Chapter 63

2637 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   I have to do something…   Pilit kong inaalala ang lahat ng spells na aking nabasa sa mga spell books na isinulat ni Mommy. Baka sakali na mayroong isa doon na maaaring makatulong sa amin para makapunta sa anak ni Orlean.   But damn it!   Wala akong maisip.   Ang naiisip ko lang kasing paraan ngayon ay sugurin ang mga bampira na nakapalibot sa buong baryo.   Pero hindi magiging maganda ang epekto kung gagawin ko iyon.   Siguradong magtataka ang mga noble vampire kung bakit hindi na bumalik ang kanilang mga tauhan kaya pilit ko iyong inaalis sa aking utak.   “Why don’t you use vela?” biglang sabi ni Wayne na ikinalingon ko sa kanya. “Gamit ang spell na iyon ay magagawa mong makaalis sa bahay na ito nang hindi napapansin ng mga bampira sa labas.”   “But you know that vela is not actually a spell to stop the time,” sabi ko. “It was just an ability to suspend the subjective sense of time of everyone within the range that I can cover.”   Yes, buong akala ko ay oras ang pinapatigil ng spell na iyon. Pero matapos ang ilang pagsasaliksik na aking ginawa, lumalabas na ang pinapahinto ng spell ay ang sense of time ng isang tao kaya sila ang tumitigil at hindi ang oras.   At sa kakayahan na mayroon ako, may limitasyon ang paggamit ko noon. Kapag kasi sumobra sa oras ang paggamit ko ay maaari iyong ikamatay ng mga mortal na madadamay sa range kung saan ko ika-cast ang spell.   “Pero magagamit mo pa din ang spell na iyon,” giit niya.   Well, tama naman siya. Magagamit ko talaga ang spell na iyon pero iba kasi ang panahong ito. Baka matulad noon kung saan hindi ko nagawang i-exclude sa spell ang mga kasama ko at kinailangan ko pang magpatulong kay Graysean para lamang mapatigil din ang mga hybrid na kalaban namin noon.   Natatakot din ako na baka hindi ko makontrol ang kapangyarihang mayroon ako ngayon lalo na’t may ilang kakayahan na akong nakuha buhay ng unang beses kong inumin ang dugo ni Zeri.   “You can do it, Heyd,” sabi ni Wayne. “Alam mo sa sarili mo na dapat mong iligtas ang mag-inang iyon. Baka ito ang dahilan kung bakit ka dinala dito ng angkan mo. Kaya huwag ka nang magdalawang-isip pa diyan at gawin mo na lang bago pa mahuli ang lahat.”   “I know that, okay?” sabi ko tsaka inirapan siya. “But you have to understand that this is not our era. I could make a huge disaster here.”   “Lalong magkakaroon ng disaster sa panahon natin kung hindi ka pa kikilos,” sagot naman niya tsaka inirapan ako.   “Aba’t–”   “Mag-aaway pa ba talaga kayo?” tanong ni Orlean na ikinatigil ko. “Alam kong hindi buo sa iyong loob na tulungan ang aking anak at magiging apo ngunit nakikiusap ako sa iyo,” At doon siya ay lumuhod na sa aking harapan. “Ikaw lamang ang aking maaasahan sa kaligtasan ng mag-inang iyon.”   Hindi agad ako nakasagot at napatitig nalang sa kanya.   At nakita ko si Mommy Heya sa kanya.   Iyong mga pagkakataong nagmamakaawa siya kina Papa Oliver at Mama Hina na iligtas siya at ang mga anak niya kay Heidi.   Kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.   Ayokong sapitin ng mag-inang iyon ang sinapit namin nila Mommy at Graysean kaya tingin ko ay wala din talaga akong ibang pagpipilian kundi ang iligtas sila sa kahit na anong paraang mayroon ako.   “Please.” Hinawakan ko ang mga braso ni Orlean at tinulungan siyang makatayo. “Hindi mo kailangang lumuhod sa akin.”   “Pero–”   “Oo, nagdadalawang-isip ako na gamitin ang kapangyarihan ko pero hindi ibig sabihin noon ay wala akong gagawin,” sabi ko. “Ililigtas ko ang iyong anak at apo pero kailangan mong siguruhin na hindi nila malalaman ang tungkol dito. Naiintindihan mo ba?”   Tumango siya.   “May kakayahan silang makita ang alaala mo kapag tinikman nila ang iyong dugo kaya naman hangga’t maaari ay gumawa ka ng paraan upang hindi nila malasahan ang dugo mo, okay?”   Muli siyang tumango. “Gagawin ko ang lahat upang protektahan ang aking anak at magiging apo.”   Ngumiti ako at tumango. “Then, let’s do everything we can to make sure that everything will be okay.”   Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at binigyan siya ng isang tango na siyang nagpapahiwatig na hindi ko pababayaan ang kanyang anak at apo. Pagkatapos noon ay agad ko nang sinimulan ang pagka-cast ng vela. At ilang sandali lang ay tumigil na sa pagkilos at paghinga si Orlean.   Bumaling ako kay Wayne at nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi siya naapektuhan ng spell na iyon.   “Let’s go,” aya niya tsaka inilahad ang kanyang kamay.   Tumango ako at agad na hinawakan iyon pagkuwa’y mabilis kaming tumakbo palabas ng bahay.   At doon bumungad sa aking ang itsura ng mga bampira sa panahong ito.   Their skin is too pale. Siguro ay dahil hindi talaga sila nasisinagan ng araw at lagi lamang silang nasa loob ng kanilang kabaong tuwing umaga at sa gabi lamang lumalabas.   Mapupula ang kanilang mga mata at labi. Ang kanilang pangil ay higit na mas malaki at mas mahaba kumpara sa mga pangil namin sa panahon ko.   Kahit ang kanilang mga kuko ay higit ding mahaba at bahagya silang nakukuba kapag nakalabas ang kanilang mga pangil at kuko.   “Hindi ko akalain na ang pangit pala ng itsura ng mga bampira noong unang panahon,” sabi ko habang nilalagpasan ang mga bampira na nagkalat sa buong baryo.   “Oy, grabe ka,” sabi ni Wayne. “Mukha namang desente ang kanilang itsura kapag hindi nakalabas ang kanilang mga ngipin at pangil.”   “Hindi kaya iyan ang nagiging itsura ng mga bampira na nasobrahan sa pag-inom ng dugo ng mortal diretso sa mga leeg nito?”   “Posible,” sagot niya. “Kaya hindi na nakakapagtaka na mas mataas ang death rate ng mga mortal sa panahong ito kumpara sa birth rate.”   “Aba’y nakakalimutan mo ba na higit na gusto ng mga bampira ang dugo ng bagong silang na sanggol kaya kahit mataas ang birth rate ay hindi na din lumalaki pa ang mga ipinapanganak dahil agad na nila itong tinutuyuan ng dugo.”   Oo, ganoong klaseng halimaw talaga ang mga bampira sa panahong ito.   Kaya nga hindi ako makapaniwala na sobra na ang pagbabagong naganap sa lahi namin paglipas ng ilang libong taon mula dito.   Maging ang itsura ay higit ding magkaiba.   Sa mga bampira kasi ngayon ay lumalaki, hindi lamang ang kanilang mga pangil, kundi maging ang kanilang mga ngipin sa itaas at ibaba.   Kaya mukha talaga silang halimaw.   Tapos idagdag pa ang paglalaway nila kaya hindi na nakakapagtaka ang takot na nararamdaman ng mga mortal sa panahong sila ang namumuno sa bansang ito.   Ang mga bampira naman sa panahon namin ay hindi aakalaing isang halimaw dahil nakalabas man ang pangil o hindi ay nananatili pa ding magaganda at gwapo.   Pangil lang kasi ang humahaba sa amin habang ang mga kuko namin ay tumatalas din pero hindi ganoon kahaba na parang sa isang hayop.   At pinagpapantasyahan pa nga ang halos lahat ng kabilang sa lahi ng mga bampira dahil sa angkin nitong kagwapuhan at kagandahan.   Kahit si Kei, halos buong bansa talaga ang nababaliw sa tuwing makikita siya ng mga nasasakupan.   “Huwag mo na nang pagkumparahin ang mga bampira sa panahong ito at sa panahon mo,” ani Wayne at talagang hinila na ako. “Baka mamaya ay ma-carried away ka masyado at malimutan mo na nag-cast ka ng vela.”   “Ay!” Ako na ang humila sa kanya sa pagkakataong ito at tinahak ang daan papunta sa kuweba na tinutukoy ni Orlean.   Pero bago pa man kami tuluyang makalayo sa baryo ay agad ko nang inalis ng spell at sinimulan ko namang itago ang presensya at marka namin ni Wayne nang sa gayon ay walang makaalam ng tinatahak namin.   “Hindi ba’t lumaki ka sa bundok na ito,” sabi ko kay Wayne. “Ibig sabihin ay alam mo ang kuweba na tinutukoy ni Orlean?”   Mabilis siyang tumango. “Though, sa panahon natin ay tinakpan na ang kuweba na iyon at ipinagbabawal sa kahit sinong Andrade ang pumasok doon kaya hindi ko din alam kung ano ba ang mayroon sa loob noon.”   “Eh?”   Tumango siya. “Ang bilin ni Dad sa amin ni Zeri noon, tanging ang mga Ehrenberg lang ang may karapatan at kakayahang pasukin ang kuweba kaya huwag na daw kaming magtangka,” dagdag niya.   “At kung pagbabasehan ko ang ugali ni Zeri, I am pretty sure that he tried to sneak inside of it, right?”   Ngumiti siya at tumango. “Pero hindi pa man siya nakakatapak sa mismong loob ng kweba ay agad na siyang pinatalsik nito. Nabalian pa nga siya ng braso kaya mula noon ay hindi na siya nagtangka pa muling pumasok kahit sobra-sobra ang kanyang kuryosidad sa kung ano ang mayroon sa loob noon.”   “Hmm…” Maging ako tuloy ay nagsisimula nang ma-curious sa kung ano ang nilalaman ng kuweba na iyon sa panahon namin kaya siguradong sa oras na bumalik kami sa panahon namin ay agad akong pupunta doon.   Si Wayne na ang nanguna sa paglalakad namin.   Siya kasi ang nakakaalam kung saan ang mismong lokasyon ng kweba, though, nararamdaman ko din naman ang presensiya na nangaggaling sa loob noon.   At lalo itong lumalakas habang papalapit kami at ngayon ko lubos na nasisiguro na tama ang hinala ni Orlean tungkol sa batang nasa sinapupunan ng kanyang anak.   “Half-blood vampire,” mahina kong sabi nang tuluyan naming marating ang bukana ng kweba. “Isang half-blood ang nasa loob ng kuweba.”   “Puntahan na natin nang sa gayon ay makita natin ang lagay ng mag-ina.”   Agad na kaming tumakbo papasok dito at nang tuluyan naming marating ang kadulo-duluhan ng kweba ay bumungad sa amin ang isang babaeng nakahiga sa isang kama habang may isang lalaki naman na nakaupo sa gilid nito habang hawak ang kamay ng babae.   “What the hell?”   Ang buong akala ko ay maliit pa ang sanggol sa sinapupunan ng anak ni Orlean pero kung titingnan ko ito ay mukhang nalalapit na ang panganganak nito.   Napalingon sa amin ang lalaki at mabilis na lumabas ang kanyang mga pangil nang makita kami.   “Oh, chill lang tayo,” mabilis kong sabi at itinaas ang aking dalawang kamay sa ere. “Pinapunta kami dito ni Orlean dahil nag-aalala siya sa kanyang anak at apo.”   “I-ipinadala kayo ng aking ina?” tanong ng babaeng nakahiga. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil mayroong nakatabing na manipis na tela sa gilid ng kanyang kama.   “May mga bampirang dumating kanina at parang may hinahanap,” sabi ni Wayne. “At napagtanto ng iyong ina na ikaw ang pakay ng mga bampirang iyon kaya naman nakiusap siya sa aking master na puntahan ka nang sa gayon ay masiguro ang kaligtasan nyong mag-ina.”   “Pero hindi ko inaasahan na mayroon ka palang kasama dito.” Bumaling ako sa lalaking bampira na hanggang ngayon ay masama pa din ang tingin sa amin.   “Kreyo,” malambing na sambit ng anak ni Orlean at doon tuluyang kumalma ang bampira na Kreyo pala ang pangalan.   “Pasensya na,” sambit ni Kreyo. “Ito lang ang unang pagkakataon na may pinagsabihan si Orlean tungkol sa kinalalagyan ng kanyang anak.”   “It’s fine.” Dahan-dahan na akong lumapit sa kama at natigilan ako pagkuwa’y nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang masilayan ang mukha ng buntis na babaeng nakahiga sa kama. “Mom–”   Agad akong hinila ni Wayne at itinago sa kanyang likuran bago pa man may lumabas na salita sa aking bibig. “Kung pagbabasehan ko ang iyong sitwasyon ay nalalapit na ang iyong panganganak. Tama ba?”   “Oo,” sambit ng babae. “Kaya inaasahan ko ang aking ina ang pupunta dito bukas ng umaga upang tulungan ako.”   Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses at pilit isinisiksik sa aking isip na hindi si Mommy Heya ang babaeng nakahiga sa kama.   Oo, kamukhang-kamukha kasi ni Mommy ang babaeng iyon at muntik na akong tumalon palapit sa kanya para mayakap siya dahil ang unang pumasok sa isip ko ay siya ang nanay ko.   Pero naalala kong nasa ibang panahon nga pala kami at ang babaeng ito ang posibleng pinakapinagmulan ng angkan namin.   Natauhan ako nang marinig ang malakas na sigaw ng babaeng iyon kaya agad akong umalis sa likuran ni Wayne.   At doon ko nakita na namimilipit na ito sa sakit kaya naman agad na akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang palapulsuhan.   “Damn it,” mahina kong mura matapos kong ma-check ang kanyang pulso. “Kailangan mo ng ilabas ang bata.”   “W-what?”   “Malalagay sa alanganing sitwasyon ang bata kung hindi mo pa siya ilalabas ngayon,” marahas kong sabi tsaka inalis ang kumot na nakatabing sa ibabang parte ng kanyang katawan.   Hinawi ko din si Kreyo dahil nakaharang siya sa kama at hindi naman siya nakapalag dahil muli na namang dumaing ng sakit ang babae.   “I need warm water, basin and lots of towel,” mabilis kong sabi at agad namang sumunod si Wayne. Sunod kong itinaas ang tuhod ng babae at tumingin sa kanya. “Wala akong nalalaman sa pagpapaanak kaya sana ay makisama ka dahil buhay ng anak mo ang nakasalalay dito. Nagkakaintindihan tayo?”   Mabilis siyang tumango.   “Okay.” Huminga muna ako ng malalim pagkuwa’y diretso siyang tumingin. “Start pushing the baby,”   Huminga din siya ng malalim pagkatapos ay nagsimulang umire.   “Ipagpatuloy mo lang iyan,” sabi ko habang sinisilip ang kanyang private part kung saan lalabas ang baby. “Just keep pushing.”   Dumating si Wayne dala ang mga hiningi ko kaya agad kong pinalibutan ng mga towel ang paglalabasan ng bata.   “Oh god!” mahina kong sambit nang unti-unti nang lumalabas ang ulo ng bata. “You are doing great,” sabi ko. “Keep doing it.”   Tumango siya pagkuwa’y umire ng mas malakas.   Sinimulan ko namang alalayan ang bata habang palabas ito.   “Just one big push!” udyok ko dito. “Isa nalang.”   At sa huling pag-ire niya, kasabay ng malakas niyang sigaw ay ang tuluyang paglabas ng bata sa sinapupunan ng babae. Inalis ko din agad ang umbilical cord na nagdurugtong sa nanay at bata pagkuwa’y hinawakan ko ang dalawang paa nito at itinaas patiwarek tsaka bahagyang pinalo ang puwet nito.   Ganito kasi ang nakikita ko sa mga palabas na aking napapanood noon. At nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang pag-iyak ng bata.   Agad kong kinuha ang mga basang towel at pinunasan ang baby tsaka ito binalot ng kumot.   Pinakatitigan ko muna ang baby at napangiti na lamang ako nang makita ang malaking pagkakahawig nito kay Daddy Oxeno.   Though I am not sure kung siya na nga ba ang baby na ito dahil may nauna pang mga half-blood bago siya.   “The mother is fine,” sabi ni Wayne matapos alamin ang kalagayan ng nanay. Siya na din ang naglinis dito kaya maayos na itong nakahiga sa kanyang kama. “And it looks like the baby is also fine.”   Ngumiti ako at tumango pagkuwa’y bumaling kay Kreyo na nasa tabi ng babae. “Would you like to hold your baby?”   Bakas ang pagdadalawang-isip sa kanyang mga mata at naiintindihan ko naman iyon dahil isa siyang bampira at ang bata ay ipinanganak na isang mortal pero makalipas lang ang ilang sandali ay tumango ito kaya naman dahan-dahan kong ibinigay sa kanya ang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD