Chapter 62

2201 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Dahil masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari ay agad kong hiniling sa matandang humarap sa akin na ipaliwanag ang lahat.   Pero bago ang lahat ay nagpakilala muna siya sa akin bilang si Orlean Ehrenberg, ang pinuno ng mga mortal na naninirahan sa paanan ng bundok na tinatawag sa panahong ito bilang Mortelle Mountain.   At sa apelyido pa lang ay masasabi ko na’ng siya ang pinagmulan ng lagi ng angkan na kinabibilangan ko. Pero may bagay akong ipinagtataka tungkol sa kanya.   Isa lamang siyang hamak na mortal?   Kaya paano naging parte ng monarch vampire ang mga Ehrenberg at nagtataglay pa ng isang malakas na kapangyarihan?   Pero syempre, hindi ko pa iyon maitanong sa kanya dahil sinimula niya ang pagkukwento sa unang kasaysayan ng bansang ito,   Ayon sa kanya, ang unang naninirahan sa bansang ito ay ang mga mortal. Tahimik at payapa ang kanilang buhay sa bawat araw na lumilipas at kailanman ay hindi nadadamay sa anumang gulo na mayroon ang mga kalapit na bansa.   Ngunit nagbago ang lahat nang may mapadpad na isang sira-sirang barko sa dalampasigan ng bansang ito.   Iniisip nila na ang barkong iyon ay tinamaan ng malakas na bago na pumapalibot sa karatig na bansa kaya’t nalihis ang direksyon ng destinasyon nito at napunta sa bansang ito.   Sinasabi pa na ang barkong ito ay naglalaman ng iba’t-ibang klase ng kayamanan. Karamihan ay ginto at pilak kaya naman ganoon na lamang ang paghahangad ng marami na suyudin ang kabuuan nito.   Doon nila natagpuan ang isang malaking silid na nasa pinakailalim ng barko na naglalaman ng hindi na mabilang na kabaong.   Akala ng mga nakakita ay mga labi lamang iyon na dapat ay ililipat sa tunay na destinasyon ng barkong napadpad lamang dito ngunit nang sumapit ang paglubog ng araw, isa-isang bumukas ang mga iyon at naglabasan ang mga halimaw na agad na umatake sa sinumang tao na malapit sa kanila.   Mayroong matatalas na pangil, mapulang mga mata, matatalim na kuko at may bilis na hindi kayang takbuhan ng mga mortal.   Kinakagat ng mga ito ang sinumang mortal na mahawakan at sinisipsip ang dugo nito hanggang sa tuluyan itong matuyuan.   At sa gabing iyon nagsimula ang pamumuno ng mga halimaw na tinatawag na nila ngayong bampira.   “Labing limang taon na din ang nakakaraan mula nang dumating ang mga halimaw na iyon,” sabi ni Lola Orlean.   Nandito kami sa tahanan niya na gawa din sa kahoy at kawayan para makapag pahinga dahil malapit ng lumubog ang araw.   “At sa loob ng mga taong iyon, lagi kaming nakakaramdam ng takot sa pagsapit ng gabi dahil doon lumalabas ang mga halimaw upang manguha ng kanilang mga bagong aalipinin at pagkukuhanan ng dugo,” dagdag niya. “Ngunit noong nakaraang taon lamang ay isang pangitain ang ibinigay sa amin ng langit.”   Kumunot ang noo ko. “Anong pangitain?”   “Ang pagdating ng isang babae na mayroong mala-abong kulay ng buhok,” sabi niya. “Ang babaeng ito ay mayroong basbas mula sa lahat ng elementong espirito na naninirahan sa bansang ito kaya’t magtataglay siya ng kapangyarihang kayang tapatan ang mga halimaw.”   Sigurado akong ang sinasabi niyang mga elementong espiritu ay mga seirei na higit pang mas naunang manirahan sa lugar na ito.   Ibig bang sabihin noon ay galing sa kanila ang kapangyarihang na ipinapasa sa bawat henerasyon ng angkan namin? Kaya ba gaoon kadali para sa isang tulad ko ang gamitin ang kanilang mga spell dahil sa kanila mismo galing ang kapangyarihang nananalaytay sa aking katawan?   “Ang babaeng iyon ang tatapos sa masamang pamumuno ng mga halimaw at magbabalik ng kapayapaan sa bansang ito,” sabi pa ni Orlean.   “Ahm…” Napakamot ako ng aking ulo. “I hate to say this but I think you are mistaken. Hindi ako ang babaeng tinutukoy ng mga seirei.”   Kumunot ang kanyang noo. “Ano ang iyong ibig sabihin?”   “Well, I know that I have ash colored hair and I have that kind of power but I am actually not here to be involved in a fight of yours.”   “Anong sabi mo?”   “I am sorry, okay?” sabi ko. Aba’y sumama na ang tingin niya sa akin na siyang resulta ng pagtanggi ko sa sinasabi niya. “Pero napadpad lang naman kami dito dahil sa isang aksidente. Pero hindi ako ang tinutukoy ng mga sinasabi mong elementong espiritu.”   “Pero…” Hinawakan niya ang aking buhok. “Ang kulay ng iyong buhok at nararamdaman ko na mayroon kang kapangyarihan kayang manlipon sa hukbo ng mga bampira.”   “Hindi ko itatanggi iyan,” sabi ko. “Oo, mayroon akong kapangyarihan na kayang sumira sa buong bansang ito at ang buhok kong ito ang katunayan pero sinasabi ko sa inyo na hindi ako ang hinihintay niyo.”   Bumuntong hininga siya pagkuwa’y binitiwan ang aking buhok.   “Look, wala akong planong makialam sa mga mangyayari sa panahong ito,” sabi ko. “Hindi hindi ko nga alam kung bakit nga ba ako ipinadala dito ng pamilya ko kaya huwag nyo sanang ipasan sa balikat ko ang isa na namang responsibilidad kung saan nakasalalay na naman ang buhay ng maraming nilalang.”   Tinitigan niya ako pagkuwa’y mapait na ngumiti. “Mukhang hindi naging maganda ang takbo ng iyong pamumuhay, hija.”   “Hindi talaga,” sambit ko. “Hindi na nga normal, puno pa ng pasakit. At nang inakala kong makakatakas na ako sa mapait kong buhay, isa na namang panibagong responsibilidad ang pilit na ibinibigay sa akin ng tadhana. Kaya ako na mismo ang nagsasabi na hindi ko magagawa kung anuman ang inaasahan nyong magagawa ko.”   Huminga siya ng malalim pagkuwa’y tumangu-tango. “Naiintindihan ko na. Hindi nga ikaw ang nilalang na hinihintay namin sa panahong ito.”   “Right.”   Alam kong mahirap ang sitwasyon nila sa panahong ito. Ang buhay nila ngayon ay walang kasiguraduhan dahil bigla-bigla na lamang dumadating ang mga bampira upang kunin ang mga mortal na nais nilang alipinin o kunan ng dugo na kanilang iinumin.   Kahit pa sabihin na malaya sila tuwing sumisikat ang araw, hindi naman nila magagawang pumalag sa mga ito sa pagsapit ng gabi kaya balewala din kung susubukan nilang lumaban sa mga halimaw na iyon.   Ang tanging makakapagligtas sa kanila ay ang hinihintay nilang nilalang na siyang mayroong malakas na kapangyarihan na kayang lipunin ang mga bampirang iyon, umaga man o gabi.   “Kung ang iyong problema ay ang paraan kung paano kayo makababalik sa inyong panahon, ikinalulungkot ko ngunit wala akong maitutulong sa inyo,” sabi pa ni Orlean. “Ngunit bukas ang baryo na ito para sa inyong dalawa kaya malaya kayong makakapanatili dito.”   Bahagya akong nabuhayan ng loob nang sabihin niya iyon.   Ibig sabihin ay hindi na namin poproblemahin pa ang kakainin at tutulugan sa bawat araw at gabing ilalagi namin sa panahong ito.   “Ngunit hinihiling ko lamang sa tumulong din kayo sa mga gawain sa abot ng inyong makakaya,” dagdag niya.   “Hindi mo na kailangan na sabihin pa dahil iyan talaga ang plano naming gawin,” sabi ko. “Iyan lang kasi ang maibabayad namin sa pagtanggap na inyong ibinigay para sa aming dalawa ng kasama ko.”   Ngumiti siya. “Ipagpapasalamat ko kung matatapos agad ng mas maaga ang mga gawain sa buong baryo nang sa gayon ay maagang makabalik sa kanya-kanyang tahanan ang bawat mamamayan nito.”   Nabanggit na din niya kanina na ang isa sa mga unang nahuhuli ng mga bampira para maging kanilang pagkain ay ang mga nadadatnan nila sa labas ng kanilang bahay tuwing gabi.   Kaya naman hangga’t maaari ay sinisiguro nila na makakauwi sila sa kani-kanilang tahanan bago pa man lumubog ang araw.   Ang sabi niya din kasi kanina ay hindi basta nakakapasok ang mga bampira sa loob mismo ng tahanan hangga’t hindi ito iniimbitahan pero tumatalab lang ang proteksyon nilang iyon kapag mga mabababang rank ng bampira lamang ang nagroronda sa kanilang baryo.   Hindi ko alam kung gaano kami katagal na mananatili sa panahong ito pero ipinagpapasalamat ko na ang una naming nakita at nakilala ay isang Ehrenberg na hindi talaga nakakatiis na tumulong sa mga nilalang na nangangailangan.   Kahit pa malinaw sa kanya na wala akong maitutulong sa kanilang kasalukuyang sitwasyon ay buong puso pa din niya kaming pinatuloy sa kanilang baryo.   Kaya naman hindi na din siguro masama kung gagawin ko ang aking makakaya upang masiguro na walang sinuman sa mga naninirahan dito ang mapapahamak dahil sa mga bampira na walang ibang tumatakbo sa isip kundi ang kanilang pagkauhaw sa dugo.   __________   Malalim na ang gabi.   Ngunit sa mga oras na ito ay gising na gising pa din ang aking diwa dahil nakakarinig ako ng mga kaluskos sa labas ng baryo.   At base sa kanilang amoy ay nakasisiguro kong isa silang mga bampira na naghahanap ng kanilang magiging pagkain.   Ramdam ko din kasi ang kanilang pagkauhaw sa dugo kaya naman alam kong mapanganib para sa sinumang nasa baryong ito na lumabas ng ganitong oras.   “Narito na sila,” mahinang sambit ni Orlean.   Nasa iisang kwarto lang naman kasi kami habang nasa sala naman ni Wayne na nakikiramdam din sa mga nangyayari sa labas.   “Pero may kakaiba sa kanila ngayon,” sambit niya na ikinakunot ng aking noo. “Parang mayroon silang hinahanap.”   “Hindi ba’t narito sila para maghanap ng kanilang aalipinin at magiging pagkain?” sabi ko na inilingan niya.   “Kung iyon ang kanilang pakay ay dapat kanina pa sila kumatok sa pintuan ng bawat tahanan,” paliwanag niya. “Iyon ang kanilang unang ginagawa sa tuwing dumadating dito. Ang mga kusang magbubukas ng kanilang pintuan at haharap sa kanila ay madalas na nakakaligtas sa kanilang pagpili habang ang inuuna nilang kunin ay iyong mga magmamatigas sa kanilang ginagawa at hindi magbubukas ng pintuan.”   Kung ganoon ay kakaiba nga ang kanilang ikinikilos.   Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata pagkuwa’y sinimulang pakiramdaman ang bawat kilos ng mga bampira sa lahat ng sulok ng baryo.   Hindi sila kumakatok sa mga bahay. Lumalapit lamang sila sa mga ito, tumatayo sa mga pintuan at inaamoy.   Na para bang mayroon silang hinahanap.   Pero hindi ko mapagtanto kung ano o sino.   “They are searching for something,” sabi ko tsaka idinilat ang aking mga mata at muling bumaling kay Orlean. “May idea ka ba kung ano iyon?”   Umiling siya. “Wala naman kaming kahit na ano sa baryong ito na makakaagaw ng interes ng mga bampi—” Natigilan siya at nanlaki ang kanyang mga mata. “Hindi kaya…”   Kumunot ang noo ko. “May ideya ka.”   Bumaling siya sa akin. “Ang aking anak.” Bakas ang matinding pag-aalala sa kanyang mga mata at nasasamahan na iyon ng takot ngayong posibleng tama ang bagay na napagtanto niya.   “Anong mayroon sa anak mo?” tanong ko   “Buntis ang aking anak,” aniya.   “Anong kinalaman ng kanyang pagbubuntis sa paghahanap ng mga bampirang ito?” tanong ko pa.   “Walang nakakaalam kung sino ang tatay ng kanyang ipinagbubuntis,” sabi pa niya na ikinalaki ng mga mata ko.   “What?”   “Madalas umakyat sa bundok ang aking anak upang manguha ng mga halamang gamot,” kwento nya. “Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang kanyang pag-akyat doon at sa tuwing siya ay bumababa ay wala naman siyang nadadala na kahit anong halaman. Maliban pa doon ay bakas ang kasiyahan sa kanyang mga mata kaya napapaisip ako na mayroon siyang kinakatagpong lalaki doon.”   “Hindi mo ba naisip na baka taga-dito lang din sa village niyo?”   Umiling siya. “Halos lahat ng binata sa baryo na ito ay nagtangka nang kunin ang kanyang kamay ngunit siya mismo ang tumatanggi sa mga ito sa kadahilanang mayroon na daw siyang napupusuan.”   “Oh no…” Napatakip ako ng aking bibig. “Sinasabi mo ba na maaaring bampira ang kinakatagpo ng iyong anak? At ang ipinagbubuntis niya ay isang half-blood vampire?”   Tumango siya.   Napatayo ako. “Kailangan natin silang puntahan at iligtas.”   Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay dapat kong iligtas ang mag-inang iyon. Pakiramdam ko ay hindi maaaring mapahamak kahit ang bata sa sinapupunan ng babaeng iyon.   Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagkakapareho namin ng apelyido at iniisip ko na sila ang pinagmulan ng angkan namin, pero malakas ang pakiramdam ko na mayroong malaking purpose ang batang isisilang ng babaeng iyon.   Kaya naman handa akong gawin ang lahat para lamang masiguro ang kaligtasan ng dalawang nilalang na iyon.   Pumasok si Wayne sa loob ng kwarto at siguradong narinig niya ang mga pinag-usapan namin kanina. “Hindi tayo basta makakalabas sa bahay na ito,” aniya. “Napapaligiran na nila ang buong baryo at hindi imposible na mapansin agad tayo kapag nagbukas palang ng pinto.”   “Oh.” Napatapal ako ng aking noo tsaka bumaling kay Orlean. “Nasa baryong ito din ba ang iyong anak?”   Umiling siya. “Itinago ko siya sa kuweba na matatagpuan sa gitna ng gubat,” sabi niya. “Madali kasi siyang mapapansin ng mga ka-baryo kung dito niya ipagbubuntis ang kanyang anak.”   “Aish!” I have to do something!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD