Chapter 60

1227 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Aish!” Inis kong ginulo ang aking buhok pagkuwa’y marahas na tumayo at pinagpagan ang aking damit. “Bahala na!”   Tumayo na din si Wayne at kunot noo na tumingin sa akin. “Ano ang ibig mong sabihin sa bahala na?”   “We are already here, in the past,” sabi ko. “At kahit anong gawin nating pagmumukmok dito ay hindi tayo basta makakabalik sa mismong panahon natin. Hindi na din naman natin makakausap ang pamilya ko na gumawa ng spell na ito dahil hindi sila nag-e-exist sa parehong panahon. At kahit anong gawin natin ay hindi natin malalaman ang dahilan ng pagdadala nila sa atin dito kung mananatili lang tayo dito.”   “So?” aniya. “Ano ang gagawin natin ngayon?”   “First,” sabi ko. “Kailangan nating malaman kung anong taon sa nakaraan itong pinagdalhan sa atin. Second, kailangan nating malaman kung ano ang sitwasyon sa bansang ito sa panahong ito nang sa gayon ay alam din natin kung ano ang dapat i-expect na sitwasyon na makakaharap natin sa pagtatagal dito.”   “Well, iyan lang naman ang magagawa natin ngayon.” Inalis niya ang bandana na nakabalot sa kanyang leeg pagkuwa’y ipinatong iyon sa ulo ko. “Mas mabuti ng takpan mo muna iyang buhok mo.”   Napahawak ako sa buhok ko.   And he is right.   Isa ang buhok ko sa patunay na ako ang half-blood na nagmula sa Ehrenberg Clan na siyang nagtataglay ng malakas na kapangyarihan na pinagpapasa-pasahan nito.   Kaya nga agad akong nakilala ni Mommy Heya at Kei noong napunta kami ni Graysean sa panahong buhay pa siya at katatalaga lamang bilang crown prince ni Kei dahil sa kulay ng buhok kong ito.   “Kung tama ang iniisip mo na maaari tayong makagulo sa panahong ito, mas mabuti nang walang makakaalam sa kung ano ang katauhan mo,” dagdag niya. “Mas makakabuti na din kung mag-iingat tayo.”   “You are right,” sabi ko. Saglit ko munang itinali ang aking buhok tsaka ibinalot ang bandana na iyon sa ulo ko. “Let’s go.”   Sinimulan na namin ang paglalakad at tinahak ang masukal na kagubatan na bumabalot sa amin ngayon.   Kung pagbabasehan ko ang terrain na aming tinatahak ay nakasisiguro akong isang bundok ang kinalalagyan namin ngayon.   Ngunit hindi ko alam kung anong bundok na ito.   Naakyat ko na naman kasi ang halos lahat ng bundok sa buong Valier ngunit hindi ko maalala sa mga iyon ang ganito kasukal na gubat.   “Pamilyar ang lugar na ito,” sabi ni Wayne. Siya ang nangunguna sa paglalakad namin dahil kahit nasa ibang panahon kami ay gusto niyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang protector ko.   “Really?” tanong ko. “Sa tingin mo ay parte pa din ito ng Valier?”   Tumango siya. “Yes,” aniya. “Pero hindi ko sigurado kung tama ba ang pakiramdam ko dahil ibang-iba ang kapal ng mga puno sa panahong ito.”   “Anong lugar ba ito sa tingin mo?” tanong ko.   “Ehrenberg Mountain.”   Nanlaki ang mga mata ko at natigil sa paglalakad. “Seryoso ka?”   Bumaling siya sa akin at muling tumango. “Sa Ehrenberg Mountain kami lumaki ni Zeri at ang bawat parte ng bundok na iyon ay pamilyar sa amin. Doon kami sinanay ng mga magulang namin kaya hindi ako maaaring magkamali sa nararamdaman ko ngayon.”   “If this is Ehrenberg Mountain, ibig sabihin ay nasa panahon tayo kung saan hindi pa ito pag-aari ng angkan ko at hindi pa itinatayo ang mansion sa tuktok ng bundok na ito.”   Flat surface lang naman kasi ang bumungad sa amin nang makarating sa panahong ito kaya iyon ang unang pumasok sa isip ko.   At ang kinatatayuan namin kanina ay ang mismong library kung saan ko na-trigger ang time travel spell na nakalagay sa mga libro.   “Oh my god!” Napatapal ako sa noo ko. “Sobra-sobrang layo naman ng nakaraan na napuntahan natin.”   “Sa tingin mo ba ay ito ang panahon kung saan nangingibabaw ang pagiging halimaw ng mga bampira habang mga alipin lamang ang mga mortal?” tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko. “Well, iyan ang unang simula ng kasaysayan ng bansang ito, hindi ba?”   Walang pakialam ang mga bampira noon kundi ang kanilang pagkauhaw sa dugo at wala silang ipinapakita na kahit na anong awa sa mga mortal dahil para sa kanila, isa lamang itong pinagkukunan ng kanilang pagkain at alipin na walang ibang dapat gawin kundi ang pagsilbihan sila.   At ang alam ko, noong unang panahon ay ipinagbabawal ang relasyon sa pagitan ng mga mortal at bampira upang maiwasan ang pagsilang ng mga half-blood vampire na itinuturing na siyang tatapos sa lahi ng bampira.   Ang sinumang mahuhuli na lumalabag sa batas na ito ay agad na may kapalit na kamatayan para sa dalawang sangkot sa bawal na relasyon. Agad ding papaslangin ang half-blood vampire na bunga ng kasalanang ito upang masiguro na hindi na ito lalaki pa at magiging isang banta sa pamumuhay ng mga bampira.   Maliban pa doon ay sa panahon ding iyon ay wala pang kakayahan ang mga bampira na magbilad sa ilalim ng sinag ng araw kaya madalas silang lumabas sa kani-kanilang tahanan kapag lumubog na ito.   Tumingala ako sa langit.   Mataas pa ang araw at tingin ko ay maliwanag pa sa oras na marating namin ang paanan ng bundok na ito.   Ngunit ang sasalubong sa amin sa ibaba ang iniisip ko.   Maliban sa mga nabanggit ko ay wala na akong iba pang alam sa mga nangyayari sa panahong ito.   Maliban sa pagiging food source at slaves ay wala na akong alam sa kung paano nabubuhay ang mga mortal dito.   Kaya maaaring hindi maging maganda ang kanilang reaksyon kapag nakita kami. Baka matakot sila o kaya naman ay agad na magsumbong sa kanilang pinuno kapag nakita kami.   Kahit na isa akong half-blood, higit na nangingibabaw sa akin ang pagiging bampira na siyang dahilan kung bakit nagagawa kong gamitin ang lahat ng kakayahan at abilidad na mayroon ang isang bampira.   Habang si Wayne ay kahit sabihing isang mortal ay nangingibabaw pa din sa kanya ang dugong ininom nila na galing sa akin na siyang pinagmumulan ng kanyang kakayahan na wala ang mga normal na tao.   Bumuntong hininga ako at tumingin kay Wayne. “Hindi ko alam kung ano ang dadatnan natin sa pagbaba sa bundok na ito. Kaya mas makakabuti kung magiging maingat tayo.”   “I understand.”   Umiling ako. “What I am trying to say, Wayne, you have to make sure that you will prioritize yourself--”   “Alam mong iyan ang huling bagay na gagawin ko, Heydrich.”   “But--”   “I am from Andrade Clan who swore to serve and protect you so please, don’t take away the only reason for my existence,” sabi niya. “Alam kong may kakayahan kang pangalagaan ang sarili mo pero may mga bagay pa din na alam kong magagawa ko para sa iyo.”   Tinitigan ko siya at bakas sa kanyang mga mata ang determinasyon na protektahan ako kaya naman napabuntong hininga na lamang ako. “Fine. Pero gusto kong siguraduhin na hindi mo kailanman isasaripisyo ang sarili mo, okay? Hangga’t mayroon tayong nakikitang paraan, ipa-prayoridad mo ang kaligtasan nating dalawa.”   Mabilis siyang tumango. “I promise.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD