Chapter 107

1088 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Isang ngisi ang binigay sa akin ni Ara matapos kong sabihin sa kanya na gusto kong bawiin si Greeny mula sa kanyang pagkakahawak. Sa mga sandaling ito kasi ay nakaupo at nakatali sa isang silyang bakal si Greeny na nasa tabi ng kanyang kinauupuan. May nakatutok ding patalim sa leeg nito kaya hindi ko magawang gumamit ng kahit na anong kapangyarihan upang iligtas ito mula sa kamay ng babaeng iyon. “Sa tingin mo ba ay basta-basta ko na lamang siyang ibibigay sa iyo?” “You already have what you want,” sabi ko. “You already managed to lure me here using that woman. So let her go because she has nothing to do with us.” “I am aware of your power, Heydrich,” aniya. “Oh, my bad.” Bahagya pa siyang natawa. “I don’t really know how I should address you. Kung pagbabasehan ko ang dugo natin, I should call you cousin, right? But things are much different from that since we are not like those normal mortals.” “It doesn’t matter–” “No!” mabilis niyang alma. “It does matter to me. Kasi alam mo, lumaki akong naguguluhan sa mga bagay na ipinapakita sa akin ni Daddy.” Kumunot ang noo ko. “What do you mean?” “I never understand him,” aniya. “Not even a single time. And I don’t really know why he had to marry my mother if he didn’t have any plan to love her.” “Because it is his responsibility,” sabi ko. “Hindi normal na nilalang ang tatay mo. Isa siyang emperador ng isang malaking bansa na mayroong malaking responsibilidad na pinapasan. So producing an heir or heiress is one of those responsibilities.” “Then, are you saying that I am just a responsibility to him?” balik niya sa akin. “Na kaya niya lang ako binuo dahil kailangan at hindi dahil ginusto talaga niya?” Bumuntong hininga ako. Base sa tinatakbo ng pag-uusap namin ngayon ay mayroon na akong ideya kung bakit nga ba nagsimula na lumayo ang loob ng batang ito sa kanyang ama kahit pa hindi naman niya ito pinapabayaan. “From what I know, Kei only married your mother because she is the best candidate to become the empress and support him with everything she had,” sabi ko. “Yes, he may not love your mother but he cares for her and appreciates all the things that she did for him. Producing you may be part of his responsibility but Kei is not doing anything against his will so I am sure that he did produce you because he wants you.” Umiling-iling siya. At sa mga pagkakataong ito ay nakikita ko na ang luha sa kanyang mga mata. Tanda ng sakit at sama ng loob na kanyang dinadala sa haba ng panahong kanyang inilagi dito. “He never loved me,” mahina niyang sabi ngunit nagawa ko naman iyong marinig. “He never even looked at me the way he looked at Hei.” “Hoy! Bruha ka!” alma ni Hei. “Hindi totoo iyan, huh! Pantay ang pagmamahal sa atin ni Daddy. At hindi mo man nakikita pero lagi siyang nakasuporta sa iyo sa mga bagay na gusto mong gawin.” “But he was being hard on me!” “Of course!” sigaw ni Hei sa kapatid. “Tanga ka ba? Ikaw ang tagapagmana at susunod na magiging pinuno ng buong Valier kaya sa tingin mo ay hindi sila dapat maging mahigpit sa iyo?” At nagtalo na ang dalawang magkapatid tungkol sa kung paano sila tinatrato ni Kei. Apparently, masyado ngang mahigpit si Kei sa kanyang biological daughter. May mga pagkakataon na mas pinapagalitan niya ito lalo na kapag may ginagawa nitong hindi naaayon sa posisyon na mayroon siya. Samantalang kay Hei ay masyado itong maluwag. At hinahayaan ang kanyang adopted daughter na gawin ang lahat ng gusto nito. At malambing din siya dito na kabaligtaran naman ng kanyang ipinapakita sa isa. Kaya ang lumalabas ay hindi pareho ang pagtrato niya sa dalawang anak at higit nitong pinapaboran ang ampon. "Heyd," bulong sa akin ni Xan habang abala sa pagtatalo ang magkapatid. "Something is not right." Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" "This is her attitude when she was still young," aniya. "I mean, that is her real attitude. But when she entered high school, she suddenly changed and became emotionless." Tinitigan ko si Ara at masasabi ko naman na tunay ang emosyon na kanyang ipinapakita ngayon. Walang halong pagpapanggap lalo na sa mga sakit at sama ng loob na ipinapakita ng kanyang mga mata. Iyong pangungulila at lungkot niya. But then… Natigilan ako nang mapansin ang panandaliang pagpapalit ng kulay ng kanyang mga mata. Sandaling-sandali lamang iyon at hindi halos mapapansin ng kahit sino pero dahil nakatitig ako ay agad ko iyong nakita. Kasabay naman noon ay naramdaman ko din ng panandalian ang isang pamilyar na presensya na matagal na panahon ko na ding hindi nararamdaman. "Are you really sure that she is Tamara Sierra?" tanong ko kay Xan na mabilis namang tumango. "Isa ako sa mga nag-alaga at sumubaybay sa paglaki niya kaya kilalang-kilala ko ang batang iyan," aniya. "Kaya nga talagang hindi ako makapaniwala nang bigla na lang siyang nagbago." "Having a poker face is actually one of your training for her, right?" Muli siyang tumango. "She needs to look tough so that the knight will not underestimate her. But she can't actually do that. She is too transparent and we can't do anything to change it," aniya. "Kaya nga nagulat na lang kami nang bigla siyang magbago." "Then, I think I know the reason for her sudden change." "Really?" Tumango ako. "And this will be a difficult one to deal with." Bumuntong hininga ako tsaka ginulo ang buhok ko pagkuwa'y pinigilan na si Hei nang akma pa itong magsasalita. Agad namang natigilan si Hei at ganoon din si Ara na napakunot ang noo pa habang napatingin sa akin. "Do you have any idea about the situation you are currently in?" Natigilan siya at masasabi kong tama nga ang sinabi ni Xan tungkol sa pagiging transparent ni Ara. Dahil sa sandaling iyon ay agad kong nakita na aware nga siya kung anuman ang nangyayari sa kanya ngayon. And I guess, may permiso niya ang ritual na isinagawa sa kanya noon upang buhayin ang nilalang na ngayon ay nasa loob ng katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD