Chapter 58

1016 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov   Dahil masyadong marami ang nangyari kahapon ay tinamad akong pumasok. Nag-decide akong mag-stay muna dito sa mansion.   Si Zeri lang ang mag-isang pumasok ngayon. May mga trabaho pa siyang aasikasuhin sa office ni Xan kaya wala talaga siyang choice.   At ako, abala sa mga librong hinahalungkat ko dito sa library ng mansion. Tingin ko kasi ay hindi naman tumigil ang angkan ko sa pagtatala ng kasaysayan ng buong Valier.   Well, mas madali namang alamin ang mga nangyari noon mula sa alaala ni Kei pero mahirap naman ang proseso noon lalo na't masyadong marami ang mga alaalang ipinapasa nito sa akin.   Hirap akong i-absorb ang lahat ng iyon kaya ang resulta ay ang pagkawala ko ng malay.   Kaya sa ganito muna ako magsisimula.   And fortunately, mayroon akong nakitang mga libro na related sa mga pangyayari after kong magdesisyon na mamatay, or should I say, after magdesisyon ng mga malalapit sa akin na patulugin ako at palabasin na namatay na ako.   'The peace and order that Hope Ehrenberg brought to the whole Valier seems fine.' Iyan ang bumungad sa akin ng buksan ko ang librong iyon. 'Bakas man sa mga mata ng mortal ang takot sa tuwing nakakasalamuha ng bampira ay hindi iyon naging hadlang upang pakitaan nila ng mabuti ang mga nilalang na minsang naging halimaw sa kanilang paningin.'   "Oh, then maganda pala ang naging simula ng pagkakaibigan ng mga bampira at mortal."   'Naging mabuti din naman ang mga bampira sa mga mortal. Despite the fact that they once saw a mere mortal as nothing but a slave. Nothing but a food source.'   Well, hindi ko maitatanggi ang part na ito dahil ganito talaga ang mind set ng mga bampira noong unang panahon sa mga mortal na naninirahan sa bansang ito.   Food source, slaves and not someone who can have the same rights as the vampire has before.   'Pero dahil sumang-ayon sila sa paniniwala ni Hope Ehrenberg ay pinilit nilang ibahin ang kanilang tingin sa mga ito. At buong loob na tumutulong sa mga ito sa tuwing mayroon itong pangangailangan.'   Maganda ang naging resulta ng mga ginawa ko noon. Then, bakit biglang naging ganito ang lahat?   Isa-isa ko pang binuklat ang ibang libro.   Isang buong taon kasi ang nakatala sa isang libro at may mga label naman ito kaya nagagawa kong basahin ang mga detalyadong nangyayari noon ng sunod-sunod.   At halos maubos ko na ang mga librong nakuha ko pero wala pa din akong nakikita na nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga bampira at mortal.   "Aish!" Inis kong ginulo ang buhok ko matapos ilapag ang huling libro. Those books only covered five hundred years of human and vampire relationship.   And those relationships are too good to suddenly have a conflict with each other.   Limang daang taon na nauwi lang sa isang marahas na digmaan.   Na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung saan nagsimula dahil wala naman akong makita na kahit anong clues about doon.   "Heydrich,"   Nilingon ko si Wayne na kabubukas lang ng pinto ng library. "You need something?"   Umiling siya. "Iyan din sana ang itatanong ko sa iyo. Kanina ka pa kasi diyan at mukhang hindi ka nakakaramdam ng gutom."   "Well, hindi talaga ako nakakaramdam ng gutom dahil frustration ang nararamdaman ko."   Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. "Why?"   "Well, kulang itong mga libro na nakita ko dito." Itinuro ko pa ang mga nagkalat na libro sa paligid ko. "Puro good things lang tungkol sa Valier ang nakalagay dito."   "Ano ba ang hinahanap mo?" tanong niya. "You should have ask me."   Kumunot ang noo ko. "Bakit?"   "Sa dami ng nangyari sa bansa, isang libo at limang daang taon, sa tingin mo ba ay kakasya sa silid na ito ang mga iyon?"   "Eh?" Napatanga ako sa kanya. "Ibig sabihin ay may iba pang silid na pinaglalagyan ng mga history books na gawa ng angkan ko?"   Tumango siya. "At higit iyong importante kaya naman may dagdag na proteksyon din ang silid na iyon kung saan tanging ang tunay na Ehrenberg lamang ang may kakayahang pumasok dito."   "Ganoon ba iyon kahalaga para dagdagan ng protection?"   Muli siyang tumango. "Hindi natin masasabi ang kakayahan ng mga Shiann. Nais nilang burahin ang lahat ng nangyari noon at iayon sa kanilang panig ang bawat bagay kaya naman ganito ang ginawa ng iyong pamilya. Para malaman mo kung ano ba ang nangyari noon na hindi maikwento sa iyo ng mga makakasama mo."   "If that is the case, then, dalhin mo ako doon."   Hindi siya kumilos. Ni hindi din nagsalita at napapakamot na lamang ng ulo.   "May problema ba?"   "Well, we actually need Zeri," aniya.   "Why?"   "Aside from the protection that your family put there, may sarili ding seal na inilagay ang mga Andrade bilang dagdag proteksyon," paliwanag niya na ikinangiwi ko.   "Seryoso?"   Tumango siya. "Ilang beses na kasing may nagtangkang pumasok sa barrier na nasa ibaba ng bundok na ito kaya naisip namin na dagdagan na ang proteksyon."   Napabuntong hininga ako. "Mukhang wala akong ibang pagpipilian kundi ang hintayin si Zeri."   "Do you want me to prepare something for you while you are waiting?"   "Hmm…" Tumango ako. "Just some rice meal."   "Okay." Agad din siyang umalis at lumabas ng silid.   Habang ako naman ay nagsimula nang pulutin ang mga libro na ikinalat ko.   Ayoko nang ipaayos ito kay Wayne dahil dagdag lang ito sa trabaho niya. Ako din naman ang nagkalat kaya dapat lang na ako ang mag-ayos.   Sinimulan ko itong pagpatung-patungin ng naaayon sa taon hanggang sa may mapansin akong kakaiba sa gilid ng mga librong ito.   Kumunot ang noo ko habang nakatitig doon.   May mga black shaded part sa iba't-ibang bahagi ng gilid nito ang ilan sa mga libro. Kaya ang unang pumasok sa isip ko ay isa itong puzzle.   Kaya naman agad muli kong ginulo ang mga librong iyon at inisa-isang hanapin ang bawat isa na aakma sa mabubuo kong larawan o salita gamit ang black shaded part na iyon.   Hindi nga naging madali dahil wala akong ideya sa kung ano ang dapat kong buuin dito.   Kaya naman halos habol hininga ako matapos ko itong buuin.   "Oh, s**t!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD