Chapter 24

1145 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Do I have to introduce myself to you, Mister?” tanong ko sa lalaking ngayon ay nakatayo sa ibabaw ng railing ng balkonahe dito sa kwarto na inookupahan namin sa ika-tatlumpung palapag ng Shiann Tower. “Or maybe you should introduce yourself first because you suddenly appear on my balcony as if you are a thief.”   “My name doesn’t really matter,” aniya. “And I am just here because I want to know my master’s well being.”   Kumunot ang noo ko. “Master?”   Tumango siya pagkuwa’y bumaba na sa railing ng balkonahe tsaka iniluhod ang isang tuhod at yumuko sa harap ko. “It is an honor to meet you, Lady Heydrich of Ehrenberg. I heard so many great things about you. It is also an honor for me to meet the mother of my master.”   I know him.   Kaeya Flora. He is part of the Shiann Clan. One of their first born that they sacrificed to Hei so that they will escape the curse placed upon them. Isa siya sa mga batang nagdesisyon na hindi sumama kay Ara at manatili sa tabi ni Hei upang pagsilbihan ito.   And from what I smelled from him, he is already a vampire. But I am sure that Hei was not the one who turned him into a vampire. He just entered a certain spell contract with Hei that made them have a master-servant relationship without forming a blood contract.   Spell contract is only bound by a magical spell and it is created by a vampire’s magical ability. It only lasts for one thousand years and can only be done one time. Limitado lang din ang mga utos na maaaring ipilit na sundin ng servant kaya bihira ang gumagamit nito noong panahong buhay pa ang buong lahi ng mga bampira.   Blood contract is bond by both blood of those who will enter the contract. It is much stronger than the spell contract and this will last forever that only death can break this contract. At sa kontrata na ito, walang magagawa ang tagasilbi kundi ang sundin ang utos ng kanyang master kahit pa mali na ito sa kanyang paningin.   “Hei is fine with me,” sabi ko. “But if you still have something to say to her, I could leave the two of you alone.”   “I appreciate it, Lady Heydrich.”   “Tell her that I will stay with Zeri for tonight.” Tinalikuran ko na siya. “Just make sure that no matter what happens here, you will protect her.”   “I will,” aniya. “Matagal ko ng pinangako sa sarili ko na poprotektahan ko siya kahit na anong mangyari kaya makakaasa ka sa bagay na iyon.”   Ngumiti ako. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya kung kaligtasan lang naman ni Hei ang pag-uusapan.   Nakita ko kasi sa alaala ni Hei kung paano siya inalagaan nito kahit pa siya ang dahilan kung bakit ito isinakripisyo at inabandona ng sariling pamilya. Maliban pa doon, nakita ko din ang labis na pagmamahal sa mga mata ng lalaking ito.   Iniwan ko na sila sa kwartong iyon at tinahak ang daan patungo sa kwarto kung nasaan si Zeri.   Iyon lang kasi ang lugar na maaari kong tambayan ngayon habang nag-uusap ang dalawa dahil nadinig ko sa receptionist ng hotel kanina na fully book na ang lahat ng kwarto sa tower na ito.   Nang marating ko ang kwartong kinalalagyan ni Zeri ay hindi na ako nag-abala pang kumatok. Binuksan ko na iyon gamit ang extra key na ibinigay niya sa akin kanina at pumasok dito.   Plano ko lang namang matulog na muna dahil napagod din ako kakalakad kanila kaya sa direksyon ng kama na ako dumeretso.   Ngunit bago pa man ako makalapit doon ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng shower room kaya napalingon ako doon.   At nakita ko si Zeri.   “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang pinupunasan ang kanyang buhok. “May nangyari ba sa kwarto niyo?”   Hindi ako sumagot at nananatili lang na nakatitig sa kanya.   Well, sa leeg niya mismo.   Tanging pantalon lang ang kanyang suot habang wala naman siyan pang-itaas. Nakabuyangyang sa mga mata ko ang kanyang hindi kalakihang katawan ngunit bakas ang matinding training dahil sa mga muscle at abs.   Pero hindi naman ang katawan niya ang umaakit sa akin kundi ang kanyang dugo na gusto kong sipsipin sa kanyang leeg.   Makailang beses akong napalunok at halos hindi ko na nga naririnig kung ano ang sinasabi niya.   Para bang nabibingi ako at ang tanging naririnig ko lang ay ang bilis ng t***k ng puso ko.   Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nakaramdam ng uhaw sa dugo matapos ko siyang makita ngayon ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko.   Agad na akong lumapit sa kanya at agad na hinawakan ang kanyang dalawang balikat. Plano ko sanang kagatin ang kanyang leeg ngunit dahil masyado siyang matangkad sa akin at hanggang dibdib niya lang ako ay ang kanyang kanang dibdib na lang ang kinagat ko.   “H-Heydrich…”   Hindi ako sumagot at sinimulan na lamang na sipsipin ang kanyang dugo at hindi ako makapaniwala na nasasarapan ako sa iniinom ko ngayon.   Damn!   Dalawang libong taon na ang nakakalipas nang huli akong uminom ng dugo. At iniiwasan kong uminom muli nito dahil hindi ako sigurado kung makakayanan ko pa bang kontrolin ang sarili ko kapag muli na akong nakatikim nito.   Aba’y ang huling dugong ininom ko pa naman noon ay galing mismo kay Kei na isang bampira. At ngayong wala na si Kei, mapipilitan akong uminom ng dugo ng tao kapag talagang wala na akong kontrol sa sarili.   And here I am now.   Akala ko ay pipiglas si Zeri sa ginawa kong pagkagat at pagsipsip ng dugo niya dahil bigla ko lang naman siyang inatake ngunit ilang sandali lang ay unti-unti na siyang kumalma hanggang sa niyakap na niya ako at nagpaubaya.   Nang maramdaman kong busog na ako at sapat na ang dugong nainom ko ay agad ko nang inalis ang pagkakabaon ng ngipin ko sa dibdib niya ngunit ipinatong ko pa dito ang ulo ko dahil mahigpit pa ang yakap niya sa akin.    “I am sorry for attacking you like this,” mahina kong sabi. “I didn’t know what happened to me but when I saw your neck, I suddenly had this urge to drink human blood.”   “I understand,” aniya. “Naihanda kami ng mga magulang namin sa ganitong sitwasyon kaya hindi na din ako masyadong nagulat.”   Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”   “The blood that we took when we were still young,” panimula niya. “That was actually a mix of modified blood of you and Emperor Kei.”   Naiangat ko ang ulo ko upang matingnan ang kanyang mukha. “What?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD