Chapter 22

1063 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Welcome to Shiann Tower.”   Iyan ang bumungad sa amin pagpasok palang namin sa pinakamataas na building sa gitna ng Sierra City.   According to Zeri, hotel talaga ang tower na ito. Pero dahil masyadong mataas ay nagdagdag na din sila ng mga boutiques, restaurants, cinema at iba-iba pang establishments na magbibigay ng extra-entertainment sa mga guest na magche-check in dito.   And yes, kailangan pa naming kumuha ng kwarto bago kami magkaroon ng access sa mga establishment na mayroon dito.   So, inutusan ko na si Zeri na kumuha ng dalawang kwarto at nang makuha ang susi at isang bracelet strapped ay agad na kaming naglibot-libot sa buong hotel.   At doon ko nalaman na mayroon din palang mga casino, theater house, big aquarium, at kung anu-ano pang establishment na hindi ko inaasahang magkakasya sa loob lamang ng isang hotel.   “From what I know before, ipinagbabawal ang mga building na mas mataas pa sa palasyo ng Valier, hindi ba?”    “That was the rule before,” sabi ni Zeri. “Shiann na ang mga namumuno sa bansang ito kaya naman pwede na nilang baliin ang rule na iyon. Besides, sila din naman kasi ang may-ari ng hotel na ito kaya okay lang para sa kanila ang mataasan ang palasyo.”   “Ginagamit nila ang pera at impluwensiya ng mga Sierra para lamang masunod ang mga bagay na nais nilang gawin sa bansang ito,” mahinang sambit ni Hei habang iginagala ang tingin sa paligid. “Ang pera at lupaing pag-aari naman talaga ng mga Sierra.”   Ang mga bampira naman kasi talaga ang nagmamay-ari ng buong Valier. At ang mga Sierra ang natural naming pinuno dahil sila ang direktang galing sa pinakaunang bampira na nabuhay sa mundong ito.   Kaya kung tutuusin ay walang karapatan ang kahit sinong mortal na agawin ang pamumuno sa mga Sierra dahil wala naman silang ambag sa pag-unlad ng bansang ito.   “Basically, magnanakaw ang mga Shiann,” dagdag ko. “Maliban pa doon ay sinamantala din nila ang nangyaring gulo sa iba’t-ibang parte ng bansang ito nang sa gayon ay tuluyan nilang makuha ang pamumuno.”   “At mula noon ay nagpapakasasa na sila sa yamang pag-aari at pinaghirapan ng lahi ng mga bampira.” Napabuntong hininga na lamang si Hei tsaka muling inilibot ang tingin sa paligid. “At mukhang balewala para sa kanila ang pagsasakripisyo na ginagawa nila sa mga unang anak ng bawat pamilya sa angkan nila.”   Inakbayan ko siya. “Kung nagawa nga nilang patayin ang sariling anak dahil lang sa hindi ito sang-ayon sa kagustuhan nila, sa tingin mo ba ay mayroon pang malaking epekto sa kanila ang muling pagsasakripisyo para magpatuloy ang kaligtasan nila?”   Muli nalang siyang bumuntong hininga at hindi na nakasagot sa akin.   Nakakaramdam tuloy ako ng pagsisisi dahil minsan sa buhay ko ay pinanigan ko ang mga mortal at nagdesisyon ako na iligtas sila sa tangkang pang-aalipin sa kanila ni Kresha noon.   I chose a country where both humans and vampires could live equally despite the difference that they have.   Pero tingnan mo nga naman ang naging kapalit ng naging desisyon ko.   I admit that they really did a great job for this country.   Hindi naman kasi nila ito napabayaan at talagang napaunlad ito.   Pero base sa mga impormasyong nakita ko sa alaala ni Xan ay lumakas ang impluwensiya ng mga taga-ibang bansa sa loob ng bansa dahil sa lantarang pakikipagkasundo ng mga Shiann sa iba’t-ibang karatig bansa ng Valier.   Maliban pa doon ay ilan din sa mga mahahalagang lupain ng Valier ay walang pagdadalawang-isip na ibinenta ng mga Shiann sa mga foreign company kaya dumami na din ang mga foreigner na naninirahan dito.   Ang hindi lang nila magawang pakialaman ay ang mga main residence ng pitong angkan ng mga bampira na siyang minsang namumuno sa bansang ito.   Lalo namang hindi din nila masira ang pangalan ng mga Ehrenberg. Siguro ay dahil sa dami ng natulungan ng angkan ko at ang lahat ng iyon ay ipinapasa sa kani-kanilang mga apo kaya hindi nakakalimutan ng mga mamamayan ng Valier ang tungkol sa amin at sa mga nagawa namin para sa bansang ito.   Kaya nga malaya ko pa ding magagamit ang tunay na pangalan at apelyido sa panahong ito.   Isa pa ay may sabi-sabi na may nabubuhay pa ding miyembro ng Ehrenberg Clan na naninirahan sa ibang bansa kaya iniisip ng lahat na hindi pa din kami nauubos, hindi tulad ng ibang angkan.   At wala akong ideya kung totoo iyon o hindi.   Pero sa ngayon ay iyon ang gagamitin naming dahilan upang walang maghinala na ako ay ang Hope Ehrenberg na kinikilala ng lahat na siyang namuno sa pinakamalaking digmaang naganap sa buong Valier.   At kung gaano kaswerte ang mga Ehrenberg ay ganoon naman kamalas ang mga Sierra, Holland, Teiga, Fletcher, Hamish at Harriet dahil sa paglipas ng bawat araw ay unti-unti na silang nabubura sa isip ng mga tao sa panahong ito.   “Let’s just enjoy this day,” sabi ni Zeri. “Alam kong marami kayong isyu tungkol sa kasalukuyang pinuno ng bansang ito pero alam niyo naman na hindi pa ito ang tamang oras para pagtuunan niyo iyon ng pansin.”   “Sorry,” hingi ng paumanhin ni Hei. “I just can’t help it but remember all the things that Shiann did to me, my husband and my father.”   “I understand.” Inakbayan kami ni Zeri. “But like what I said, let’s just enjoy this day because in just a few days, you will start your own normal life in this era.”   Well, may point siya dahil oras na magsimula ang pagpasok namin sa eskwelahan ay malilimitahan na din ang pagkakataon naming makapaggala sa mga ganitong lugar.   Sigurado kasing makakarating agad sa mga Shiann ang tungkol sa amin dahil nga gamit pa din namin ang apelyido ng Ehrenberg.   At kailangan naming ipakita na isa lamang kaming normal na nilalang at hindi isang bampira dahil nakasisiguro akong sa panahong ito ay talagang katatakutan kami.   Tinapik ko ang braso ni Zeri na nakapatong sa balikat ko at agad naman niya iyong inalis. “Let’s go,” aya ko sa kanila. “Libutin na natin ang tower na ito nang makita naman natin kung ano ang ipinagmamalaki ng mga Shiann sa lugar na ito. Na para bang higit itong superior sa kung ano ang mayroon sa Sierra Palace.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD