Chapter 110

1086 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “I won’t let you kill her,” matigas na sabi ni Hei pagkuwa’y bumitaw sa akin at humarang sa pagitan namin ni Ara na ikinabuntong hininga ako. “Hindi ako makakapayag na saktan mo siya, Mom.” “Don’t make it so hard, Hei,” inis kong sabi. Hindi ko din naman gusto na saktan ang batang ito. Alam kong biktima lang din siya pero wala na akong magagawa pa para iligtas siya. Wala na akong magagawa pa para alisin sa katawan niya ang kaluluwa ng babaeng unti-unti nang nakukuha ng tuluyan ang katawan nito. Hindi ko na ito mapipigilan pa dahil si Ara mismo ang nagpapasok at nagpagamit ng kanyang katawan sa babaeng ito. “No,” mariin niyang sabi. “Ikaw ang nag-iisang half-blood vampire, hindi ba? Ikaw ang makapangyarihang nilalang na itinuturing na pag-asa at tagapagligtas ng lahat sa bansang ito.” “Hei…” mahina kong sambit. “I am not that invincible. May limitasyon din ang kakayahan ko tulad na lamang ng limitasyon ng mga Sierra kahit pa nasa kanila ang basbas ng lahat ng naninirahan sa bansang ito.” Umiling-iling siya. “You have to save her, Mom.” At nagsimula na siyang umiyak. “She didn’t deserve this. She can’t die like this.” “Hei…” marahang tawag ni Ara sa kapatid. “She can’t really do anything to save me. Kahit pa magtulong kami ay wala nang mangyayari para mapigilan si Heidi sa tuluyan niyang pag-angkin sa katawan ko.” Oo, ang kaluluwa na nasa loob ng katawan ngayon ni Ara ay si Heidi Ehrenberg. Ang babaeng dapat ay ire-resurrect nila gamit ang katawan ko ngunit nabigo sila sa plano nilang iyon dahil agad kong naalis ang seal na inilagay ni Kresha sa katawan ko. At ito ang nasa likod ng lahat ng gulong nangyayari sa buong Valier. At siya ang tunay na may gustong makuha ang kapangyarihan ko nang sa gayon ay wala nang sinuman ang makakapigil kapag siya na ang naging pinuno ng bansang ito. Niyakap ni Ara ang kapatid habang pareho silang umiiyak. “Let’s just accept my fate, sis. Ako din naman ang may kasalanan kung bakit nila muling nabuhay ang babaeng iyon. Kung hindi lamang ako naniwala sa kanila ay hindi ko kahahantungan ang ganitong sitwasyon.” “But…” “Ilang beses ko na naman nasabi ito sa iyo but I am really sorry for not treating you well before,” sabi pa niya ito. “I am sorry for not treating you like my own sister because I was blinded by my jealousy. But I learned my lesson and unfortunately, by the hard way.” “Don’t say that.” Iniangat niya ang tingin sa akin. “I planted a lot of explosives around this city at agad iyong sasabog kapag naramdaman ni Nicole na si Heidi na muli ang may kontrol sa katawan ko.” “Pinlano mo ang lahat ng iyon.” Hindi ako makapaniwala na nakatingin sa kanya. “You already expect me to use my compulsion to make sure that Nicole and the others will not harm themselves once I take out the blood crystal in their body. And you already anticipate that I will make them up for all the things that they did in the past.” Mapait siyang ngumiti at tumango. “I kinda know your personality because of our father. Ikaw ang madalas niyang ikwento sa amin bago kami matulog. Though hindi ako naniniwala noon dahil nabulag ako ng galit at selos sa pag-aakalang hindi kailanman pinahalagahan ni Daddy ang nanay ko.” But she realized everything and did everything in her power to make sure that Heidi will not succeed on what she is planning to do. Bumitaw siya kay Hei na bagaman hindi pa din sang-ayon sa napagdesisyonan namin ay alam kong hindi na din hahadlang pa dahil alam niyang wala na talaga kaming magagawa pa. Isa sa mga elite vampire na tingin ko ay tumutulong din kay Ara sa mga plano niya ay pinakawalan na si Greeny kaya agad itong nakalapit sa amin at yumakap sa akin, “Heydrich!” “I am sorry for involving you in this drama, Greeny,” mahina kong sabi habang hinahaplos ang kanyang likod. Umiling-iling siya. “No. Ako ang dahilan kung bakit ka napilitang pumunta dito kaya ako dapat ang humingi ng sorry sa iyo.” Kumalas siya ng yakap sa akin. “Wala ka sana sa sitwasyong ito kung hindi ako nagpilit na puntahan ka sa Cory Mountain.” “Kung hindi ka napunta dito ay hindi ko sana malalaman ang tungkol sa sitwasyon ni Ara,” sabi ko. “At hindi sana nabigyan ng pagkakataon na magkaayos ang magkapatid na ito.” Hindi ko din malalaman kung sino ba talaga ang tunay naming kalaban kaya wala na akong dahilan pa para magalit sa bruhang ito. Bumuntong hininga ako. I think that everything will go as Ara planned so I let my guard down thinking that I don’t have to do anything anymore as long as Ara remains dominant over her own body. Kaya naman hindi agad ako nakapag-react nang biglang hablutin ni Ara si Greent mula sa akin at hinawakan ang ulo nito upang ma-expose ang leeg nito at walang pagdadalawang-isip na kinagat at sinipsip ang dugo nito. Oh s**t! Plano ko sanang hilahin si Greeny ngunit bahagya ding nakabaon ang matatalas na kuko ni Ara sa ulo nito, maliban pa sa pangil niyang nakabaon sa leeg nito kaya siguradong higit siyang masasaktan kapag pinilit ko itong hilahin palayo sa kanya. Kaya naman si Hei na lang ang inilayo ko at agad na inihanda ang sarili ko sa mga elite vampire na bigla na lamang naging alerto at nakahandang umatake sa amin. “Ara!” Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang pangil sa leeg ni Greeny kasunod nito ang pagtulak niya dito palapit sa akin na agad ko namang sinalo at inalalayan na makahiga sa sahig. Pinakiramdaman ko ang kanyang pulso at bahagya akong nakahinga ng maluwag nang maramdaman na pumipintig ito ngunit nagsisimula na itong humina kaya nasisiguro kong maliban sa pagsipsip ni Ara ng dugo ni Greeny ay siya ding pagpapasa nito ng lason sa katawan nito. “Why did you do that, Ara?” Iniangat ko ang tingin sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin ngunit ang sumalubong sa akin ay ang ngisi na hindi ko man nakita noon ay alam kong hindi galing sa anak ni Kei. “H-Heidi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD