Chapter 18

1091 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Nang makarating kami sa office ni Xan ay naroon na din si Zeri na naghihintay sa amin.   Kinawayan pa niya kami at itinuro si Xan na abala pa sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone kaya naman sa kanya na kami unang lumapit.   At iniisip niya siguro na wala na akong gagawin sa kanya kaya hindi na siya nag-abala pang umiwas sa akin na ginamit kong pagkakataon para pitikin ang kanyang noo.   “Oh s**t!” mahina niyang mura habang sapo ang kanyang noo. Well, aminado akong nilakasan ko iyon pero alam ko naman na makakayanan niyang tiisin iyon. “Damn it.”   “Sabi ko sa iyo, huwag kang magpapahuli eh.” Tinawanan ko nalang siya tsaka tumayo sa harap ng mesa ni Xan.   At nang makita ako nito ay agad siyang nagpaalam sa kausap at itinuon na sa akin ang atensyon. “Akala ko ba ay maglilibot kayo sa buong Sierra City?”   “Dito kami dinala ni Zeri,” sabi ko at tinuro si Zeri na nakaupo na sa sahig habang sapo pa din ang noo.   Inaalo siya ni Hei na hinihimas din ang noo dahil sa pikit na ginawa ko dito kanina.   “Anyway, as per my original plan, I want to enroll here.” Hinila ko ang isang upuan sa gilid at dinala iyon sa mismong harap ng mesa ni Xan pagkuwa’y naupo dito. “Plano ko din sanang i-enroll dito si Hei pero ang sabi niya ay ayaw na niyang bumalik sa college kaya naisip ko na baka mayroon kang hiring for staff na maaari niyang pasukin.”   “Mayroon naman,” sabi niya tsaka bumaling kay Hei. “Pero kung pagbabasehan ko ang attitude ng batang iyan, hindi babagay sa kanya ang maging teacher dito.”   “What about a physical education teacher?” tanong ko. “Or some sports club coach?”   “Oy,” alma ni Hei. “Hindi ba masyadong malaking responsibilidad iyang trabahong plano nyong ibigay sa akin?”   “You don’t like responsibility?” tanong ko tsaka bumaling sa kanya. “You should learn that by now, right?”   Umiling siya. “That is not what I meant,” aniya. “Na-train naman ako ni Dad na humawak ng responsibilidad pero mga kapwa ko bampira ang kasama ko. Pero iyang ibibigay nyo sa akin ay mortal na teenager pa.”   “Kung tama ang inisiip ko…” Bumaling sa akin si Xan. “Ang gusto mong trabaho para kay Hei ay iyong hindi siya masyadong mae-expose sa maraming mortal. Tama ba ako?”   Tumango ako. “Kung magiging teacher siya, ang makakaharap niya lang ay iilang estudyante sa bawat period na kanyang hahawakan. Ganoon din kung magiging coach siya. Tanging club members lang ang makakasama niya. At hindi pa siya required na laging magpakita sa kanila.”   “M-may point ka…” ani Hei. “Pero--”   “Kung gusto mo ay maging secretary ka nalang ni Xan,”   “No!” mabilis na alma niya na tinawanan ko. “I am fine with being a PE teacher or club coach.”   Napasimangot naman sa akin si Xan na tingin ko ay alam ang dahilan ng mabilis na pagtanggi ni Hei na maging secretary niya.   Hindi pa din naman kasi nagbabago ang ugali ni Xan. Kung ano siya noong nakilala ko ay ganoon pa din siya hanggang ngayon.   A womanizer.   At gabi-gabi pa din siya kung mag-uwi ng babae sa bahay niya at siguro ay pareho ang iniisip namin ni Hei na maging ang mga staff ni Xan ay hindi din niya pinapalagpas.   Napailing nalang siya pagkuwa’y mayroong kinuhang mga papel at iniabot iyon sa amin ni Hei. “Fill this up.”   Ang akin ay registration form na kailangan kong fill-up-an para makapag-enroll na ako as student. Habang ang kay Hei ay application form na kailangan niyang fill-up-an para ma-hire na siya officially as the new physical education teacher.   “Hope, if possible, don’t introduce yourself as Hope Ehrenberg,” sabi ni Xan habang sinusulatan ko na ang form.   “Why?”   “Well, kilala ang Hope Ehrenberg bilang founder ng kapayapaan ng bansang ito at ang alam ng lahat ay matagal na panahon na itong nabuhay,” paliwanag niya. “Kaya mahaba-haba pang paliwanagan kapag iyan ang ipinakilala mo sa kanila.”   Well, naisip ko na din naman iyon dahil nabasa ko sa mga libro na nasa bahay na ang pagkakakilala sa akin ng mga mortal ay Hope Ehrenberg. Habang ang buong pangalan ko naman ay hindi kailanman nabanggit so I can still use that one.   At hindi ko alam ang plano ng mga Shiann pero kailanman ay hindi nila idineklarang ubos na ang lahi ng mga Ehrenberg kaya malaya ko pa ding magagamit ang apelyido ng angkan ko.   “Okay,” sagot ko. “I am fine with Heydrich.”   “Hei, you can’t use Sierra as your surname,” sabi naman niya kay Hei.   Iyon naman ang kaso ng mga Sierra. Tuluyan nang pinalabas ng mga Shiann ang pagkaubos ng mga Sierra upang tuluyan na din nilang makuha ang pamamahala sa buong bansa nang walang kumekwestiyon.   “Ehrenberg na ang gamitin mo,” sabi ko. “And as for our relationship, we can say that we are sisters or cousins. We can say that we were born abroad and decided to go here and stay for good to take care of our family’s properties.”   “Aside from that form, ako na ang bahala sa iba,” sabi pa ni Xan. “I just need something that I can show to the other teachers where they can base it on your profile.”   Ibinigay ko na ang form ko kay Xan pagkuwa’y tumayo. “Then, please take care of it as soon as possible.”   Ngumiti siya. “Of course.” Kinuha na din niya ang form ni Hei na kakatapos lang ding masulatan at pirmahan. “Sasabihan ko nalang kayo kung kailan kayo papasok.”   Tumango ako. “Anyway.” Tinitigan ko siya na ikinakunot ng noo niya.   “Why?”   “Two thousand years had passed but you never decided to have a family on your own?” tanong ko.   “Oh.” Ngumiti siya at umiling. “Hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyan. Siguro ay dahil wala akong nakilala na siyang magpapatibok talaga ng puso ko. You know, most of the women I met all selfishly want my body and not my heart.”   Napangisi ako. “So, Mister womanizer is actually a romantic one.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD