Chapter 23

1073 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Matapos naming libutin ang ilang establishments na naka-base sa Shiann Tower, ang pinakamataas na building sa buong Valier Kingdom, nakikita ko kung bakit sikat na sikat ito sa buong bansa at talagang pinupuntahan araw man o gabi. At lahat ng nagpupunta dito ay talagang gumagastos ng malaking halaga upang malibot ang bawat facility na mayroon dito lalo na’t ang buong tower ay hindi talaga basta malilibot kaya kakailanganin talagang kumuha ng kwarto na siyang pagpapahingahan. Sa dami kasi ng tao dito araw-araw ay hindi na maaaring pagpahingahan ang ilang waiting shed na nagkalat sa bawat palapag. “Hindi ko akalain na nakakapagod palang libutin ang tower na ito,” sabi ni Zeri nang maihatid niya kami sa kwarto na para sa amin ni Hei. May sarili siyang silid na nakahiwalay sa amin na nasa ibang floor at doon siya magpapahinga dahil napagdesisyunan na naming dito magpalipas ng magdamag. Sayang din kasi kung hindi namin gagamitin ang mga kwarto na kinuha namin para lang makapaglibot sa loob ng tower na ito. Isa pa, ipagpapatuloy din namin ang paglilibot bukas kaya mas okay na din na dito kami matulog. “Anyway,” sabi ko. “If you need anything, or you suddenly got hungry, don’t hesitate to call for room service, okay?” Tumango siya. “Don’t worry, I won’t hesitate,” aniya. “And of course, if something might happen, don’t hesitate to call my name.” Kumunot ang noo ko. “Bakit bigla mong naisip na may posibleng mangyari sa amin?” “Well, I am sure by this time, nakarating na sa mga Shiann ang tungkol sa pagdating ng dalawang Ehrenberg,” panimula niya. “At sigurado din na mayroon silang kaalaman sa kung ano ang tunay na pagkatao ng mga Ehrenberg so they will probably do something to test what is your real identity.” “Oh.” Tumangu-tango ako. “Hindi nga iyon imposibleng mangyari. So, I will just have to prepare myself.” Bumaling ako kay Hei. “Ikaw din. Kailangan mong mag-ingat kapag dumating sila, okay?” Walang gana itong tumango pagkuwa’y naglakad na papasok ng kwarto namin. Bahagya pa niyang ikinaway ang kanyang kamay na ikinailing ko na lamang. Ibinalik ko ang tingin kay Zeri. “Sige na. Pumunta ka na din sa kwarto mo at magpahinga. Huwag mo ding kalimutang sabihan sina Xan at Whayne ang pagpapalipas natin ng gabi dito.” Tumango siya. “Sige, ako na ang bahala doon.” Ikinaway na niya ang kamay niya kaya agad ko nang isinara ang pinto pagkuwa’y tuluyang pumasok sa kwarto namin. “Not bad,” sabi ni Hei na ngayon ay nakahilata na sa malambot na sofa sa living area. “We should stay here for a while.” “I like that,” sabi ko. “Pero sa mga mangyayari mamaya, tingin ko ay kakailanganin agad nating bumalik sa mansion para paghandaan ang pagbisita natin sa palasyo.” Napangiwi siya. “I will not step foot in that place as long as they are the one that lives there.” “Hei, we are striving for a normal life where we can both live together,” sabi ko. “Kaya isang maliit na sakripisyo lang naman ang kailangan kong gawin mo para hindi iyon mawala sa atin. They may be belong to the clan that makes you and our race suffer pero hindi sila ang mismong gumawa ng mga bagay na iyon, hindi ba? Mga ninuno lang nila kaya mas madali para sa atin kung makikisama tayo.” Galit din naman ako sa mga Shiann dahil sa mga ginawa nila noon pero wala akong planong ibunton sa mga nabubuhay ngayon ang kasalanan ng kanilang mga ninuno. Naiinis man ako at gusto kong gumanti pero laging pumapasok sa isip ko na wala na din namang magbabago kung gagawin ko iyon. Isa pa, makakasira lang din naman kasi sa binubuo naming buhay na magkasama kung magiging masama pa ang tingin sa amin ng mga Shiann. Kaya mas makakabuti sa amin kung makikisama na lang at tuluyan ng isantabi ang mga nangyari sa nakaraan. “Matagal na panahon na ang lumipas, Hei,” sabi ko tsaka hinaplos ang kamay nito. “Alam kong hindi naging madali ang buhay na dinanas mo dahil sa angkang iyon pero matagal ng patay ang mga taong nagpahirap sa iyo at sa buong lahi ng bampira.” Bumuntong hininga siya. “I know that,” aniya. “And I understand your point. Alam kong galit ka din sa angkan na iyon pero isinasantabi mo ang emosyon mo dahil higit mong iniisip ang makakabuti para sa buhay na gusto mo para sa ating dalawa nang magkasama tayo.” “Then--” “Kaya kong makisama,” sabi pa niya. “Pero huwag mo sana akong pilitin na makiharap sa kanila. Hindi man sila ang siyang nagpahirap sa akin, nasa mga ugat pa din nila ang dugo ng taong sumira sa buhay ko kaya hindi mo ako masisisi kung maging sa kanila ay hindi ko kayang humarap dahil talagang mawawalan lang ako ng kontrol sa sarili kong emosyon at bigla na lang silang atakihin.” Napabuntong hininga ako. Well, alam ko naman na hindi magiging madali ang hinihiling ko pero sinubukan ko pa din sa pag-aakalang magagawa niyang makiharap sa mga iyon. But it looks like I am wrong. The wounds in her heart are too deep for me to heal so I will just let her do what she thinks is best for us in this situation. “Fine,” sabi ko pagkuwa’y niyakap siya. “Do what you think is necessary and I will handle the rest, okay?” Tumango siya at yumakap sa akin. “Thanks, mom.” “Why don’t you take a shower first?” Bumitaw ako ng yakap sa kanya. “Para naman masarap ang maging tulog mo.” Tumango siya pagkuwa’y tumayo. “Sige po. Ako na ang mauuna.” Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa loob ng shower room. At ilang sandali lang ay narinig ko na ang paglagaslas ng tubig mula sa shower na nangangahulugang nagsisimula na siyang maligo. Kaya naman tumayo na din ako at nagsimulang maglakad papunta sa balkonahe ng silid na ito. Binuksan ko ang salaming pintuan nito at nakangiting bumaling sa nag-iisang nilalang na nakatayo sa railing ng balkonahe. “Do I have to introduce myself to you, Mister?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD