin. “I have been here and stuck with the people here since the beginning of the war between the Shiann Clan against you. I don’t have much information about what is happening outside so I don’t really know what is happening to my family.” “They are safe,” sabi ko. “Your father was actually the one who warned everyone around the Valier of what is happening inside the Sierra City. Kaya hindi ganoon kalaki ang human casualties sa labas ng naging gulo dito three years ago.” Nakahinga siya ng maluwag. “Mabuti naman kung ganoon.” “How come you know each other?” tanong ni Graysean habang nakaturo sa amin ni Lutia. “Are you some kind of friend?” “Well, we were actually friends when he was still Titania Kreis, that was his first life and he was just reincarnated as a man in this era,” sabi ko. “Then, when he heard about me three years ago, he came to me and warned me about some group who had a plan to come after me.” Kumunot ang noo niya. “Titania?” “Oh, siya iyong kapatid nila Gray at Gracie, hindi ba?” ani Lutia habang nakaturo kay Graysean. “It looks like you did your promise to Gracie.” “It is not like that,” sabi ko. “Though, I really did my promise to the twins but Graysean’s situation is a bit complicated.” Bumaling siya sa akin. “What do you mean?” Well, noon nabubuhay ako ay hindi naman namin naisapubliko ang katotohanan na kabilang si Graysean sa angkan ng Ehrenberg dahil masyado kaming abala sa paglutas ng mga gulong ginagawa ni Papa Kellair at Kresha noon. At hindi ko alam kung ipinakilala siya bilang parte ng angkan namin nang tuluyan na akong matulog at ng mga panahong iyon ay patay na din si Titania kaya hindi niya alam ang tungkol sa relasyon ko kay Graysean. “What do you mean?” tanong niya sa akin. “Are you telling me that you are actually dating Gray and Gracie’s brother?” Napangiwi ako. “Are you really thinking that way?” Natawa siya at tinapik-tapik ang aking balikat. “I was just kidding,” aniya. “Kung pagbabasehan ko ang mga kwento ng kambal tungkol sa kapatid nila ay masasabi kong hindi siya iyong tipo mong lalaki. Tsaka sigurado naman na hanggang ngayon ay head over heels ka pa din kay Emperor Kei– Ouch!” Napadaing siya dahil sa pagtampal ko sa pisngi niya. “What was that for?” “Masyado kang maingay.” Inirapan ko siya. Ang mga ganoong bagay ay hindi na dapat binabalikan pa. “Anyway, Graysean was actually my twin brother. Nagkahiwalay kami dahil sa kagagawan ni Kresha at ang pagkakakilala namin nila Gray at Gracie ang naging dahilan para magkakilala at magkalapit kami.” “Woah!” Bakas ang matinding pagkagulat sa kanyang mukha. “I didn’t expect that kind of twist in your life.” “Yeah, me too,” sabi ko. “Anyway, Graysean, this is Lutia. Reincarnation of Gracie, Gray and my friend, Titania.” “Titania is a woman’s name, right?” naguguluhan na sabi ni Graysean. “Yeah.” Si Lutia na ang sumagot. “Destiny sucks, right?” Hindi ko na sila pinansin pa at iginala ko ang tingin ko sa buong paligid. Mukha namang naging maayos ang pamumuhay ng mga mortal na ito sa lugar na ito. Kumpleto sila sa lahat ng mga pangunahin nilang pangangailangan ngunit limitado lang ang mga iyon. At sa pagkakataong ito ay mukhang malapit nang maubos ang kanilang supplies kaya nangangailangan na sila ng tulong. Bumaling ako kay Dainsleif. “Do you think they will agree on relocation at the Ehrenberg Mountain?” “They will agree but it will not be an easy journey for them.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD