The Half-Blood's Last Battle

1175 Words
Three years later; Damn it! “Graysean! I told you not to attract them here!” sigaw ko kay Graysean na ngayon ay abala sa pakikipaglaban sa mga Shiann vampires na kanyang tinawag kanina. “Sorry, sis,” aniya nang hindi na nag-aabala pang tumingin sa akin at patuloy na lamang sa pakikipaglaban. “You know that I need this training, right? Ilang taon ding hindi gumalaw ang katawan ko kaya kailangan kong mag-exercise.” “This is not simple training, you idiot!” Inis kong sinipa ang huling Shiann vampire na siyang kalaban ko tsaka lumapit kay Graysean na katatapos lang ding pulbusin ang kalaban niya. “I told you that we are here to investigate the site and look for more survivors discreetly.” Napakamot siya ng ulo at nakangusong tumingin sa akin. “I’m sorry.” Tinitigan ko siya at alam kong hindi naman talaga siya bukal sa loob niya ang pagso-sorry niya dahil para sa kanya ay talagang kailangan niyang makipaglaban nang masiguro niyang nasa kundisyon ang kanyang katawan kapag napasok na kami sa sitwasyong hindi namin inaasahan. Halos wala pang isang buwan nang gisingin namin siya at nag-a-adjust pa lang ang kanyang katawan sa matagal na panahong pagkakahimbing. But things are different as of this moment so we have to do our best to move as silently as we can to avoid getting into any kind of trouble. Three years has passed since the Shiann declare their war against the Ehrenberg and to be honest, hindi ko inaasahan na ganito kalala ang kahahantungan ng lahat. What I had in mind before is absolutely correct. The Shiann Clan turned all of their members into a vampire and that is the main reason why they have laboratories underground where they do their experiments. Aside from that, they also turn ordinary humans that work for them and they all become rogue vampires because the process that they did to those poor people is not right. And since they become a rogue vampire, they don’t have control of their own body so they just attacked every human they see when the Shiann decided to let them loose around the city. Nagkagulo ang buong bansa dahil sa bampira na kanilang pinakawalan. At masyado nang huli nang malaman namin ang nangyayari kaya hindi na namin napigilan ang pagkamatay ng maraming mortal. At dahil masyado ng nagkakagulo ay wala na kaming ibang inisip kundi ang kaligtasan na lamang ng mga walang labang mortal kaya pinapasok na namin sila sa loob Ehrenberg Mountain. Wayne and Zeri prepare a site for them to use at the clear field we have in this mountain. They also build tents for the humans to use as their temporary shelter and of course, we also give them their everyday needs such as foods, clothes and other necessities that they will have to use. And for the past years, natuto naman na makisama ang mga mortal na tinulungan namin kahit pa alam nila na may mga bampira kaming kasama sa loob ng Ehrenberg Mountain. At nagtutulong ang dalawang lahi na matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Nagtutulong din sila sa mga gawain maging sa paniniguro na magiging ligtas ang paligid ng bundok. Hindi lahat ng mortal ay nagawa naming iligtas sa pagwawala ng mga bampira. Tanging ang mga malapit lamang sa paligid ng bundok ang nagawa naming mapapasok habang ang mga nasa malayo ay nagkanya-kanya ng takbo. Hindi na din namin natugunan ng tulong ang iba pang lugar sa buong bansa. Ang tanging alam ko lang ay may ibang grupo din ang nag-alok ng tulong sa mga nangangailangan at sa mga lugar nila naninirahan at nananatili ang ilang mortal. Sa totoo lang ay madali naman sa akin na tapusin ang lahat ng bampira na pinakawalan ng mga Shiann. Ngunit mayroong kakaiba sa mga ito na siyang dahilan kung bakit pilit akong binabawalan ng mga kasama ko na harapin sila nang mag-isa. At iyon ay ang virus sa kanilang katawan na siyang nagiging dahilan kung bakit kahit nasisikatan sila ng araw ay hindi sila nagiging abo. At kahit patayin namin sila, hangga’t hindi nadudurog o nabubutas ang kanilang utak ay mananatili silang buhay. Hindi ko alam kung anong klaseng virus iyon pero ayon kay Greeny ay isa iyon sa virus na pinag-aaralan ng kanyang kapatid na si Katheryne na siyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Tuluyan lang namamatay ang mga bampirang iyon at nagiging abo kapag tinatamaan na namin ang kanilang utak. Halos tatlong taon kaming hindi lumabas ng Ehrenberg Mountain dahil hindi din talaga namin alam kung paano uubusin ang mga kalaban nang hindi kinakailangang ilagay sa panganib ang iba pa naming kasama na gustong lumaban. At doon nga naisipan ni Uno na gisingin na si Graysean. Sinabi niyang malaki ang maitutulong nito sa akin lalo pa’t noon lang din namin nalaman na may mga human survivors pa din ang siyang naninirahan sa labas ng mga safety area sa buong bansa. At sila ngayon ang hinahanap namin upang tuluyang iligtas kaya nandito kami ni Graysean sa labas. “Anyway,” aniya. “Halika na nga at puntahan na natin iyong underground parking na sinasabi ni Uno na maaaring safety area na pinaglalagian ng mga survivors.” Hinawakan na niya ang aking braso at hinila ako papunta sa building na aming pupuntahan. Everything in this country started to fall. The power plant that we have exploded, one month after the vampire attack, so most of the cities don't have electricity. May sarili namang pinagkukunan ng kuryente ang Ehrenberg Mountain kaya hindi kami apektado noon pero kailangan pa din naming magtipid dahil wala pa kaming ideya kung hanggang kailan matatapos ang giyera naming ito laban sa mga Shiann. At dahil karamihan sa sasakyan sa panahong ito ay gumagamit ng kuryente ay maraming abandonadong sasakyan ang nakakalat sa kalsada. Iilan lang ang gumagamit ng gasolina at iyon ang iniipon namin upang kahit paano ay may magamit kami kapag nagpupunta sa iba’t-ibang lugar na pinaghahanapan namin ng dagdag na pagkain at pangangailangan. “We’re here,” sabi ni Graysean. “Sa tingin mo ay may mga mortal dito?” Nagkibit balikat ako. “Hindi natin malalaman kung hindi tayo papasok.” “Paano kung matakot sila sa atin?” tanong niya. “Like, hello? We are also a vampire so there is a big possibility that they will think that we are part of those blood sucking monsters that murder people in the country.” Tiningnan ko siya. “Ano bang gusto mong sabihin?” Ngumiti siya. “Wala naman,” aniya. “Gusto ko lang na maging handa tayo dahil baka imbes na makatulong tayo ay baka makagulo lang tayo.” Well, naiintindihan ko naman ang point niya. Tatlong taon na ang nakakaraan nang magsimula ang gulong ito. Kung sakaling mayroon ngang mga survivor dito ay nagawa nilang mabuhay sa loob ng tatlong taon nang hindi natatagpuan ng mga bampira. Ligtas silang nakapamuhay sa loob ng tatlong taon na iyon. Tapos bigla nalang kaming susulpot. “Then, we really have to be careful now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD