Chapter 116

1127 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hindi na nakakapagtaka na nagsimula nang kumilos ang mga Shiann at hindi ko na ipinagtataka iyon lalo na't alam ko ang ugnayan nila kay Heidi. At nagsimula na silang kabahan na baka gumawa kami ng hakbang na siyang magbubulgar sa kung ano ang katauhan nila ngayon kaya naman inuunahan na nila kami. But it doesn't really concern me because things like that have only one result. Civil war. Again. At kahit anong gawin ko, nakaukit sa tadhana ng bansang ito ang paulit-ulit na makaranas ng digmaan sa pagitan mismo ang mga mamamayan nito. Matitigil lamang ito kung ang mauupo sa trono at mamumuno sa buong bansa ay ang nilalang na bunga ng dalawang angkang pinagbuklod ng mga makapangyarihang nilalang. Mai, the seirei friend I have that has been resting together with Graysean right now, said before that the one who should be leading this country is Heya and Kelliar's children. So, kahit sino sa aming magkakapatid. Pero nagbago na ang lahat ng iyon at ako na ang tinutukoy na siyang nararapat na pinuno ng bansang ito dahil hindi lamang kapangyarihan ng mga Ehrenberg ang pinanghahawakan ko ngayon. Nasa akin na din ang halos nasa kalahati ng kapangyarihan ng mga Sierra and that made me the perfect leader of Valier Kingdom who has the huge amount of power that can be use to protect the whole country against invaders. "What are we going to do now?" tanong sa akin ni Zeri nang tuluyan kaming makarating sa silid ng ikalawa niyang pasyente. "Shiann is now after us. And I am sure that they are starting to ruin your family's name." "The public is not going to believe them so you better calm down." Tinapik ko ang kanyang balikat. "Tsaka na natin pag-usapan iyan at tatapusin ko muna ito." Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto at napalingon sa akin ang taong gumagamit ng silid na ito. "You are finally here." Ngumiti siya at tumayo pagkuwa'y bahagyang yumuko. "I don't really know what happened but I am sure that you are the reason why I am still alive right now so I have to thank you." "Don't be so formal, Ara," sambit ko tsaka naupo sa gilid ng kama niya. Yes, Tamara Sierra, Kei's daughter, is still alive. Nag-angat siya ng tingin at nanatiling nakatayo. "How did you save me?" "I killed you," sabi ko. "Literally. I stopped your heart." "Yeah, I remember that," aniya pagkuwa'y itinuro ang kanyang dibdib. "Ipinasok mo dito ang kamay mo at hinawakan ang puso ko. Piniga ito hanggang sa tuluyan akong hindi makahinga." "Iyan nga ang nangyari," sambit ko. "But to be honest, mayroong isang paraan upang mailigtas ka at tuluyang mawala sa katawan mo si Heidi." Kumunot ang noo niya. "Akala ko ba ay wala nang paraan?" "If I only have the power of the Ehrenberg clan, wala talaga akong maitutulong sa iyo," sabi ko. "But since Kei passed his powers to me, I managed to create a spell just to save you from getting consumed by Heidi and totally getting rid of him." "H-how?" tanong niya. "How did you do that?" "I had to kill you first," sabi ko. "Iyan ang pinakaunang proseso na talaga namang delikado kaya hindi ito itinuturo sa ibang monarch vampire pero lahat ng nagiging pinuno ng bansang ito ay alam ang ritual na ito." "So, I am really dead?" "Yes, you died," sagot ko. "But I resurrected you." Nanlaki ang mga mata niya. "What?" "I had to kill you so Heidi's soul will immediately get out of your body," paliwanag ko. "Then, I sealed his soul in a sacred object so that she will never be reincarnated or even resurrected again by anyone. After that, I started the ritual to resurrect you." I made sure that her body is still warm while doing the ritual so that her soul will recognize her body and no other soul will dare to steal her lifeless body. Isa pa, mas malakas pa din ang koneksyon ng isang mainit-init pang bangkay sa kanyang kaluluwa kaya madali lamang ang nangyaring pagbuhay sa kanya. And I succeeded. Tamara is still alive and well. Pero dahil masyadong matagal na panahon ding nanatili si Heidi sa kanyang katawan ay kakailanganin niya nang matinding training upang bumalik sa dati ang lakas ng kanyang katawan. Tumingin siya sa salamin at pinakatitigan ang kanyang sarili. "Then, hindi nga ako nananaginip." "This is definitely a reality," sabi ko sa kanya. "So you better believe it yourself." Bumaling siya sa akin at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi na lamang ako pumalag pa dahil alam kong masyado lang siyang masaya sa nagawa ko para sa kanya. "Thank you so much, Lady Heydrich," masaya niyang sabi. "Maraming-maraming salamat sa pagkakataong ito." "You don't really need to thank me," mahina kong sabi. "Hindi lang talaga kaya ng puso ko na nakikitang umiiyak si Hei. Kaya agad akong nag-isip ng paraan upang iligtas ka dahil mahal na mahal ka ng babaeng iyon." Maliban pa doon ay naniniwala akong hindi nila deserve ang lahat ng paghihirap at pagdudusa na dinanas nila sa kamay ng mga ganid at masamang nilalang na kanilang nakilala noong mga panahong wala ako sa buhay nila. "Isa pa, hindi libre ang ginawa kong pagliligtas sa iyo." Napakalas siya ng yakap sa akin. "What should I do to make it up for what you have done to me?" "The payment has been done so wala ka nang ibang gagawin pa," sabi ko. "The ritual itself actually needs something to offer for it to successfully resurrect a dead person. And the ritual itself was the one who chose what to take." Napalunok siya ng sariling laway. "W-what did it take away from me?" "Your blood." Nanlaki muli ang kanyang mga mata. "You are not a monarch vampire anymore," sabi ko. "You are just a simple elite vampire who is bonded with me by a blood contract so from now on, you will be one of my servants." Alam kong labis ang pagpapahalaga niya sa kanyang dugo kaya nga nahihirapan akong pakiharapan siya dahil ako ang nagsimula ng ritual kahit na ginusto na din naman talaga niyang mamatay. Kaya inaasahan ko na malulungkot siya ngunit hindi iyon ang nangyari. Dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang labi hanggang sa tuluyan siyang ngumiti ng pagkalapad-lapad dahil sa sobra niyang katuwaan. It was kind of weird since it was like she was being demoted from our race but instead of crying over it, it seems like she actually love what just happened to her. "I always wanted to become a simple person only," aniya. "Being a heiress means nothing to me so I think what just happened in the ritual is kinda like a blessing in disguise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD