Chapter 59

1108 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Wayne!” malakas kong tawag dito habang hindi inaalis ang tingin ko sa imahe na nabuo ng mga pinagpatong-patong kong libro na mayroong shades sa gilid nito. “Wayne!”   “Heydrich?”   Bumaling ako sa pinto ng library at doon nakasilip na si Wayne at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. “Look!” Itinuro ko ang mga librong nasa harap ko.   Agad nalipat ang kanyang tingin doon at nanlaki ang kanyang mga mata.   “Alam mo ba ang ibig sabihin ng markang iyan?”   Hindi siya nagsalita. Dahan-dahan lang siyang naglakad hanggang sa matigil siya sa aking tabi. At sa mga sandaling iyon ay hindi man lang niya inaalis ang tingin niya sa marka na aking nabuo sa mga pinagpatong-patong na libro tungkol sa mga nangyari sa Valier noong unang limang daang taon matapos akong mawala.   “Hey!” Tinapik ko ang kanyang balikat kaya napatingin siya sa akin. “Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?”   Tumango siya. “Yes.”   “Really?”   Muli siyang tumango. “Actually, I am pretty sure that you also know this mark. You already saw this mark, two thousand years ago.”   Kumunot ang noo ko. “What do you mean?” Ibinalik ko ang tingin sa marka na iyon. “As far as I know, ito ang unang beses na nakita ko ito.”   “You probably forgot about it but this mark...” Tinuro niya ang markang iyon. “That was the symbol that you can see once you use a time travel spell.”   Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?”   I was about to do something but the mark in front of us suddenly shone brightly. At sa sobrang liwanag nito ay halos hindi na ito kayanin ng aming mga mata kaya napapikit na lamang kami.   At naramdaman ko na lamang ang paghawak sa akin ni Wayne kasabay ng mainit na pakiramdam na bumalot sa buong katawan ko.   Ngunit ilang sandali lamang ay unti-unti ding nawala ang pakiramdam na iyon kasabay ng pagkawala ng liwanag kaya agad na akong dumilat.   At nanlaki na lamang ang mga mata ko nang mabugaran ang isang hindi pamilyar na lugar. “Where the hell are we?”   Bumitaw sa akin si Wayne at agad na inilibot ang paningin sa paligid. “I don’t really know. But I am sure that this is not our era.”   “Sa tingin mo ba ay nag-time travel talaga tayo?”   Tumango siya. “And I don’t have a good feeling about this.”   “Yeah.” Iginala ko ang tingin sa paligid. At tulad niya ay hindi din maganda ang pakiramdam ko sa paligid.   Ibang-iba ang pakiramdam ko kumpara sa nangyari noong nag-time travel kami ni Graysean. As if it was not meant for me to use this time travel spell.   “What are we going to do now?” tanong niya sa akin. “Tingin ko ay hindi tayo basta makakabalik sa panahon natin.” ` “Kung ang proseso ng pagbabalik natin sa panahong ito ay katulad noong kami ni Graysean ang nag-time travel, ibig sabihin ay kailangan nating hanapin ang trigger para muling mag-activate ang spell at maibalik tayo sa panahon natin,” sabi ko.   Bumaling siya sa akin. “But the trigger that you and Graysean activated last time was the spell in the tower that already existed in both era, right?”   Tumango ako.   “Sa pagkakataong ito, ang mga librong pinagpatong-patong mo ang naging trigger para ma-activate ang spell,” aniya. “At sa panahong ito, hindi pa nag-e-exist ang mga librong iyon.”   Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang bagay na iyon.   Naging madali ang pagbabalik namin ni Graysean sa sariling panahon dahil hindi nawala sa parehong panahon ang kinalalagyan ng spell.   At kung pagbabasehan nga namin ang nakikita namin sa paligid ay muli na naman akong bumalik sa nakaraan. Sa panahon kung saan hindi pa sinusulat ng pamilya ko ang mga librong iyon.   Inis kong ginulo ang aking buhok at napaupo sa sahig.   Gusto ko lang namang alamin ang mga nangyari noong mga panahong mahimbing ang aking pagtulog sa loob ng aking kabaong nang hindi ko na kinakailangan pang i-consume ang dugo ni Wayne at kunin ang alaala ni Kei.   Pero hindi ko inaasahan na sa ganitong problema pala mauuwi ang lahat.   Kung saan muli akong mapupunta sa nakaraan at sa pagkakataong ito ay hindi pa malinaw kung saang parte ito ng nakaraan.   At hindi pa maganda ang pakiramdam ko sa panahong ito.   Kakaiba kasi ang atmosphere na bumabalot sa kinatatayuan namin at naaamoy ko ang panganib sa iba’t-ibang direksyon kaya hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin?   Noon kasi ay nakatadhana talaga na bumalik kami sa nakaraan upang mangyari ang mga mahahalagang pangyayari na mayroon sa kasalukuyan. Kaya naman hindi kami natatakot ni Graysean na baka may mabago kami sa tunay naming panahon.   Isa pa, nakatanggap kami ng guide mula kay Mommy at kay Lolo.   Pero sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay hindi kami dapat napunta sa panahong ito. Hindi ito nakatadhana kaya anumang bagay na aming gawin ay maaaring makagulo sa mga mangyayari sa hinaharap.   Naupo si Wayne sa harap ko at ipinatong ang kanyang kamay sa aking ulo. “Aware ako na masama ang nararamdaman mo sa panahong ito. Alam kong iniisip mo na hindi itinadhana ang pagdating natin dito kaya anumang gawin natin ay maaaring makagulo sa hinaharap ng bansa.”   “Iyan talaga ang iniisip ko.”   “Pero hindi mo ba naisip na maaaring pinlano ito ng pamilya mo?” aniya. “Sila ang lumikha ng mga librong pinaglagyan ng spell kaya sigurado ako na intensyon talaga nila na dalhin ka dito sa panahong ito.”   “You… actually have a point,” mahina kong sabi.   Mayroong proteksyon ang buong Ehrenberg Mountain. At sa tulong ng mga Andrade ay hindi nagawang makapasok ng kahit na sino sa mansion para pakialaman ang aming mga gamit kaya malaki nga ang posibilidad na ang pamilya ko mismo ang nasa likod ng time travel spell na ito.   At alam nila na ang unang gagawin ko para malaman ang mga pangyayari sa mga nakaraang taon na mahimbing ang aking pagtulog ay ang pagbabasa ng mga libro na kanilang isinusulat.   “They probably know that you first look for those books and you will immediately notice those shaded parts of it,” dagdag niya.   “At alam nila na masyadong malalim ang kuryusidad ko kaya ia-arrange ko iyon hanggang sa tuluyang mabuo ang marka ng spell na iyon,” dagdag ko naman. “But why here?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD