THB’s Last Battle Chapter 5

1157 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang bumungad sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Wayne. "Did something happen?" Umiling siya at bahagyang nakahinga ng maluwag nang makitang gising na ako. "Your reaction was just too intense. As if you are hurting." "Ah," Bumangon ako at ginulo ang aking buhok. "I was actually hurt after seeing Kei's memories." Hindi naman ito ang unang beses na nawalan ako ng malay matapos inumin ang dugo ni Wayne. Actually, madalas itong mangyari dahil hindi kinakaya ng utak ko ang pagpasok ng mga alaala ni Kei. At sa nakalipas na taon, hindi ko pa din lubusang nakukuha ang lahat ng iyon. "What part of his memories do you get this time?" tanong niya. "His memories before he died in the hands of her favorite daughter." Muli kong ginulo ang buhok ko. Actually, Kei expected everything to happen. Alam niya ang mga problemang darating sa bansang ito at napaghandaan na niya ang lahat. Pero kahit ganoon ay hindi pa din niya naiwasang hindi masaktan nang makita kung ano ang nangyari kay Hei dahil isa iyon sa siniguro niyang mababago niya. He actually expects that he will die in the hands of the Shiann Clan. And it was actually his idea for Hei to have her wedding at the private resort. Pero natunugan ng mga Shiann ang plano niyang iyon kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkalugmok nang makita ang sitwasyon ni Hei at hindi na lumaban pa dito dahil higit niyang mahal ang anak kaysa sa sarili kahit pa ampon lang niya ito. And to be honest, this is what I don't like about getting his memories. I feel like I am also extracting his feelings every time I see his memories. And I don't like that kind of feeling. "Why don't you let him drink my blood or yours?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. "Who?" "Him?" Bumaling siya sa isang direksyon kaya sinundan ko ang kanyang tingin at doon nakita si Dainsleif. "He is Kei's reincarnation, right?" "I can't still confirm that," sabi ko tsaka ibinalik ang tingin sa kanya. "But letting him see your memories will help you confirm that, right?" sabi pa niya. "Just like what happened to Greeny when you let her drink your blood. She saw a glimpse of your memories with Tamara and it became a trigger for her to recover all of her memories when he was still Tamara Holland." "Well, this situation is different from what happened to Greeny," sambit ko pa. "Greeny is now under my command. She became a vampire because of me that is why no matter what happened, she can't betray me even though she is not really the reincarnation of Tamara." "Oh." Tumangu-tango siya. "So, you are afraid." Bumuntong hininga ako at tumango. "Dainsleif became a vampire because of someone else so he will be loyal to that person. So, making him see Kei's memories will possibly put us in a complicated situation if his master is not on our side." "Then, it is still about him being part of the Shiann Clan," naiiling niyang wika. "Hindi pa ba sapat sa iyo sina Greeny at Kaeya para mapatunayan na hindi lahat ng miyembro ng Shiann ay kalaban mo?" Mapait akong ngumiti. "To be honest, iyan ang gusto kong paniwalaan. Iyan ang gusto kong itatak sa utak ko dahil na rin kina Greeny at Kaeya. But I can't." I can't put myself to trust any part of the Shiann Clan not unless I have something on my side that will assure their loyalty to me. Just like my bond with Greeny. Just like Kaeya's bond with Hei. Those bonds they have with us is what I am holding to make myself trust them despite being part of the clan that ruins everything in this country. "Then, do you want me to investigate everything about him?" tanong niya. "If you would know who is his master or who's blood was used for him to become a monarch vampire, maybe you will change your perspective about him." "Sa tingin mo ba ay posible pa iyon?" I already search every laboratory that Ara used to create those Shiann vampires she have in her side before. Alam ko kasi na siya din ang dahilan kung bakit naging isang monarch vampire si Dainsleif. But I don't see any information about that. Kahit ang mga elite vampire na kanyang kinokontrol noon upang mapasunod ay wala ding alam tungkol sa dugong ginamit upang maging bampira ito. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko pa din lubusang mailapit sa kanya ang sarili ko kahit pa masyado nang kalakas ang kutob ko na siya nga ang reincarnation ni Kei. I was afraid that he would become my enemy. Sa ngayon ay maaaring nasa panig namin siya. Maaaring totoo na tanging kaayusan ng bansang ito ang nais niya tulad ng sinabi sa akin ni Xan noon. Maaaring tulad ni Greeny ay hindi din nito gusto ang pamamalakad ng kanyang mga kapatid sa bansang ito. Pero paano kapag dumating ang panahon na hindi niya na malabanan ang dugong dumadaloy sa katawan niya? Iyon ang higit kong ikinakatakot. Na baka dumating ang panahon na maging malapit siya ng tuluyan sa amin pagkuwa'y biglang sumulpot ang bampirang pinagkunan upang maging isa siyang bampira at magkataon na nakapanig ito sa mga Shiann. Ibig sabihin ay kahit labag sa kanyang kalooban ay kakalabanin niya kami dahil higit na malakas ang blood bond para sa mga bampira. At ayokong mangyari na naman iyon sa kanya kung sakaling siya nga si Kei. Ayokong sa ikalawang pagkakataon ay piliin na naman niya ang sariling kamatayan sa kamay ng taong pinakamamahal niya dahil hindi niya ito kayang labanan. Ayokong sa pagkakataong ito ay isa na namang malapit sa kanya ang papaslang sa kanya kaya mas mabuting ngayon palang ay dumistansya na kami sa kanya. "To be honest, tingin ko ay hindi ka basta makakalayo sa kanya tulad ng gusto mong mangyari," sabi ni Wayne na ikinakunot ng noo ko. "What do you mean?" "The both of you are fated to be with each other, Heydrich," sambit niya. "At alam mong hindi mo kayang lumaban kapag tadhana na mismo ang nagdesisyon ng magiging sitwasyon niyo." "Heydrich," Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Dainsleif mula sa likuran ko kaya agad akong napatayo at humarap sa kanya. "Ahm, hindi naman ako nakakaistorbo, hindi ba?" "No worries, dude," ani Wayne. "Ikaw na muna ang bahala dito sa master ko." Ginulo pa ni Wayne ang buhok ko bago lumapit sa mga mortal na inaasikaso na ang kakainin namin sa hapunan. Habang ako naman ay nakatitig lang kay Dainsleif at hindi ko malaman kung ano ba ang expression na dapat kong ipakita sa kanya upang hindi niya mapansin na umiiwas ako na mapalapit sa kanya. "Are you trying to avoid me?" tanong niya na lalong ikinalaki ng mga mata ko. Oh damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD