Chapter 112

1111 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Matapos kong painumin si Greeny ng dugo ko mula sa sugat na nilika ko sa aking braso ay bahagya ko namang inilabas ang kanyang leeg at agad na kinagat iyon. Ang dugo ko kasing pumasok sa kanya ay ang siyang maglilinis sa lason na nilagay ni Heidi sa kanyang katawan. Ito din ang maghahanda sa kanyang katawan para sa pagpapalit ng kanyang dna oras na pumasok na ang venom ko. I am a monarch vampire and part of the Sierra clan who has the most effective venom that can be used to turn a mortal into a vampire. But it also has the strongest venom that can turn a mortal into a rogue vampire with no self-control and only thinks of its thirst for blood. But I am still part of the Ehrenberg clan that has the ability to weaken that venom so turning Greeny into a vampire is safe and she will not end up being a rogue. At nang makita ko na ang resulta ng kanyang pagpapalit ay dahan-dahan ko siyang inihiga sa sahig at tumayo pagkuwa’y diretsong tumingin kay Heidi na ngayon ay nasa harap ko mismo ngunit hindi magawang makapalit sa akin dahil sa barrier na nakabalot sa kinatatayuan namin. “Keaya, Hei…” tawag ko sa dalawa. “Protect Greeny at all cost,” sabi ko. “And when she regains her consciousness, get out of this city as fast as you can.” The bomb that Ara planted around the city are now counting down and I don’t really know how much time do we have for it to explode. “What about you?” “I still have responsibility that I need to do right here,” sabi ko. “So, do what I said, okay?” “Okay,” mabilis nilang sagot.  “Wayne, Xan…” tawag ko naman sa dalawa. “Back me up and handle all those vampires. Just knock out the elite vampires that are being controlled by Heidi then kill those Shiann vampires that have already lost their minds.” “As you wish.” Nang alisin ko ang barrier na nakapaligid sa amin ay ako na ang unang sumugod kay Heidi. Even though Heidi can use the full extent of Ara’s power, she can’t still do anything to stop me from what I am just doing right now to her. Hinablot at marahas kong hinawakan ang kanyang leeg pagkuwa’y inihagis ko siya sa pinakamalapit na pader sa amin. Hindi niya kinaya ang lakas at bilis ko kaya tumama ang kanyang likuran doon na naging dahilan ng kanyang pagdaing. Kasabay noon ang pagkaguho ng pader na agad kong sinamantala at muling sumugod sa kanya. Sa pangalawang paglapit ko sa kanya ay sinipa ko naman ang kanyang sikmura bago pa man siya makatayo. Paulit-ulit ko iyong ginagawa kaya naman paulit-ulit din siyang tumatama sa natitirang ibabang bahagi ng pader hanggang sa tuluyan na din itong mawasak. At nang makita kong unti-unti nang naghihilom ang kanyang mga sugat ay muli ko siyang hinablot sa leeg at mahigpit itong hinawakan pagkuwa’y inihampas siya sa poste na nasa gilid namin. “H-how?” Nakikita ko sa kanyang mga mata na naguguluhan siya sa mga nangyayari. Well, sino nga bang mag-aakala na magagawang saktan ng isang Ehrenberg ang isang Sierra gayong mayroon silang proteksyon mula sa amin bilang kanilang sandata kung sakali man na maghangad kami sa trono na kanilang pag-aari. “Ara is a full blooded vampire,” aniya. “At hindi lamang siya ordinaryong bampira. She is a monarch vampire that has the blood of the very first vampire that walked in this land. Kaya paano? Paano nagagawang saktan ng isang hamak na half-blood na tulad mo ang isang Sierra?” “Nakalimutan mo ba na isa din akong Sierra?” “Hindi pa din iyon sapat!” sigaw niya at sa pagkakataong ito ay tuluyan na siyang nakatayo ngunit bakas ang panghihina sa kanyang katawan. Alam kong hindi pa niya masyadong gamay ang paggamit ng katawan ni Ara maging ang kapangyarihan nito kaya naman kinakailangan niya talaga ang dugo ng mga Shiann upang patuloy siyang maging malakas. Pero dahil hindi naman ganoon kadami ang nainom niyang dugo mula kay Greeny at pinaulanan ko siya ng sandamakmak na suntok at sipa ay hindi na nakapagtataka na agad siyang nanghihina. “Oh.” Napangisi ako. “Huwag mong sabihin na hindi mo alam?” Kumunot ang kanyang noo. “Ang alin?” “The reason why me and Graysean are known to be the hope and threat to the vampire race?” Lalong kumunot ang kanyang noo na nangangahulugang hindi nga niya alam ang tungkol sa pagiging half-blood ni Papa Kelliar na siyang dahilan kung bakit may kakayahan kami ni Graysean na patayin at saktan kahit ang isang Sierra pa. Bahagya akong natawa. “I can’t believe that Kresha didn’t tell you about the real identity of Papa Kelliar.” Napailing pa ako kaya nagsimulang mapalitan ng masamang tingin ang kanyang pagkunot ng noo. “What the hell are you saying?” “Kelliar Sierra is the half-blood vampire,” sabi ko na ikinalaki ng kanyang mga mata. “And him being a half-blood became the reason why he managed to kill you even though you are from the Ehrenberg Clan.” “W-what?” Nagsimula akong maglakad palapit sa kanya. At iyon naman ang simula nang pag-atras niya palayo sa akin. “They didn’t tell you,” sabi ko. “And that is the reason why you let your guard down around my father. Iniisip mo na hindi ka niya masasaktan.” “T-that is not true!” giit niya. “Ah, isa na din pala ang pagiging in love mo sa kanya kaya hindi mo naisip na kakayanin ka niyang patayin.” Isang nakakainsultong tawa ang pinakawalan ko at sa pagkakataong ito ay mabilis akong lumapit sa kanya at sinakal siya pagkuwa’y isinandal siya sa pader. “Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?” “S-shut up!” “They never really think that they can use you,” sabi ko. “They never really think that you are part of their group. Wala lang silang choice na isama ka sa grupo nila dahil masyado kang mapilit.” “Hindi totoo iyan!” sigaw niya. At lihim akong napangiti nang makitang unti-unti nang nasisira ang consentration niya at mula sa kanyang mga mata ay unti-unti ko na ding nararamdaman ang presensya ni Ara. “Kung hindi totoo ang mga sinasabi ko, nasaan na ngayon ang mga sinasabi mong kakampi mo?” Sa mga huling salita kong iyon ay agad siyang natigilan at napatulala na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD