Chapter 17

1026 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov “Just like what Dad said before,” sabi ko Hei habang nakatingin sa akin. “You don’t really like someone treating you like a royal even though you were once a high ranking general and the most powerful vampire.”   “Well, halos lumaki ako sa ospital at lahat ng nandoon ay pantay-pantay na tinatrato ng mga nurse at doctor kaya iyon ang nakasanayan ko,” paliwanag ko. “Besides, pareho ko lang namang makukuha ang mga bagay na gusto ko kung magiging mataas ako sa mga nasa paligid ko o magiging pantay ang tingin ko sa kanila.”   Kumunot ang noo niya. “Pareho?”   Tumango ako. “I can have their loyalty. Anuman ang maging trato ko sa kanila, iyon ang isang bagay na hinding-hindi nila babawiin. Masarap lang din sa pakiramdam na maging kaibigan mo iyong mga taong alam mong loyal sa iyo.”   “Oh.” Tumangu-tango siya. “Just like what Dad did before. HIndi lang niya simpleng heneral ang mga nakakasama niya kundi kaibigan din kaya handa ang mga ito na gawin ang anumang nararapat para sa kaligtasan niya at ng bansang pinamumunuan niya.”   “He is also their master kaya ganoon kalalim ang tiwala na mayroon sila sa isa’t-isa,” dagdag ko pa.   Napatingin siya sa kabilang kamay na hindi ko hawak. “Then, that must be the reason why I never became happy when I turned my first servant.”   “Because you treat them as your servant and not as your friend?”   Tumango siya. “I was always wondering why Dad is so comfortable around his servants and why his servants are casually talking to him, especially if their topic is not related to their work.” Kinuyom niya ang kanyang kamao. “It should start on how the master treated the servant and not the other way around.”   “Of course!” Pinitik ko ang noo niya na ikinangiwi niya. “Hindi ba iyan itinuro sa iyo ni Kei?”   Umiling siya habang hawak ang kanyang noong namumula. “Hindi din ako nagtatanong dahil alam kong masyado siyang abala sa mga trabaho niya,” sagot niya. “The only thing that I can do is to observe Ara whenever she turns someone into a vampire.”   “Na halata namang hindi nakatulong dahil base sa mga nakita ko sa alaala ni Xan ay hindi marunong makipagkaibigan ang batang iyon.”   Hindi madalas makihalubilo ang anak ni Kei sa ibang tao.   Kung magpapakita man ito sa iba ay sa mga pormal na pagtitipon lamang kaya kahit kailan ay hindi ito pinagsuspetsahan ni Kei na siyang nagsisimula ng gulo sa buong Valier.   At nakita ko din sa alaala ni Xan na ang mga tagasilbi nito ay laging nakayuko sa tuwing kasama ito na senyales na pinaiiral niya ang kanyang awtoridad bilang master kaysa bilang kaibigan.   But something is actually bothering me.   May kamukha kasi ang anak na iyon ni Xan pero hindi ko mapagtanto kung sino dahil masyado pa itong bata sa mga alaala ni Xan.   Kahit sa alaala ni Hei ay nasa labing tatlong taon pa ito kaya hindi ko pa masabi kung sino nga ba ang kamukha nito.   “Anyway,” putol ko sa topic naming iyon dahil hindi na maganda ang nakikita kong ekspresyon ng batang ito. “Pumunta na tayo sa office ni Xan nang sa gayon ay malaman na natin kung ano ang gagawin mo.”   Ako na ang humila sa kanya at dali-dali kaming tumakbo para habulin ni Zeri. Hindi din naman kasi pwedeng hindi ko mapitik ang noo ng lalaking iyon lalo na’t sinabihan ko siyang huwag akong tatawaging ng ‘my lady’ na iyan at naaalibadbaran ako.   Pero dahil mapang-asar ay talagang sinadya niyang sabihin iyon.   “Ka-kailangan ba talaga nating tumakbo?” tanong ni Hei. “Pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante dito.”   Ngumiti ako. “Hindi nila tayo tinitingnan dahil tumatakbo tayo.”   “Huh?” Kumunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin?”   Tumigil ako sa pagtakbo at bumaling sa kanya. “Nakalimutan mo ba?”   Lalo siyang napakunot noo. “Ang alin?”   Bumuntong hininga ako.   Hindi ko alam kung nakalimutan na niya o kung pababasehan ko sa kanyang alaala ay hindi talaga naituro sa kanya ang bagay na ito.   “Ano nga iyon?”   “Our appearance,” sabi ko. “Vampire...” Ibinulong ko lang ang salitang iyon dahil may mga mortal na sa paligid na nakatingin sa amin. “...have this beautiful appearance that can’t resist by a mere mortal. Sa mga mata nila, masyadong malakas ang karisma natin kaya hindi nila napipigil na mapatingin sa atin. And right now, they are all thinking that we are the most beautiful women they have ever seen in their whole life.”   “You are joking, right?”   Umiling ako. “That’s the truth. Kaya nga noong panahon ng tatay mo ay marami siyang tagahangang mortal.”   Muli ko na siyang hinila at nagpatuloy na sa paglalakad.   Tinigilan ko na muna ang paghabol kay Zeri dahil marami-rami ng estudyante ang nakatambay sa hallway at baka makabangga pa kami.   “Isa iyan sa ginagamit na advantage ng lahi natin noong panahong nag-e-exist pa sila para sa sarili nilang kaligayahan,” sabi ko. “Tulad ni Xan.”   “Ah, kaya pala ganoon na lang kadami ang nagkakagusto sa akin noong high school at college na isa sa naging dahilan ng paghihirap ko.” Naikuyom niya ang kamao sa inis. “Na hindi ko naman pinaniwalaan dahil noong mortal ako ay wala halos may gustong umampon sa akin. Iniisip ko na pinagtitripan lang nila ako.”   “Well, they sincerely like you but most of them are just because of your beauty,” paliwanag ko. “Siguro ay mayroon din sa kanila ang nagkagusto sa iyo dahil anak ka ni Kei. But I think, mayroon din namang talagang nagustuhan ka because of your own personality. Just like Kei.”   “Not that it matters anymore,” aniya. “Wala na ako sa panahong iyon kaya wala na ding saysay para balikan ko pa iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD