Awakening of the Half-Blood's Last Chapter

2305 Words
"Richelle Clan is here to serve you, Heydrich Ehrenberg." Iyan ang bungad sa akin ni Uno nang tuluyan silang makarating sa mansion. Kasama niya ang kanyang buong angkan, maging ang ilang mga tauhan na tapat na naglilingkod sa kanya. "We will fight for you no matter what happens." Ngumiti ako sa kanya. Alam ko naman na kahit anong mangyari ay manamatiling nasa tabi ko ang mga Richelle lalo pa't hanggang ngayon ay nabubuhay pa si Uno na siyang itinuring ko ding ama noong bata pa ako. Kaya hindi na ako nagtaka pa nang bigla silang dumating dito sa Ehrenberg Mountain dala ang lahat ng kanilang sandata. Kalat na kasi sa buong bansa ang paghahanda ng palasyo ng kanilang hukbong militar upang sugurin ang salarin sa pagsabog na naganap sa Rogue City. At hindi lang ang mga Richelle ang dumating matapos makarating sa bawat sulok ng bansa ang balita tungkol sa ginagawa ng mga Shiann. Maging ang ilan pang miyembro ng angkan ng Andrades na piniling magkaroon ng maayos at tahimik na buhay ngunit ngayong diretsahan nang pinagtatangkaan ng mga Shiann ang buhay ng isang Ehrenberg ay agad-agad silang bumalik dito upang sumumpa ng katapatan sa akin at nangakong lalaban sila upang protektahan ako. Naglabasan din ang iba pang mga bampirang nagtatago sa iba't-ibang parte ng bansa upang pumanig sa akin at magparamdam ng suporta dahil alam nilang walang karapatan ang mga Shiann na gawin sa akin ang bagay na ito. At hindi lamang sila ang bigla na lamang dumating. Ilang grupo din ng mga seirei ang dumating upang tumulong sa akin kapag nagsimula nang sumugod ang mga Shiann. At marami pang iba na talagang hindi ko inaasahan na sa akin papanig kahit madami-dami namang nagawa ang mga Shiann para sa bansang ito. "I didn’t know that there are so many people who are actually willing to serve you without being asked.” Hindi makapaniwala sina Hei, Ara at Greeny habang nakikita nila na patuloy ang pagdating ng iba’t-ibang nilalang na siyang sumusumpa ng kanilang katapatan sa akin. “Ito ba ang resulta ng lahat ng kabutihan na nagawa ng mga Ehrenberg para sa bansang ito?” tanong ni Hei. “Noon kasi na ang mga Sierra o ang iba pang monarch vampire clan ang sinisira ng mga Shiann, wala namang tumulong sa bawat angkan na iyon upang lumaban kaya tuluyan silang naubos.” “Correction,” singit ni Uno. “Hindi kami narito para sa mga Ehrenberg. Nandito kami para lumaban sa tabi ni Heydrich at protektahan siya sa abot ng aming makakaya.” Kumunot ang noo ni Hei. “Anong kaibahan?” “It was Heydrich who actually helped us and not the Ehrenberg clan so it was a big difference. Most of the people here don't really know much about Ehrenberg clan,” paliwanag ni Uno. “At ang lahat ng narito at ng mga dumadating pa ay kapareho lang din ng aming dahilan. Iyon ay ang paglingkuran, lumaban sa tabi nito at protektahan siya.” “But she doesn't need protection,” sabat ni Ara. “Like duh! She is now the most powerful person in the whole Valier. Kaya magiging madali lang sa kanya kapag nilabanan niya ang mga Shiann na iyon.” “Pero hindi iyon ganoon kadali,” sabi ko. Kahit sabihin na masyadong marami ang pumapanig sa akin ngayon, hindi pa din sasapat ang bilang natin kung idadamay na din ng mga Shiann ang publiko. Oo, sinabi kong hindi nila masisira ang pangalan ko o ng angkan ko sa publiko. Hindi nito basta paniniwalaan ang anumang bagay na kanilang sabihin tungkol sa amin because we have done so much for this country. Pero hindi ibig sabihin ay hindi din nila maaaring gamitin ang publiko laban sa akin. And yes, they are planted bomb around the whole country and they are using the public as their hostage for me to get out of this mountain and face them. “They are getting bolder,” sabi ni Wayne tsaka iniharap sa akin ang isang cellular tablet kung saan ipinapakita ang live news feed ng paghahandang ginagawa ng mga militar sa royal palace. “Public opinion are still sided with us pero sa sitwasyon ngayon ng mga Shiann, wala na silang pakikinggan pa. Ang kagustuhan lang nilang mawala ka sa landas nila ang tanging nasa isip nila.” “Yeah,” sagot ko. “They don’t really care about the public opinion. Especially now that they already got everything they need from them.” “Hindi pa din ba tayo kikilos?” tanong ni Xan. “Aba’y mas makakabuti kung tayo na ang unang kikilos nang sa gayon ay tayo ang makalamang sa kanila.” “Xan, alam mong hindi basta-basta ang palasyo,” sabi ko. “Isa pa din akong half-blood ng Ehrenberg Clan kaya isang trap lamang sa akin kung ang palasyo ang gagawin nating arena. “Aba’y lalong hindi naman pwede dito,” sabi niya habang nakaturo sa lupa. “And you should know why.” Hindi na ako sumagot pa dahil alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Hindi lang naman kasi isang simpleng tirahan ng mga Ehrenberg ang bundok na ito. Hindi lang ito simpleng bundok na napiling pagtaguan ng angkan ko. They actually choose to live and stay here for one only reason. To protect the Valier’s core. That core is inside the mountain and only a few people in our race knew about this thing. And this core is the source of all power that all the creatures living in this land possess. At ang pagprotekta dito ang kahuli-hulihang tungkulin ng isang half-blood vampire ng aming angkan bago kami tuluyang maging isang full-blooded vampire. Kaya may barrier ang buong bundok. Hindi lamang ito para protektahan ang mga Ehrenberg kundi para na rin maiwasan na makapasok ang ibang nilalang sa lupaing ito at madiskubre nila ang tungkol sa core. “You should start to think of a plan,” sabi ni Xan. “Dahil kapag sila pa ang pinauna mong makarating dito, nasisiguro ko sa iyo na ikaw ang higit na mahihirapan dahil higit na mahalaga sa isang tao ang kailangan mong protektahan sa lugar na ito.” Napabuntong hininga ako. I don’t really want to fight anyone inside the castle. Minsan ko na iyong nagawa at hindi ko nagustuhan dahil nalilimitahan ang galaw ko na pinakaayaw na ayaw ko dahil pakiramdam ko ay nagiging pabigat ako sa mga kasama ko. Pero mukhang wala na naman akong choice kundi dalhin doon ang magiging laban namin ng mga Shiann. Bumaling ako kay Wayne. “Sabihan mo ang lahat na maghanda. Tayo na mismo ang susugod sa palasyo.” Tumango siya at mabilis na umalis. Bumaling naman ako kay Xan. “Ikaw, sabihan mo si Uno. We will proceed to our initial plan on getting back the throne.” Ngumiti siya pagkuwa’y sumaludo. “On it.” At mabilis ding tumakbo para puntahan si Uno. Doon naman ako napalingon kay Greeny. “Are you okay?” Umiling siya. “To be honest, I don’t really know what I am feeling right now,” aniya. “Alam kong nararapat lang na mabawi niyo na ang trono sa mga kapatid ko dahil hindi din naman maganda ang ginagawa nila sa bansang ito pero hindi ko pa din maiwasan ang mag-alala sa kanila dahil pamilya ko pa din naman sila.” “You don’t really have to worry about them,” sabi ko. “Well, at least not on your brother.” Kumunot ang noo niya. “Why?” “Your brother is just actually a puppet in the throne,” sabi ko. “Wala siyang kakayahang maging isang tunay na emperador na sinamantala ng nakababata nyong kapatid na siyang nagmamanipula sa lahat ng nangyayari sa buong palasyo.” “What?” “You didn’t know,” sabi ko. Umiling siya. “I know that my sister is actually a cunning woman who will do everything she can to get what she wants. But I didn’t expect it to be this kind of horrible.” “Tingin ko ay ito talaga ang plano niya kaya siniguro niya na hindi mapapalitan ang konstitusyon at mananatiling lalaki lamang ang maaaring maupo sa trono,” sabi ko. “Dahil plano na niyang kontrolin na lamang ang kapatid mo.” “Oh my god!” Napatakip siya sa kanyang bibig. “So, like what I said, you don’t really need to worry about your brother because I will not do anything to him,” dagdag ko. “Worry about your sister because she is the one that I really want to kill.” “She is Kresha,” biglang sabi ni Ara na ikinalingon namin sa kanya. “She is the reincarnation of my grandmother.” Tumango ako. “I know.” Yes, ang nakababatang kapatid ni Greeny ay ang reincarnation ni Kresha Sierra na siyang walang sawang gumugulo sa katahimikan ng Valier Kingdom. Minsan ko nang nakita ang babaeng iyon noong pumuslit ako papasok sa loob ng palasyo at nakasisiguro ako sa presensya na naramdaman ko sa kanya kaya agad akong nag-imbestiga. Doon ko nalaman na mayroon talagang ugnayan sina Ara at ang babaeng iyon kaya nang makaharap ko si Heidi ay agad kong nakumpirma ang muling pagkabuhay ni Kresha. “And she is different from Heidi,” sabi ko. “Heidi was just borrowing my body so even though she can use the full extent of my power, she has a time limit over it. And she needs a lot of shiann blood to make herself healthy and stronger.” “But that woman doesn’t really need shiann blood,” sabi ko na agad niyang tinanguan. “And you are saying that she is stronger than me.” Umiling siya. “I know that you are stronger and powerful but…” Kumunot ang noo ko. “But?” “She is more cunning than you and I am afraid that you might be able to fall into her trap without even realizing it,” aniya. And I can say that it wouldn't be impossible to happen. Kresha is a smart, cunning and tricky woman. Aside from that, she has a lot of experience in so many things. That is why I really need to be careful because this one is not someone I can really fight face to face. Or else, posibleng ako naman ang mamatay sa pagkakataong ito dahil ako na ang lalaban sa kanya. And I can’t let that happen. Kung noon ay nakahanda naman akong mamatay dahil pagod na ako sa lahat ng responsibilidad na pilit ipinapasa sa akin ng tadhana, ngayon naman ay lalabanan ko ang tadhana kung kinakailangan masiguro ko lang na mabubuhay ako ng matagal. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na muli ko nang makasama si Kei at magkaroon na ako ng pagkakataon na mabuhay ng tahimik at payapa sa bansang ito. Bumuntong hininga ako at tinapik ang kanyang balikat. “I won’t promise anything about not falling into her trap but I can promise one thing.” “What is it?” “I’ll stay alive,” sabi ko. “Until the day I finally meet your father again.” ********** “Sigurado ka ba sa plano mong ito?” tanong sa akin ng kasama ko habang dahan-dahan kaming pumupuslit sa loob ng isang mansion na matagal ko nang pinaplanong puntahan. “Baka mapatay tayo ng wala sa oras kapag may nakahuli sa atin.” “Talagang may makakahuli sa atin dahil wala kang tigil sa kakasalita,” singhal ko sa kanya. “Manahimik ka na nga lang diyan. May kailangan lang akong kausapin dito.” Inis niyang ginulo ang kanyang buhok. “Sana ay tinawagan mo nalang siya noh. O kaya naman ay normal tayong kumatok sa kanyang bakuran nang sa gayon ay hindi tayo nagmumukhang assassin na pumupuslit sa bakuran ng may bakuran para patayin ang target natin.” “Gago!” Inis ko siyang binatukan na ikinasimangot niya. “Maayos akong pumasok dito noh.” Inilabas ko pa ang invitation paper na ibinigay sa akin kanina sa gate na nasa paanan ng bundok na ito matapos kong sabihin kung sino ang sadya ko. “Ayan ang katibayan na kusang loob akong pinapasok ng may-ari dito.” “Oh.” Kinuha niya iyon. “Mayroon ka pala nito. Eh bakit pa tayo pumupuslit kung pwede naman pala tayong maglakad na lang ng normal.” Akma siyang lalabas sa pinagtataguan namin ngunit mabilis kong hinila ang kanyang kwelyo. “Aray!” daing niya. “I am avoiding someone here, okay,” sabi ko. “Kaya makisama ka na lang. Hindi kami pwedeng magkita ng babaeng iyon.” Kumunot ang kanyang noo habang inaayos ang kwelyo ng damit. “Bakit hindi kayo pwedeng magkita? May problema ba sa inyo?” Umiling ako at napasandal sa pader na pinagtataguan namin nang maalala ko ang mga mata ng babaeng iyon. “That is the problem, dude,” sabi ko. “Wala kaming problema sa isa’t-isa pero nakakaramdam ako ng nakakalokong feelings para sa kanya na para bang matagal ko na siyang kilala.” “In love ka?” Bumuntong hininga ako at umiling. “I don’t really know. Basta ang alam ko lang ay sa tuwing nakikita ko siya ay naba-blanko ako at walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mukha niya.” Kaya mula noon ay lagi na akong umiiwas na makipagkita sa kaibigan ko sa eskwelahan na pag-aari niya dahil masyado pang maraming bagay sa buhay ko ang kailangan kong asikasuhin na higit kong dapat pagtuunan ng pansin. At inaasahan kong ang nalalapit na digmaan sa pagitan ng pamilyang pinagmulan ko at ng pamilya ng mga huling half-blood vampires na siyang nagligtas sa aking buhay, ang tatapos sa lahat ng problema, hindi lang ng sarili ko kundi maging sa problema ng buong Valier Kingdom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD