Chapter 41

1221 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Alam ko kung paano magtrabaho si Xan kaya wala dapat akong ipag-alala sa kanya ngayong gabi.   Iimbestigahan lang niya ang sinasabi ni Greeny tungkol sa mga bampira na nakakulong ngayon sa bilangguan na mayroon sa pinakamalalim na bahagi ng palasyo.   Sinabihan ko na din siya na huwag gagawa ng kahit anong ikakapahamak niya at siguruhin na wala siyang kakalabanin.   Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan kaya naman agad akong nagtungo sa main entrance ng Ehrenberg Mountain para hintayin siya.   “Bakit ba hindi mo na lang siya hintayin sa mansion?” tanong ni Zeri na siyang kasama ko dito.   Bakas ang antok sa kanyang mga mata at ilang beses na din siyang naghihikab ngunit dahil nagpilit akong dito maghintay sa labas ay wala siyang nagawa kundi labanan ang kanyang antok para lamang samahan ako dito sa paghihintay ko kay Xan.   “Ganoon ba ka-accurate ang kabang nararamdaman mo para masabi na may hindi magandang nangyari sa kanya?”   Bumuntong hininga ako tsaka bumaling sa kanya. “Sa totoo lang, ito ang unang beses na kinabahan ako sa trabaho ni Xan,” sabi ko. “At hindi ko alam kung paano ipapaliwanag itong kabang nararamdaman ko kaya mas pinili ko na lang na dito maghintay nang sa gayon ay mabawas-bawasan ito dahil lalo lang akong babalutin ng kaba kung mananatili ako sa loob ng mansyon.”   Hinawakan niya ang kamay ko pagkuwa’y bahagya akong hinila palapit sa kanya nang sa gayon ay mayakap niya ako.   “What do you think you are doing?”   “I am hugging you,” aniya. “Malamig dito sa labas at masyado pang manipis iyang suot mong damit kaya mas mabuti na itong may nakabalot sa iyong maiinit na bisig.”   Bahagya akong natawa sa sinabi niya. “Para-paraan ka, huh.”   “Hindi ah,” tanggi niya. “I am your protector so it is only natural for me to protect you from feeling cold.”   Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siya na yakapin ako. Inihilig ko pa ang ulo ko sa dibdib niya at pinakinggan ang t***k ng puso niya.   Well, alam ko naman na paraan niya din ito para pakalmahin ako lalo na’t hindi ako mapakali hangga’t hindi nakikita si Xan.   “Mukhang nag-enjoy ka,” sita niya. “Okay na ba ang pakiramdam mo? Kinakabahan ka pa din?”   “Medyo na lang,” sagot ko. “Pero hindi ko pa din maiiwasan na kabahan hangga’t hindi nakikita si Xan.”   “I know,” aniya. “But you have to keep yourself calm and don’t think too much. Sabi mo nga, si Xan ang second general ni Emperor Kei kaya dapat ay pinagkakatiwalaan mo pa din siya.”   “Matagal na panahon din siyang na-stuck sa harap ng mesa niya kaya wala akong kasiguraduhan kung ganoon pa din ang kakayahan niya sa trabahong ganito.”   “You are hurting me, Heydrich.”   Bahagya kong inilayo ang ulo ko kay Zeri at bumaling sa pinanggalingan ng boses ni Xan.   At nakita ko siyang balot ng itim na kasuotan. Mayroon din siyang itim na bonet na tingin ko ay may kasama ng maskara nang sa gayon ay maitago niya ang kanyang pagkakakilanlan habang pumupuslit siya sa loob ng palasyo.   “Hindi ko naman pinababayaan ang sarili ko kahit na madalas akong nakatengga sa mesa ko,” aniya at tuluyang lumapit sa amin. “I still possess the skills and ability I have before and I always improve it. Isa pa, sa tingin mo ba ay tatagal ako sa tagal ng panahong ito kung hindi ako madalas pumuslit sa iba’t-ibang parte ng bansa para makakuha ng mga impormasyong kailangan ko?”   “Well, I am just worried.” Binitawan na ako ni Zeri kaya nilapitan ko na si Xan. “So? Did you get anything important?”   “Kind of.” Naupo siya sa unang baitang ng hagdan na mayroon dito sa kinatatayuan namin. “Totoo naman ang sinasabi ni Greeny tungkol sa mga bampirang nakakulong sa ilalim ng palasyo. But in my opinion, we have to let them stay there.”   Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”   “They are rogue vampires, Heydrich,” aniya. “You know how dangerous they are, right? We can’t let them go because they will only cause so much trouble, not only for us, but to the whole country.”   Rogue vampire. Ang ikaapat na classification ng isang bampira. Ang pinakamababa sa lahi namin at pinakadelikado, hindi lamang sa aming mga bampira kundi maging sa mga mortal.   Sila iyong mga bampira na walang kakayahang kontrolin ang kanilang sarili at basta na lamang aatake ng sinumang makita upang inumin ang dugo nito.   Lason para sa aming mga bampira ang kanilang mga dugo. Agad na ikakamatay ng mga monarch at elite vampire kung sakaling makainom sila ng dugo na galing sa isang rogue vampire.   Habang ang tulad kong half-blood ay may kaunting resistance pa sa kanilang dugo pero mayroon pa din itong hindi magandang epekto.   And for the mortal who will get bit by this kind of vampire will guarantee to turn into a rogue vampire too.   Noon ay gumagamit lamang si Papa Kelliar ng kanyang kapangyarihan upang mapasunod ang mga ito at mapanatiling kalmado.   Pero ngayon na wala na si Papa Kelliar, maging ang kapangyarihan niya ay hindi nga namin maaaring hayaan na makalabas ang mga iyon.   “But--”   “Yes, they are still our kind,” ani Xan bago pa ako makapagsalita. “Pero hangga’t wala tayong naiisip na paraan kung paano sila mare-restrain sa pagkauhaw nila sa dugo oras na pakawalan natin sila doon ay hindi tayo pwedeng kumilos. Hindi natin sila pwedeng pakawalan doon.”   I know. He is right at hindi ko naman siya kinokontra doon.   Pero hindi din naman niya siguro ako masisisi kung gustuhin kong iligtas ang mga iyon sa dinadanas nila sa kamay ng mga Shiann.   Like what he said, they are still our kind. Bampira pa din sila na tulad namin kahit pa isa lamang silang mga rogue at hindi nila deserve ang nangyayari sa kanila.   But like what he also said, what can we do?   Maililigtas ko nga sila pero sila naman ang posible na maging dahilan ng pagkakagulo sa bansa kapag hindi namin napigilan ang pagkauhaw nila sa dugo. O kung hindi man ay baka ipa-hunting sila ng mga Shiann na lalo lamang magdadagdag ng kanilang pagdudusa sa mga kamay nito.   Ipinatong ni Zeri ang kanyang kamay sa aking ulo. “If you really want to save them, you have to think of other ways to control their blood lust.”   Bumaling ako sa kanya.   “Pero sana ay siguraduhin mo na kung anuman ang paraan na maiisip mo ay hindi na magbibigay ng dagdag na pagdurusa sa kanila,” dagdag niya. “Because letting them go without a proper way is actually useless so think carefully before doing anything, okay?”   Bumuntong hininga na lamang ako at tumango.   Pareho naman kasi silang tama kaya ano pa ba ang magagawa ko. I just have to think of a way to save and control their bloodlust so that they will have a better life ahead of them when they finally get out of that prison.   But…   What should I do to achieve that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD