Chapter 21

1034 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov "You are legally my daughter because my name was written in your adoption papers. Kaya bakit nagulat ka pa din sa sinabi ko?” sambit ko kay Hei na higit yatang nagulat sa mga sinabi ko kanina. Well, iyon ang hindi ko maintindihan sa kanila. They did their best to give their loyalty and love to me so who am I really to not even think about all of that. At sino ba ako sa tingin nila para  hindi ma-appreciate ang mga bagay na ginagawa nila para sa akin. Sa totoo lang, sobra-sobra ang pasasalamant ko sa mga naitutulong nila sa akin. Lalo na kay Xan na halos ilang libong taon ang hinintay para lang masiguro niya na mayroong sasalubong sa akin sa paggising ko. Maging kina Wayne at Zeri na piniling maglingkod sa akin at sa pamilya ko kahit pa ang pinanghahawakan lang naman nila ay ang pangakong binitiwan ng ninuno nilang si Zeldrix. I mean, they could just disregard that promise if they want to. Wala naman kasi silang pinasok na kontrata nang magdesisyon silang maglingkod sa akin kaya anumang oras nila gustuhin ay maaari silang kumawala. But then, they didn't do it. They still choose to serve and protect the Ehrenberg. Kahit pa nililimitahan nito ang ilang bagay sa buhay nila. They still choose me over something or something in their lives. Minsan nga ay iniisip ko kung deserve ko ba kung ano ang ibinibigay nila sa akin eh. Kaya naman para kahit paano ay makabawi ako sa lahat ng iyon ay itinatrato ko sila bilang pamilya ko. At si Hei, aba'y ako ang pinili ni Kei na maging nanay niya. May sira na lang ang ulo ko kung hindi ko pa siya tatanggapin at aalagaan. Hindi siya makasagot. Nagtataas-baba lang ang kanyang mga balikat at mahinang humihikbi kaya bumaling na ako kay Xan.   Posible kasing alam niya ang dahilan nito.   “Well, iniisip niya kasi na hindi mo siya tatanggapin lalo na’t wala ka naman nang ilagay ni Kei ang pangalan mo sa adoption papers niya,” paliwanag ni Xan. “Hindi mo din siya kilala at bigla na lamang siyang sumulpot sa buhay mo kaya nag-aalangan din siyang i-claim sa iyo na anak mo siya.”   “Pero si Kei ang dahilan kung bakit sa tagal ng panahon ay pinili pa din niyang maka-survive, hindi ba?”   Tumango siya. “Ibinilin ni Kei bago ito mamatay na kahit anong mangyari ay kakailanganin niyang mabuhay nang sa gayon ay kapag dumating ang tamang oras ng paggising mo ay magkakaroon kayong dalawa ng pagkakataon na makilala at makasama ang isa’t-isa.”   “And hindi siya nagkamali,” sabi ko. “Besides…” Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Hei at iniharap siya sa akin. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kanyang mga pisngi at iniangat ang kanyang mukha.   Bumungad sa akin ang basa niyang mukha dahil sa luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata niya. Nakakagat-labi din siya upang pigilan ang kanyang paghagulgol.   Dahan-dahan kong pinunasan ang pisngi niya gamit ang mga daliri ko. “You are Kei’s gift for me. A precious gift that I will treasure as long as I am alive. Kung noon ay ikaw ang naging daan upang lagi akong maalala ni Kei, ngayon ay ikaw ang magiging daan para lagi ko siyang maalala.”   “I am not even your real child,” mahina niyang sabi.   “Hindi man ako ang nagluwal sa iyo pero dugo namin ni Kei ang dumadaloy sa katawan mo kaya kahit anong sabihin ng iba, anak ka pa din namin,” sabi ko. “Anak kita, okay?”   Tumango siya kaya naman niyakap ko na siya.   “So?” agaw ni Xan sa atensyon namin. “You better remember that you can’t call yourself mother and daughter whenever you are here in school or in public places.”   “Oh, that’s the downside of being a vampire.” Bumuntong hininga ako. “Mortals will not believe that we are mother and daughter.”   “Yeah,” sabat ni Zeri. “That will create confusion and might report you to the Ministry of Registry to get your whole information.”   “We can call each other’s name if we are in public,” sabi ni Hei pagkuwa’y kumalas ng yakap sa akin. “Pwede ko pa din naman siyang tawaging mommy kapag nasa bahay tayo eh.”   “Then, everything is clear now,” sabi ni Xan. “Just stop pointing your nose on my love life because I am telling you, that is not fun.”   Natawa ako at napailing nalang. “Fine. Kung sino man ang babaeng lagi mong tinititigan, sana lang ay mapansin niya ang feelings mo sa kanya.”   “I doubt that,” natatawa niyang sabi. “She’s too busy handling her own things. Anyway, ituloy niyo na ang paggagala niyo dahil siguradong next week monday ay papapasukin na kayo dito.”   “Okay,” Inakbayan ko nang muli si Hei at hinawakan ang kamay ni Zeri. “Let’s go. Kailangan nating malibot ang buong Sierra City sa buong maghapon na ito.”   I actually feel bad not to wake up early so that I have the chance to help my friends and family. But now that I have these four people that have been waiting for me for a long time, I think the situation that I have right now is not that bad. So I will continue living this life not only for myself but also for them. Well, they deserve it, after all. "Tama na muna ang dramahan natin at sulitin ang mga bagay at oras na mayroon tayo ngayon," dagdag ko pa habang hinihila sina Zeri at Hei. "Ayokong may ma-missed sa lahat ng bagay na mayroon ngayon panahong ito." "Huwag ka namang masyadong excited," natatawang sabi ni Zeri. "Hindi aalis ang Sierra City kaya kalma lang, please? Nakakaistorbo na tayo sa mga nagkaklase sa building na ito." At doon ko lang napansin na masama na ang tingin sa amin ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan kung saan kami nakahinto. I just mounted sorry and immediately run as fast as I can while holding Zeri and Hei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD