Chapter 39

1158 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Who turned you into a vampire?” Iyan ang tanong ko sa lalaking ito na nagpakilalang Dain, kaibigan daw ni Xan.   I know that he is telling the truth about being Xan’s friend but there is something in him that made me want to know more information about him. There is something in him that reminds me of Kei even though they are both totally opposites.   “Answer me,” madiin kong sabi. “Who turned you?”   He was about to say anything but someone held the back of my shirt and pulled me away from him.   Hindi ko inaasahan iyon kaya agad kong nabitiwan si Dain at bumaling sa humila sa akin. Doon, nakita ko si Greeny na ikinakunot ng noo ko.   “What the hell are you doing here?”   “I am looking for you,” aniya. “I know that you are avoiding me, that is why you decided to hide here. But unfortunately for you, I know your relationship with Sir Xan.”   “Mamaya na tayo mag-usap,” inis kong sabi sa kanya. “Hindi mo ba nakikita na may kausap pa ako--” Natigilan ako nang makitang wala na ang lalaking si Dain sa kinatatayuan niya kanina. “Where the hell is that man?” Ibinalik ko ang tingin kay Greeny.   “As soon as I pull you, tumalon agad siya pababa,” aniya. “Kilala mo?”   “I was questioning him,” sabi ko. “Pero sumulpot ka kaya hindi ko nakuha ang sagot sa tinatanong ko sa kanya.” Inirapan ko na lang siya at muli nang pumasok sa loob ng opisina ni Xan. “Ano bang ginagawa mo dito?”   “I am here to confront you,” sabi pa nya habang nakasunod sa akin. “You already know who I really am, right?”   “Yeah,” walang gana kong sabi. Nang makalapit akong muli sa swivel chair ni Xan ay agad akong naupo doon at wala ding ganang bumaling kay Greeny.   Aba’y siya itong dahilan kung bakit nakatakas ang Dain na iyon nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.   At nakakasiguro ako na dahil hindi maganda ang unang pagkikita namin ay hindi na siya muling pupunta dito para dalawin si Xan. Kaya nawalan agad ako ng pagkakataon na malaman kung sino ba ang lalaking iyon.   At hindi ko na maipapaliwanag pa kung bakit ganito ang nararamdaman ko nang makita siya. Na para bang nakita ko si Kei.   “At si Zeri ang nagsabi sa iyo?” aniya na inilingan ko.   “It was Xan who told me everything about you,” sabi ko. Well, si Xan naman talaga ang nagsabi ng mga impormasyon tungkol sa kanya matapos kong maamoy ang dugo na nananalaytay sa ugat niya.   Napakamot siya ng ulo. “Oh. Akala ko ay si Zeri.”   “Hindi ba’t ikaw na din ang nagsabi na hindi sisirain ni Zeri ang tiwalang binigay mo sa kanya kaya bakit bigla mong naisip na sasabihin niya iyon sa akin?”   “Well.” Naupo siya sa bakanteng upuan na nasa kabilang side ng mesa ni Xan. “Like what you said earlier, Zeri serves you. So if you ask him about me, I am sure that he will say everything to you without having second thoughts.”   “Oh.”   She is actually right. Hindi naman talaga nagdalawang-isip si Zeri na sabihin sa akin ang tungkol kay Greeny nang malaman niyang alam ko na ang tunay nitong katauhan.   “So?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Is that even a big deal?”   Umiling siya. “For me, wala naman. Medyo nag-isip lang siguro ako ng kaunting negative dahil nga galing ako sa angkan ng Shiann habang ikaw naman ay galing sa angkan ng Ehrenberg.”   “You are already out of the Shiann Clan,” sabi ko. “So, wala ka nang pananagutan sa kung anuman ang ginawa nila sa nakaraan. You already gave up your title and live as a normal citizen of Valier Kingdom so having you and me in the same room is not a problem.”   “If you say so,” sambit niya. “Pero mayroon pa akong isang sasabihin kaya sinadya talaga kita dito.”   Kumunot ang noo ko. “Ano iyon?”   Tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata ko. “You’re a vampire, right?”   Hindi ko inaasahan ang sinabi niyang iyon ngunit siniguro ko na wala siyang makikitang kahit na anong reaksyon o emosyon sa mukha ko.   Nakikipaglaban ako ng tingin sa kanya pero nagdadalawang-isip ako kung kukumpirmahin ko ba ang sinabi niya o hindi.   Maliban pa doon ay naguguluhan ako.   Paano niya nalaman na isa akong bampira? At aware ba siya sa existence ng lahi namin? Bakit bigla niya iyong natanong?   “To be honest, I don’t really know kung maniniwala ba ako sa mga bampira noong unang ikinuwento sila sa akin ng lola ko but my dad brought me to the dungeon of the palace,” kwento niya. “Doon, may mga bampira ang nakakulong at ginagamit na subject sa mga eksperiment na kanilang ginagawa.”   Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na lumapit sa kanya. “What did you say? May mga nabubuhay pa ding bampira sa panahong ito na nakakulong sa dungeon prison ng palasyo?”   Dahan-dahan siyang tumango.   “Damn it!”   Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang kasamaan ng mga Shiann laban sa mga lahi ng bampira.   “Kung pagbabasehan ko ang reaksyon mo, pwede ko bang sabihin na oo ang sagot mo sa naging tanong ko?”   Kumunot ang noo ko at bumaling sa kanya.   “I mean, you are a vampire, right?” aniya. “Bampira ka din kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon mo nang sabihin ko ang tungkol sa mga kalahi mong nabubuhay pa sa ilalim ng palasyo?”   Hindi ko siya sinagot sa tanong niyang iyon at tinitigan siyang mabuti. “What do you want?”   Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at napuno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata. “Please save those vampires.”   “W-what?”   “I am aware that the vampires from Ehrenberg Clan are more powerful than any other vampire so I am begging you, please save them,” pagmamakaawa niya. “Ikaw lang ang makakapagligtas sa kanila.”   “At bakit ko naman iyon gagawin?” Hinila ko ang mga kamay kong hawak niya. “At bakit ikaw ang nagmamakaawa para sa kanila?”   “They are my friends,” aniya. “I know that being a vampire is hard because you have to drink the blood of a human just to live but I know that you are the most sincere person that ever lived in this country. Please, save your own kind and I promise to you. I will do everything I can to repay you. Just.... just save them.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD