Chapter 61

1074 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Kakaibang tanawin ang bumungad sa amin ng tuluyan naming marating ang paanan ng bundok kung saan kami nanggaling.   At sa mga nakikita ko ngayon ay nakasisiguro na ako na nasa nakaraan nga kami kung saan hindi pa pagmamay-ari ng mga Ehrenberg ang lupaing ito at isang normal na bundok pa lamang ito.   Dahil ang mga bagay na sumalubong sa amin ay maliliit at gawa pa sa mga kahoy at kawayan. At ang sapa na dumadaloy mula sa itaas ng bundok pababa dito ay talagang malinaw na malinaw pa.   “It looks like this village is actually living a peaceful life,” mahinang sabi ni Wayne habang tinitingnan namin ang mga mortal na masayang nagku-kwentuhan at gumagawa ng kani-kanilang gawain.   “Sa tingin mo ba ay matatakot natin sila kapag nagpakita tayo sa kanila?” tanong ko sa kanya nang hindi inaalis ang tingin sa mga mortal.   Ayaw ko naman kasing gumawa ng eksena lalo na’t wala kaming nalalaman sa mga kalakaran sa panahong ito.   Aba’y mas makakabuti para sa amin kung payapa kaming haharap sa kanila nang sa gayon ay agad naming maintindihan kung ano ang mayroon sa panahong ito.   Baka sakaling makatulong din para malaman namin kung bakit ginusto ng pamilya ko na ipadala ako dito.   “Well, isa lang naman ang paraan para malaman natin iyan,” sambit niya pagkuwa’y hinubad ang kanyang tux at inalis ang pagkaka-tuck in ng kanyang while polo.   Inalis din niya ang pagkakakabit ng hanggang tatlong butones ng kanya polo at bahagyang itinaas ang mahaba nitong manggas.   Ginulo din niya ang kanyang buhok tsaka nag-inat.   At sa totoo lang ay iisa ang masasabi ko habang nakatingin sa kanya.   “Y-you look hot,”   Bahagya pa akong napalunok ng sarili kong laway nang bigla siyang ngumiti sa akin at kumindat pa. “Thanks.”   At bago pa ako tuluyang mahulog sa karisma ng lalaking ito ay agad na akong nag-iwas ng tingin sa kanya tsaka umiling-iling.   Well, alam ko naman na gwapo ang lalaking ito.   Sa tindig palang ng kanyang pangangatawan, sa hugis ng kanyang mukha, sa pula ng kanyang labi, sa tangos ng kanyang ilong at malamlam na mga mata.   Sino bang hindi mahuhulog?   Bonus pa ang pagiging maalaga at protective?   Pero syempre, ang relasyon na mayroon kami ay hindi maaaring lumagpas sa pagiging master-servant.   At iyon ang hindi ko maintindihan sa naging desisyon ni Zeldrix.   Bakit kailangan niyang limitahan ang relasyong maaaring pasukin ng isang Andrade at Ehrenberg? Bakit kailangan niyang isama sa kontrata sa pagitan namin na hindi maaaring umibig ang isang Andrade sa isang Ehrenberg?   Nalaman ko lang ang tungkol sa bagay na iyon nang mapasadahan ko sa isang libro na nakita ko sa library ang tungkol sa ginawang seremonyas ni Zeldrix upang maging ganap ang ugnayan ng kanyang angkan sa angkan ng mga Ehrenberg.   At syempre, sino na naman ang magiging dehado kapag may lumabag sa batas na iyon ng kasunduang pinasok nila? Walang iba kundi ang mga Andrade na agad na unti-unting manghihina kapag nagsimula na silang magkaroon ng pagmamahal na hihigit pa sa isang master para sa kanilang pinaglilingkuran.   So, me and Wayne or me and Zeri is really out of the question. Kahit pa sobrang qualified naman sila para maging asawa o boyfriend ko because they are like, walking green flag.   Pero hindi pwede dahil sa kasunduan na mayroon ang angkan nila at sa angkan ko. They are just people who serve under me. Though, I can still treat them as part of my family.   Nang maiayos na ni Wayne ang kanyang itsura ay agad-agad siyang lumabas sa pinagtataguan namin at nagsimulang lapitan ang mga mortal na abala kanina sa kanilang gawain.   Noong una ay bakas ang pagkaalerto ng mga ito nang makita siya ngunit habang nagpapatuloy ang kanilang pag-uusap ay unti-unting nawawala ang tensyon sa mga katawan nito hanggang sa tuluyan itong naging kumportable sa harap niya.   Hindi ko naman kasi marinig ang pinag-uusapan nila dahil masyado silang malayo sa akin at higit pang malakas ang agos ng tubig mula sa sapa na mayroon malapit sa akin.   Naghintay na lamang ako sa pinagtataguan ko sa kung ano ang magiging resulta ng pakikipag-usap ni Wayne hanggang sa bumaling ito sa akin at sinenyasan akong lumabas at lumapit doon.   Medyo nagdadalawang-isip pa ako lalo na’t ang tanging suot ko lang ay isang puting bestida na lagpas hanggang tuhod at puting tsinelas.   Pero kanina pa ako sinesenyasan ni Wayne at nagsisimula nang magtaka ang mga mortal kaya napabuntong hininga na lamang ako tsaka lumabas sa pinagtataguan ko.   Akala ko naman kasi ay maayos na ang lahat dahil maaliwalas na ang kanilang mukha noong kausap sila ni Wayne ngunit agad na kumunot ang aking noo nang biglang manlaki ang kanilang mga mata habang nakatingin sa akin.   At ilang sandali pa ay bigla na lamang silang lumuhod at yumuko.   “What the hell?”   Bumaling ako kay Wayne at maging siya ay nagtataka sa ikinilos ng mga mortal na nakapaligid sa amin. Umiling-iling pa siya na para bang sinasabi na wala siyang nalalaman sa mga nangyayari.   “Huwag ka nang magtaka sa ikinikilos nila.”   Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at isang matanda ang siyang naglalakad palapit sa akin. “A-anong ibig mong sabihin?”   Hindi siya agad sumagot hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa akin pagkuwa’y hinila ang bandana na siyang nakatakip sa aking buhok.   “What the hell are you doing?” Akma kong hahablutin ang bandanang iyon ngunit mabilis niya iyong naitapon sa malayo kaya naman lumadlad ang aking mala-abong kulay na buhok na at bahagya pang dinadala ng malakas na hangin.   “Ang mala-abo mong buhok ang siyang nagpapatunay ng pagdating ng aming tagapagligtas,” sambit ng matanda at maging siya ay lumuhod na din sa aking harapan.   Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.   Paanong nalaman ng mga ito na mayroon akong buhok na kulay gray? At ano ang sinasabi ng matandang ito na ako ang magiging tagapagligtas nila?   Isa na naman ba itong responsibilidad na bigla-bigla na lamang ipinapapasan sa akin ng pamilya ko? O talagang may isang nilalang na ipapanganak sa panahong ito na nagtataglay ng buhok na mayroon ako at iyon ang tunay nilang tagapagligtas?   Aish!   Inis ko na lamang na ginulo ang aking buhok dahil habang tumatagal ay lalo lamang nagiging kumplikado ang mga nangyayari sa buhay ko.   At iyong simpleng buhay na pinapangarap at pinaplano ko para sa buhay ko ay unti-unti na namang nawawala sa aking mga palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD