Chapter 38

1156 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Sinabi ko kay Xan na hindi na muna ako papasok ng klase dahil siguradong kukulitin lang ako ni Greeny kapag nakita niya ako sa room.   “Alam mo bang hindi normal sa isang college student na tanging morning class lang ang pinapasukan na klase?” naiiling niyang sabi.   “At alam mo naman na hindi ako pumasok dito para mag-aral,” ismid ko. “I am just here to experience the normal college life. Aside from that, being around these normal people helps me to control everything in me. Especially, my blood thirst even though my throat is already looking for some blood.”   Tinitigan niya ako. “Dapat ay tinutularan mo si Hei na nakikihalubilo sa kapwa niya teacher.” Napabuntong hininga siya. ”Anyway, do you want me to call Zeri?”   Umiling ako. “No need for that because I can still manage to control my blood thirst. I just wanted to get away from people for the rest of the day.” Aba’y masyado na akong expose sa mga mortal mula pa noong nakaraang linggo kaya kailangan ko ng ilang oras para makapag-recharge at makapaghanda sa muling pagharap ko sa kanila habang pilit pa ding iniiwasan na uminom ng dugo nila Zeri at Wayne.   “What about mine?” Tumingin ako sa kanya at inilahad na niya sa harap ko ang kanyang palapulsuhan. “Alam kong hindi sapat ang dugo ko para ma-satisfy ang paghahanap mo ng dugo pero magagawa ka naman nitong mapakalma kahit mga ilang oras lang.”   Tinitigan ko siya at bakas sa kanyang mga mata ang pagnanais na makatulong sa akin na ikinabuntong hininga ko na lamang.   Minsan, hindi ko alam kung swerte ba ako dahil iyong mga tao sa paligid ko ay masyadong mabait sa akin. Iyong tipong halos lahat ng ginagawa o iniisip nila ay para sa mabuting kapakanan ko.   O malas dahil masyado na akong nagiging pabigat sa kanila. Iyong dahil sa lagi nila akong iniisip ay napapadalas ang pag-aalala nila sa akin.   Lalo na sina Wayne at Zeri na alam kong naninibago pa sa biglaang pagbabago ng kanilang buhay dahil sa biglaan kong pagbabalik.   At alam ko din na hindi madali kay Xan ang muli kong pagbabalik dahil hindi naman niya inaasahan na sa ganitong panahon ako magigising.   “Then, I will take it.” Hinawakan ko ang kanyang braso at agad na kinagat iyon kasabay ng pagsipsip ko ng kanyang dugo.   At habang nilulunok ko ang kanyang dugo ay unti-unti nang pumapasok sa utak ko ang ilan sa kanyang alaala.   Most of these are his memories when he was still a human. The time when he was still a weak and fragile human who did his best just to survive in the dangerous streets of the Valier Kingdom that were filled with rogues before.   Pero bago ko pa makita ang mga sumunod na mangyayari kung saan nakilala na niya si Kei ay agad ko nang itinigil ang pagsipsip sa dugo niya at bahagyang inilayo ang kanyang braso sa akin.   “Okay ka na?” tanong niya habang hawak ang braso na unti-unti nang gumagaling ang sugat na gawa ng pangil ko.   Tumango ako at pinunasan ang bibig ko. “That would be fine for the rest of the day. Thank you.”   “Great,” aniya. “So, iiwan na muna kita dito at kakausapin ko lang ang mga professor mo. Ii-inform ko na din sila sa mga bagay na trip mong gawin nang sa gayon ay kahit umalis ka sa klase mo ay hindi maapektuhan ang records nila ng mga estudyante nila.”   “Sige,” sabi ko. “Ako na ang bahala dito.” I just waved my hand at him as he got out of his own office.   Habang ako naman ay lumipat sa swivel chair na nasa tapat ng kanyang mesa. Ni-reclined ko pa iyon para bahagya akong makahiga dahil inaantok na din ako.   Pero hindi ko pa man naipipikit ang mga mata ko ay agad akong nakaramdam ng panibagong presensya na nagmumula sa balkonahe ng opisina na ito kaya mabilis akong tumayo at lumabas doon.   At isang lalaki ang naabutan kong paalis na sana ngunit natigilan din at napatingin sa akin.   At hindi ko maintindihan kung bakit biglang pumasok si Kei sa isip ko nang makita ko ang mukha niya.   Hindi naman sila magkamukha.   In fact, malayong-malayo ang kanilang itsura.   Kei has pale skin because he rarely goes out in the morning. Bampira nga kasi kaya mas madalas siyang lumabas sa gabi pero hindi naman ibig sabihin noon ay weakness na niya ang araw.   Immune na ang mga tulad namin sa sikat ng araw. Sadyang hindi lang talaga kami sanay na nagbababad sa sikat ng araw.   Habang ang isang ito ay may pagka-moreno ang kulay. Matangkad din itong tulad ni Kei pero higit naman na mas ma-muscle ang katawan nito.   Medyo payat kasi si Kei pero hindi naman iyong tipong malnourished. He has a slim body but is fit.   But their eyes…   Something in their eyes that keeps giving me the impression that both of them are related to each other.   But it is impossible. Not unless he is Kei’s reincarnation?   “W-who are you ?”   Napakagat siya ng labi at nagdadalawang-isip pa sanang sumagot ngunit sa huli ay tumayo siya ng maayos at humarap sa akin. “I am sorry for disturbing you. I was planning to talk to Xan but he just left the room so I was about to leave.”   “I am asking who you are,” madiin kong sabi. Well, hindi naman ako galit. Sadyang hindi ko lang mapigilan na madaliin siyang sabihin ang pangalan niya dahil naguguluhan ako sa kung ano ang nararamdaman ko.   “I am Dain,” aniya. “Xan’s friend.”   “A vampire,” mahina kong sabi na ikinalaki ng kanyang mga mata.   I am sure that he was once human. And someone just turned him into a vampire. But from the smell of his blood, I am sure that it is not Hei or Xan. I am also sure that he is also not turned by Ara o kahit sino sa mga bampira na naninirahan sa paanan ng Cory Mountain.   Does it mean that there are some vampires besides us that turned a human into a vampire?   Bahagya pa siyang umatras palayo sa akin hanggang sa mapasandal na siya sa railling ng balkonahe na kinatatayuan namin. “H-how did--”   “It doesn’t matter who I am.” Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kwelyo. “What matters right now is for you to answer my question.”   “W-what is it?”   Fear is all over his face and to be honest, there is something in me that doesn’t want him to fear me but I have to know the answer to the question that keeps running in my mind.   “Who turned you into a vampire?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD