Chapter 111

1152 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Heidi…” banggit ko sa pangalan ng babaeng nakangisi ngayon sa aking harapan. Bagaman mukha ni Ara ang nakikita ko, hindi naman ako maaaring magkamali sa presensya na nararamdaman ko. Siya na talaga si Heidi Ehrenberg, ang inakala kong kapatid ngunit siyang tiya ko lang pala na naging dahilan kung bakit nagdusa si Mommy Heya at kung bakit hindi namin nakasama ni Graysean ang mga magulang namin sa paglaki. Ang tauhan ni Kresha na walang ibang gustong gawin kundi gawing dictatorship monarchy ang buong Valier nang sa gayon ay ang kanilang mga salita ay ang tanging batas na susundin ng buong bansa. “Oh, we didn’t meet before,” aniya. “But I heard a lot of things about you, Heydrich Oxen Pria Ehrenberg, Heya and Kelliar’s daughter.” “What did you do to her?” “Nothing,” aniya. “I just need some pure Shiann blood because that is the main reason why I become dominant inside of this body and be able to control this without Tamara interrupting me.” “What?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Why do you think I added the ‘sacrifice thing of their first born’ on the curse that Tamara placed on their clan?” Inirapan niya ako. “Obviously because their blood is what I need to make sure that I will live until the day when I finally get the full control of this body.” Shit! I was too preoccupied with the things that had been happening around Ara and I thought that Heidi can’t force her way out to get control over their body. I let my guard down thinking that Ara handled everything and I didn’t have to do anything except when the right time comes for me to kill her. “Oh, you need to do something to that woman,” ani Heidi at muling bumalik sa kanyang trono. “If my venom reaches her heart, she will not be able to survive at all even if you turn her into a vampire.” Damn it! “Though I am not sure if you have enough time for that.” Sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na Shiann vampires, maging ang mga elite vampires na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa ng kanyang kontrol. At mabilis itong sumugod sa akin pero dahil masyado akong natataranta sa kalagayan ni Greeny ay hindi na ako makapag-isip ng maayos para sa sitwasyong ito kaya napapikit na lamang ako. Ngunit nakarinig na lamang ako ng mga katawang bumabagsak kaya muli akong dumilat at doon ko nakita sina Xan, Wayne, Hei at Keaya na nakapalibot sa akin habang nilalabanan ang mga bampira na sumusugod sa amin. “Hindi ito ang tamang oras para mag-panic, Heyd,” sabi ni Xan. “You have to think of a way to save Greeny.” “B-but I don’t know how…” Nagsisimula na akong manginig dahil sa takot dahil unti-unti nang humihina ang pintig ng pulso ni Greeny. “Minsan ka nang nawalan ng kaibigan, Heyd,” ani Wayne. “Hahayaan mo bang maulit iyon gayong mayroon kang paraan upang iligtas siya.” Natigilan ako at napatitig kay Greeny. Yes, may isang paraan para makontra ko ang lason na pumasok sa katawan niya nang kagatin siya ni Heidi. Pero kapag ginawa ko iyon ay tuluyang magbabago ang kanyang buhay at matutulad siya sa nakatatanda niyang kapatid. At ayokong gawin iyon nang walang pahintulot mula sa kanya. Kung ako ang tatanungin, higit kong gugustuhin ang ganoon. Na maging isang bampira na lamang siya nang sa gayon ay hindi ko na siya aalalahanin pa lalo na sa darating na laban ko sa mga Shiann. Pero hindi madali ang maging isang bampira. Lalo na sa mga tulad niya na galing sa angkan ng Shiann na mayroong kakaibang dugo. They are like things that always need high maintenance to make sure that they will be fine for a very long time. And I am not sure if I can give it to her since their blood resources are actually limited. “Lady Heydrich,” tawag sa akin ni Kaeya na agad kong nilingon. “If you are thinking of the limited blood source that might become her problem once you turn her, then I can say to you that we already got that cover.” Kumunot ang noo ko. “What do you mean?” “The other kids that our family sacrificed to Hei are still alive,” aniya. “And most of them are willing to give their blood to a monarch or elite Shiann vampires.” Nanlaki ang mga mata ko. “What?” “Sila ang dahilan kung bakit ang mga tulad ni Dainsleif ay nananatili pa ding buhay sa matagal na panahon,” sabi pa niya. “So, if you really think that turning her into a vampire will really save her and you really want to save her, then don’t hesitate.” “But she might not want this kind of life…” Umiling siya at ipinatong ang kanyang kamay sa aking balikat. “You already know that she is your best friend's reincarnation, right?” Tumango ako. “Then, dapat ay alam mo na gagawin niya ang lahat at mabilis niyang hahablutin ang kahit na anong pagkakataon upang masiguro lang na magagawa niyang manatili sa tabi mo hanggang sa huling hininga niya. Manatili man siyang mortal at paulit-ulit na ipanganak o maging bampira at tumayo sa iyong tabi sa matagal na panahon.” Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Greeny. Nagtatalo pa din ang isip ko sa kung ano ang dapat gawin dahil natatakot talaga ako sa kahihinatnan ng desisyon na gagawin ko pero matapos kong iproseso sa aking utak ang mga sinabi ni Kaeya, unti-unting nabuo sa aking dibdib ang nararapat kong gawin. Higit kong kakayanin na magalit sa akin si Greeny kaysa muli siyang mawala sa akin tulad nang nangyari kay Tamara noon. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na sugatan ang aking palapulsuhan at agad na itinapat sa kanyang bibig ang tumutulong dugo mula dito. Higit na naging agresibo ang mga bampira sa paligid namin dahil nakita nila ang dugo kong tumutulo sa bibig ngayon ni Greeny. Maging si Heidi ay hindi nakapagpigil dito at mabilis ding sumugod sa amin ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit ay agad ko nang binalot ng barrier ang kinatatayuan namin. “I just need a minute,” sabi ko nang bumaling sila sa akin. “You can’t fight Heidi because she can use the full extent of Ara’s power so you better stay put here and wait until I finally turn and heal Greeny.” Because once I am done here, I will definitely kill Heidi. Hindi ko kailanman mapapatawad ang mga nilalang na nanakit at pumatay sa mga taong pinahahalagahan ko. Kaya sisiguraduhin kong magbabayad siya ng malaki sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD