Chapter 19

1120 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov “So, Mister womanizer is actually a romantic one.”   Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon kahit pa mayroon akong mga bagay na nakita sa kanyang alaala.   “I still believe in love, Hope,” aniya. “At iyan ang isang bagay na hindi pa dumating sa akin sa loob ng mahabang panahon.”   “And I assume that you are still waiting?”   Tumango siya. “I have all the time in the world, after all. Hindi ko kailangan na magmadali para magkaroon ng pamilya.”   “Then, I have one last question,” sabi ko. “If you will find that one true love of yours, will you turn her into a vampire so you could be with her forever? Or you will give up your immortality to spend the remaining life of yours on her?”   Natigilan siya ngunit ilang sandali ay napailing nalang siya at natawa. “As if there is a way to give up being a vampire.”   “There is.” Sa pagkakataong ito ay seryoso ko siyang tinitigan upang ipakita na seryoso ang mga sinasabi ko.   Muli siyang natigilan at tinitigan ako. “Y-you are joking, right?”   Umiling ako. “I am serious.”   “Is that true?” tanong ni Hei. “May paraan para maging mortal muli?”   “Yes,” sagot ko.   Kaya nga sinasabi ni Kei noon na ako ang maaaring maging kaligtasan at katapusan ng lahi ng bampira.   Hindi lang iyon isang statement na walang basehan. Mayroong malaking dahilan kung bakit nasabi iyon ni Kei at pinaniniwalaan ng nakatatanda.   At kaya ganoon na lang ang takot at paggalang nila sa akin noon.   Dahil isa ako sa pag-asa at sumpa para sa lahi namin.   “So? Can you answer my last question, Xan?”   Makailang beses siyang lumunok. Mukhang nahihirapan din sa kanyang pipiliin dahil isa nga naman itong pagkakataon upang tuluyan na siyang makatakas sa responsibilidad na kanyang pinapasan na iniatas sa kanya.   Bumuntong hininga ako. “Fine. You don--”   “I will never give up what I am right now,” sabi ni Xan bago ko pa matapos ang sasabihin ko. “And I am not saying this because of the responsibility and request that Kei told me. I want to stay as I am.”   “But what if you find your true love?” tanong ni Hei.   Dahan-dahan siyang ngumiti. “Kung true love nga iyon, tatanggapin niya kung ano talaga ako. At ibibigay ko sa kanya ang desisyon kung nanaisin niyang maging bampira o manatiling mortal.”   Tinitigan ko na lamang siya pagkuwa’y muling bumuntong hininga at walang salitang sinabi nang tumalikod ako tsaka lumabas ng office niya.   Sigurado akong alam ni Xan na alam ko na ang lahat. Pero pinili pa din niyang huwag magsalita sa akin kaya hindi ko na siya pipilitin pa.   Kung ito talaga ang desisyon niya ay wala naman akong magagawa.   “Heydrich,” tawag sa akin ni Zeri na nakasunod na pala agad kasama si Hei. “A-anong ibig sabihin noon?” tanong niya nang tuluyang makalapit sa akin. “Bakit mo tinanong ni Xan ng mga bagay na iyon na para bang sobrang importante ng kanyang magiging sagot?”   “Naalala mo noong tinikman ko ang dugo niya, hindi ba?” tanong ko na agad niyang tinanguan.   “Para makita mo ang alaala niya tungkol sa mga nangyari noon kay Kei,” aniya. “Ano naman ang kinalaman noon?”   “There is something in his memory that caught my attention,” sabi ko. “Something about his relationship with a mortal woman.”   “A normal relationship?” tanong ni Hei. “Like what he always has with every woman he brought to his room?”   Umiling ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “Not a normal relationship but a serious one.”   Kita ko ang pagkabigla sa mga mata nila and I can’t blame them for that.   We always know Xan as a womanizer so he never enters any serious relationship with any woman.   Pero nakita ko sa mga alaala niya na mayroong picture ng isang babaeng nakatalikod ang gabi-gabi niyang pinagmamasdan.   Hindi ko man ramdam ang nararamdaman niya sa memoryang nakita ko, hindi ko man alam ang iniisip niya habang nakatingin sa babaeng iyon pero nakasisiguro kong labis ang saya niya sa tuwing nakikita ito.   “Did you know her?” tanong pa ni Hei. “I mean, you saw his memories right? So, you saw her face.”   Umiling ako. “Hindi ko alam kung sino sa mga babaeng nakakaharap niya ang babae sa picture na lagi niyang tinitingnan.”   “Then, they are still not in a relationship,” sabi ni Zeri. “But that doesn’t change the face that our Xan is in love with this woman.”   “Iyan nga ang punto ko kaya tinanong ko siya noon,” sabi ko. “Iniisip ko na marahil ay kaya ayaw niyang mapalapit sa babaeng iyon dahil isa siyang bampira habang mortal naman iyon.”   “You are giving him a chance to become a normal mortal so he could be with the woman he loves,” ani Hei na tinanguan ko.   Noon pa man ay malaki na ang naitulong sa akin ni Xan at hanggang ngayon ay pinili pa din niyang manatiling buhay para lamang salubungin ang paggising ko.   He waited for me even though all of his friends and comrades started to die right before his eyes.   He is also suffering and I want him to take all of the pain by granting him something for him.   But he still refuses and decides to stay as a vampire even though his love is a mere mortal.   “Well, it is Xan’s decision after all,” sabi ni Zeri. “Hindi natin siya mapipilit kung ayaw niyang i-give up ang pagiging bampira niya para lang makasama ang babaeng mahal niya. And I guess, may point din naman siya. Kung talagang true love nga ang babaeng iyon, tatanggapin nito ang pagkatao niya kahit ano pa ang mangyari.”   “But love is also about making a sacrifice,” sabi ko.   “Hindi lahat ng tungkol sa love ay puro pagsasakripisyo lang,” giit niya. “It comes with a different way to show it to someone. Acceptance, sacrifices, selflessness and many more. As long as you truly love someone, your way doesn't actually not matter.”   “Please don’t talk about my love life as if I can’t hear you.”   Natigilan ako at doon ko lang napansin na nandito pa pala kami sa labas ng office ni Xan at nakabukas pa ang pintuan nito kaya dinig na dinig niya ang lahat ng napag-usapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD