Chapter 106

1187 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Are you sure that they are gonna be alright?” tanong sa akin ni Xan habang tumatakbo na kami papunta sa building na nasa gitna nitong Rogue City. Ayon kay Nicole ay doon namin makikita si Greeny at kasalukuyan nitong kasama si Ara na siyang inaasahan na ang pagdating ko. “Naniwala ka agad sa kanila na hindi nila papatayin ang sarili nila at gagawin ang sinabi mo?” dagdag niya. “I trust them,” sabi ko. “Because I can see their determination to make up for all the things that they did before. So it would be better if you will just trust their words.” “Well, alam kong ako ang nag-suggest ng idea pero medyo nabigla kasi ako nang ganun-ganoon lang na nagbago ang kanilang isip,” sabi pa niya. “Yeah,” pagsang-ayon ni Hei. “Una ay gusto nilang mamatay dahil hindi na nila kaya ang mga nagawa tapos nang sinabi mong kailangan nilang harapin at bumawi sa lahat ng nagawa nila ay agad silang–” “It is because of Heydrich’s power,” singit ni Yuuna na ikinakunot ng mga kasama namin. “What do you mean?” “Heydrich uses her compulsion to make sure that they will not hurt themselves and do what she wants them to do,” sabi ni Yuuna. Hindi makapaniwala na tumingin sa akin sina Xan at Hei. “Seriously?” Bumuntong hininga ako. “The compulsion that I use will only affect them for at least one week. After that, they will return to their normal selves and it will be their own decision if they still want to do what I just told them or they want to commit suicide to runaway.” “Compulsion?” ani Hei. “I didn’t know that you had that kind of power.” “I don’t,” sabi ko. “What do you mean?” tanong niya. “You didn't really have that power when you were born? Then where the hell–” Nanlaki ang kanyang mga mata. “You…” Itinuro niya si Wayne. “...drink his blood?” “It was not his blood that held the power that your father left for me, Hei,” walang gana kong sabi. “He only has his memories.” “What?” “Yes, it was Kei’s power and I already acquired some of it without even realizing it, okay?” sabi ko. “So please, stop asking about those things because this place is not really safe for that kind of topic.” Agad nilang itinikom ang kanilang bibig. Masyado kong pinahahalagahan ang kapangyarihan at alaala ni Kei na nakatago ngayon sa dugong dumadaloy sa katawan ng magkapatid na Andrades dahil hindi basta-basta ang mga iyon. Kapag nalaman ni Ara ang tungkol sa mga iyon ay nakakasiguro ako na hindi siya magdadalawang-isip na ituon ang atensyon niya sa mga iyon lalo pa’t higit na malakas ang kapangyarihan ni Kei kung ikukumpara sa kapangyarihan ng isang half-blood vampire ng Ehrenberg Clan. At hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay nila Wayne at Zeri kaya mas mabuti nang hindi ito pag-usapan sa ganitong klaseng lugar. Isa pa, higit kong dapat pangalagaan ang alaala ni Kei na nasa katawan ni Wayne dahil ang impormasyong nilalaman noon ay maaaring gamitin ni Ara upang pigilan ang mga plano kong gawin para sa bansang ito. I have to take care of Ara first dahil siya ang higit na hadlang para sa permanenteng kapayapaan na gusto nang makamit ng bansang ito. “Welcome to Lamia, Heydrich Ehrenberg.” Isang boses ang sumalubong sa amin nang tuluyan naming marating ang building na itinuro nila Nicole. Madilim ang loob nito kaya naman hindi ko makita ang mukha ng nagsalita ngunit ramdam ko ang kanilang presensya sa buong paligid. Maging ang mga Shiann vampires na nakulong sa mga silid na nasa magkabilang gilid ng bulwagan na ito. Ramdam ko din ang presensya ni Greeny at nakahinga ako ng maluwag dahil nasiguro kong walang kahit anong masama ang nangyari sa kanya. “Wala ba kayong kuryente dito?” walang gana kong tanong. “O baka naman kahit ang liwanag na nanggagaling sa mga bumbilya ay hindi na din kayang damhin ng mga balat nyo?” “Oh, I should be sorry for this,” sambit nito. “Some pest destroyed the main line of our electricity and my men are still fixing it.” “This voice,” bulong sa akin ni Yuuna. “It belongs to her.” “Pero hindi mo naman kailangan ng ilaw para malaman kung nasaan ako, hindi ba?” dagdag ng babaeng iyon. “You can always go after me.” “I don’t have any interest in you,” sabi ko. “Nandito lang ako para bawiin ang babaeng kinuha mo.” Isang malakas na tawa ang kanyang pinakawalan. At kasabay noon ay ang pagbukas ng ilaw sa buong building. Bahagya pa akong napapikit dahil masyado iyong maliwanag ngunit ilang sandali din ay agad na akong dumilat at diretsong tumingin sa direksyon kung nasaan si Ara. At nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ang mukha nito. “T-Tamara?” I was shocked when I saw her face. And I don’t even know what to do. What the hell is happening? Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila ni Greeny dahil naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Ara Sierra actually looks like Tamara Holland, my best friend. “Heydrich.” Hinawakan ni Xan ang braso ko. “She is not Tamara Holland. She is Tamara Sierra.” Kunot noo akong tumingin sa kanya. “What do you mean?” “We don’t really know what happened but she has been your best friend’s face ever since she was born,” paliwanag niya. “Noong una ay inakala namin na siya ang reincarnation ni Holland kaya naman Tamara ang ipinangalan sa kanya ni Kei. Pero habang tumatagal ay ibang ugali ang kanyang ipinapakita.” “Then…” Tumango siya. “She may look like Tamara Holland but I can assure you that she is not her reincarnation.” Muli kong ibinalik ang tingin kay Ara at tinitigan siya ng mabuti. Seeing her face actually brings me joy because I didn’t even have a chance to be with her right before she died. Hindi din naman ako nabigyan ng pagkakataon na makapagluksa sa kanyang pagkamatay dahil sa dami ng problema na kailangan ko agad harapin nang makabalik kami ni Graysean mula sa nakaraan. Kaya gusto ko siyang yakapin kanina nang makita ko ang kanyang mukha. Pero ngayong nasabi na sa akin ni Xan na hindi naman siya ang kaibigan ko kahit pa magkamukha silang dalawa ay nawala na ang pagnanais kong iyon na yakapin siya. Ipinikit ko muna ang aking mga mata at ilang beses na huminga ng malalim pagkuwa’y muling dumilat at siniguro kong hindi na ako muling madi-distract ng kanyang pagmumukha. “Let’s get to business, Ara Sierra,” walang emosyon kong sabi sa kanya. “I want you to give Greeny back to me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD