Chapter 42

1199 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   I was actually planning to avoid Greeny once I get inside our classroom pero mabilis niya akong in-ambush sa labas ng gate ng school namin.   Mukhang alam niya ang gagawin ko kaya dito palang ay hinintay na niya ako nang sa gayon ay masiguro niyang hindi ako makakalayo sa kanya.   Pero hindi ko na iyon magagawa lalo na ngayong naka-angkla na ang kanyang mga kamay sa braso ko habang tinatahak namin ang hagdan papunta sa fourth floor ng main building kung nasaan ang room namin.   “Hanggang kailan mo ako plano na hawakan?”   “Siguro ay hanggang sa sabihin mo na sa akin ang desisyon mo tungkol sa sinabi ko kahapon,” aniya. “I don’t have much time so I really need your answer within this day.”   Nakikita ko ang determinasyon sa kanyang mga mata na iligtas ang mga bampira na iyon. At nakikita ko din ang kanyang sinseridad at malasakit para sa mga ito.   And it made me actually feel guilty because even though we want to help her and her friends, we can’t. Our hands are tied on all the consequences that may happen if we let them go.   Kahit naman ako ay gusto ding pakawalan ang mga iyon dahil kauri ko pa din sila. Mga mortal na naging rogue vampire dahil sa mga elite at common vampire na nawalan ng kontrol sa kanilang sarili at basta na lamang nang-atake at nangagat.   Puro tulad nga ng sinabi ni Zeri kagabi, hindi namin sila maaaring itakas sa palasyo at pakawalan hangga’t wala kaming naiisip na paraan upang makontrol nila ang kanilang pagkauhaw sa dugo.   Bumuntong hininga ako. “Let’s talk later after lunch. I will give you the answer that you need.”   Natigilan siya at napabitaw sa akin. “Seryoso?”   Tumango ako at hindi na nag-abala pang tingnan siya. Baka lalo lang akong ma-guilty kapag napatingin pa ako sa mga mata niya.   “Great.” Bakas ang tuwa sa kanyang boses. “Ngayon palang ay magte-thank you na ako.”   Hindi na ako nagsalita pa at naglakad nang muli nang hindi pa din tumitingin sa kanya.   I don’t really know why she has this kind of effect on me but I won’t let any Shiann become too close to me.    Kahit pa sabihin na umalis na siya sa sinumpang angkang iyon, hindi niya maipagkakaila na ang dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat ay ang dugo ng mga makasalanang mortal na umubos sa mga kalahi at pamilya ko. Ang mga mortal na pumatay sa lalaking pinakamamahal ko at naging dahilan ng pagdurusa ng anak ko.   Nang makapasok ako sa loob ng classroom namin ay agad akong sinalubong ni Zeri.   Nauna siya sa akin dito dahil may mga pinagawa sa kanya si Xan na ilang araw din daw magli-leave sa trabaho para mag-imbestiga pa tungkol sa mga rogue na nasa ilalim ng palasyo.   Si Xan actually ang nag-suggest noon.   At hindi iyon para pakawalan ang mga ito.   Gagawin lang niya ang mga susunod na imbestigasyon upang malaman kung ang mga rogue vampire na iyon ay nabuhay sa panahon namin o mga bagong bampira lang ito na gawa ng mga namumuno sa palasyo.   If it is the first, I think we could get some information about Papa Kelliar since he is the leader of the Rogue Community. But if it is the latter, then we have to do something about the Shiann Clan and learn more about how they manage to turn a mortal into a rogue vampire.   So, this one is really dangerous for us and actually could destroy the normal life that I am striving for.   “Did you tell her already?” I think he is referring to Greeny.   I shook my head. “Masyadong maraming tao kaming kasabay kanina kaya sinabihan ko nalang siya na kakausapin ko siya later.”   “Talagang patatagalin mo pa hanggang mamaya?”   Bumuntong hininga ako. “I don’t have any choice, okay? Besides, telling her all of that is like saying to her that I am actually a vampire. So you have to come with me to make sure that she will not do anything stupid things. Maikli ang pasensya ko sa mga mortal na masyadong tanga.”   Napailing siya. “You are being mean, Heyd.”   “I don’t like being like this too,” sabi ko. “And you know that I am not really like this but things right now involving that woman are getting things out of our control. Isang maling desisyon ko lang ay muli na namang sisiklab ang gulo sa bansang ito na ayoko namang mangyari kahit pa galit ako sa kasalukuyang namumuno dito.”   Napakamot siya ng ulo pagkuwa’y bumuntong hininga. “Fine. Huwag na nga nating pag-usapan iyan dito . Nauubos ang pasensya mo eh.”   Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko tsaka hinarap siya. “Sorry din. It's just that, something in that woman feels familiar and I don’t like it because of the fact that she is a Shiann. Ayokong i-disregard ang feelings ni Hei just because I feel some familiarity with this Greeny.”   “Well, Greeny is actually a nice person but since Hei really suffers from the hands of her clan, forgiving them is not really an option.” Muli siyang bumuntong hininga. “Hindi ko naman iyan maku-kwestyon dahil kahit pa sabihin na ilang libong taon na ang lumipas, siya at siya pa din ang nakaranas ng lahat ng iyon at hindi lang basta past life niya.”   Yeah, if Hei was just a reincarnation of someone who manage to regain her memories from her past life, baka sakaling ako pa ang pumilit sa kanya na patawarin na lang ang mga Shiann.   But that is not the case so I cannot do that nor become close to any of them without her knowing because it will look like I am not thinking of my daughter’s suffering at their hands.   “Let’s just get over this after lunch,” sabi ko. “And after that, pwede na akong mag-proceed sa normal na buhay bilang isang simpleng college student.”   Mahina siyang tumawa na ikinakunot ng noo ko.   “At ano ang nakakatawa?”   Umiling siya. “I was just wondering if you really fated to have a normal life despite having the power, influence and attitude you have.”   Lalo akong napakunot ng noo. “What do you mean?”   Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat. “What I am trying to say is that, as long as you stay in this life, you know, stay being the Heydrich Ehrenberg… I don’t really think that you will have the normal life you want.”   Tinaasan ko siya ng kilay. “At paano mo naman nasabi iyan?”   “Because it is your fate.”   Natigilan ako sa sinabi niya.   “As long as you are the Heydrich Ehrenberg, the half-blood vampire, trouble between mortals and vampires will always come in your way,” aniya. “You should know that by now after all the things that keep happening in your life ever since you decided to accept your vampire blood.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD