Chapter 25

1176 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “What did you say?”   “The blood that we took before, it was a mix of your replicated blood and Emperor Kei’s replicated blood,” ulit niya. “Kaya inaasahan na namin na darating ang pagkakataon kung saan magkakaroon ka ng pagnanasa na inumin ang dugo namin.”   “W-why?” tanong ko. “I mean, bakit kinailangan pang haluan ng replicated blood ni Kei ang dugong pinapainom sa inyo?”   “So that you will have the same blood that you had two thousand years ago,” aniya. “Higit kasi iyong makakatulong sa iyo bilang isang half-blood kaysa normal na human blood.”   Well, he is right. Kei’s blood is much better for me to drink than human blood. Iyon talaga ang pipigil sa akin para magkaroon ng biglaang pagkauhaw sa dugo at pagkawala ng kontrol sa sarili.   Iyon kasi ang unang dugo na ininom ko nang magising ako matapos maging bampira.   Kaya nga hangga’t maaari ay iniiwasan ko talagang uminom ng kahit na anong klaseng dugo mula nang magising ako dahil hindi ko pa naman masyadong kabisado ang katawan ko ngayon.   “The replicated blood of yours that we took was to form a master-servant relationship with you,” pagpapatuloy niya. “While the replicated blood of Emperor Kei that was mixed with it was to change our blood into a kind of blood that will fill you up and stop you from sudden hunger when you are not well fed.”   “That was Kei’s idea, right?” Siya lang naman kasi ang mag-iisip ng mga ganoong bagay na may kinalaman sa paggising ko.   Dahil para sa pamilya ko, hangga’t nakakainom ako ng dugo ay walang masamang mangyayari sa akin. Besides, we already have the Andrade clan on our side and maybe they were thinking that their blood will be enough for me not to lose control.   Nagkibit balikat siya. “Hindi naman nila nasabi sa amin kung sino ang nakaisip ng ideyang iyon. Basta sinabi lang nila sa amin na kung kami ang papalarin na makasama ng half-blood ay huwag na kaming magtaka kung bigla nalang kami nitong susugurin para inumin ang dugo namin. Epekto daw iyon ng replicated blood ni Emperor Kei.”   Naalala ko tuloy noon na minsan na din akong naging ganito kaagresibo. Iyon ay noong mga panahong kakagising ko lang matapos kong maging bampira at naisipan kong tumakas sa palasyo kung saan ako nananatili para makipagkita kay Tamara.   At nang makauwi ako ay agad akong pinatawag ni Kei sa office niya, hindi para sermunan kundi para painumin ng kanyang dugo dahil maghapon akong hindi umiinom noon.   At first, sa braso niya lang ako umiinom but when I saw his neck, dali-dali kong inilihis ang kanyang damit, naupo sa kanyang kandungan at agad kinagat ang kanyang leeg.   Bumuntong hininga ako pagkuwa’y dahan-dahan nang bumitaw kay Zeri ng lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin.   “Though, I still need to say sorry.” At doon ko lang muli naalala na wala nga pala siyang pantaas kaya agad na akong nag-iwas ng tingin. “Hindi pa din tama para sa akin na maging ganoon kaagresibo.”   Even though they enter a master-servant relationship with me using a blood contract, being aggressive towards them just because I need their blood is not okay.   And even though they have some abilities that my replicated blood gave to them, they are still human with a fragile body so I need to be careful.   Aside from that, they are direct descendants of Zeldrix, a precious friend I had before, so as much as possible ay gusto kong itrato sila bilang kaibigan kaysa isang taga silbi.   “It will not happen again.”   “No worries,” aniya. “Anyway, bakit ka pala nandito? At nasaan si Hei?”   “Her servant came,” sabi ko tsaka tumalikod na at naupo sa gilid ng kama. “And since we just suddenly took Hei without their knowledge, I thought that it would be best for them to talk alone.”   Nang makita ko ang kanyang t-shirt na nakapatong sa kama ay agad ko iyong kinuha at ibinato sa kanya.   Mukha naman naiintindihan niya ang ipinaparating ko kaya agad niya iyong sinuot pagkuwa’y naupo sa sofa na nasa paanan ng kamang kinauupuan ko.   “Are you planning to stay here tonight?” tanong niya na tinanguan ko.   “Ayoko namang istorbohin ang dalawang iyon dahil siguradong marami silang kailangang pag-usapan.”   Base kasi sa alaala ni Hei, palaging nasa tabi niya ang lalaking iyon pero mula nang magkaisip ito ay tinitigan na niya ang pagkausap niya dito and to be honest, hindi ko alam kung bakit.   Siguro ay nagi-guilty siya dahil kahit inilayo niya ito sa sariling pamilya ay nagpasya pa din itong manatili sa kanyang tabi at pagsilbihan siya.   Mukha naman kasing aware ang mga batang isinakripisyo at inabandona ng mga Shiann ang kasalanan ng pamilyang ito kay Hei kaya hindi nila magawang magalit dito kahit ito ang dahilan kung bakit nawalan sila ng pamilya.   “So, let them stay in that room and I will stay here with you.”   “Okay,” aniya. “I will just sleep here on the sofa.”   Kumunot ang noo ko. “Why?”   Kumunot din ang noo niya. “What do you mean by that? Lalaki ako at babae ka. Lying in bed with each other is not--”   “You are my servant and I am your master,” sabi ko. “We are bonded by a blood contract so there is nothing wrong if we sleep in bed together.” Tinapik ko ang kama. “Kaya dito ka na matulog kaysa magpakahirap ka diyan. Aba’y nakikita mo ba kung gaano ka kalaki kumpara diyan sa sofa?”   Halong hanggang tuhod nga lang niya ang makakahiga sa sofa na iyon habang ang mga paa niya ay nakaladlad na kaya siguradong sasakit lang ang katawan niya kapag doon pa siya natulog.   “Isa pa, wala naman tayong ibang gagawin kundi matulog noh,”   “That is not what I mean.” Napapakamot na lang siya ng ulo.   “That’s enough,” sabi ko. “Just sleep here.” At dahil nag-eenjoy ako na pagtripan siya ay ngumisi ako. “Don’t worry, I won’t bite.” Kinindatan ko pa siya na ikinaiwas na lamang niya ng tingin at ikinapula ng knayang mga pisngi kaya natawa ako. “Kidding aside. Wala talaga akong gagawin sa iyo, okay? Masyado ka pang bata para pagsamantalahan ko.”   At sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang namula ang kanyang pisngi kaya lalo akong natawa.   “Pinagti-tripan mo na ako.” Naupo na din siya sa kabilang gilid ng kama.   “Sorry,” sabi ko tsaka nahiga. “I was just trying to ease this awkward moment. Anyway, good night.”   Pagod na talaga ako at gusto ko nang matulog kaya nang magsabi na din siya ng goodnight ay dahan-dahan ko nang ipinikit ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong hilahin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD