Chapter 109

1059 Words
Tamara Keilyn Sierra’s Pov (Former Emperor Kei’s Daughter) “I can’t save you now,” sambit ni Lady Heydrich habang diretsong nakatingin sa akin and to be honest, I now totally understand why my father fell in love with her real hard. I can see in her eyes how she badly wants to avoid killing me. And I can see the pain that she is feeling right now after she realizes that she can’t do anything to save me. Lagi akong naiinggit sa tuwing nakikita kong magkasama si Daddy at Hei noong bata pa ako. Lagi ko silang nakikita na masaya at nagtatawanan sa bawat araw. Laging pabor si Daddy sa mga ginagawa ni Hei sa lahat ng bagay at puro papuri ang kanyang ibinibigay dito sa tuwing may mga achievements. Kabaligtaran naman noon ang ginagawa niya sa akin which I really think is totally unfair. Kaya unti-unting lumayo ang loob ko sa kanya dahil iniisip kong hindi niya naman talaga ako mahal at napilitan lang siya na buuin ako dahil wala na ang babaeng pinakamamahal niya at may responsibilidad siyang pinanghahawakan sa bansang kanyang pinamumunuan. Lumaki ako at nagkaisip na iyon ang tumatatak sa aking isipan. Iyon din kasi ang ipinamumukha sa akin ng ilan sa mga kasama ko sa main residence ng Sierra Clan. Na kailanman ay hindi ako mamahalin ni Daddy dahil ang tanging tingin niya lang sa akin ay isang nilalang na siyang pagpapasahan niya ng kanyang posisyon na alam kong matagal na niyang gustong bitawan. Ang hindi ko alam, ang mga taong iyon pala ay may ibang plano kaya pilit nilang sinisira ang tingin ko kay Daddy. Hanggang sa dumating sila sa punto kung saan sinabi nila na ang muling pagkabuhay ng babaeng iyon lamang ang nag-iisang paraan upang mabaling naman sa akin ang tingin ni Daddy. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na pumayag sa kanilang gusto at mabilis na isinagawa ang ritwal. Wala akong kaalam-alam na nagtagumpay ang ritwal at mula ng sandali na iyon ay ibang kaluluwa na pala ang kumokontrol sa katawan ko. At nang muli akong magkamalay ay nagkakagulo na ang buong Valier. Kalat na din sa buong bansa ang pagkamatay ni Daddy mula sa kamay mismo ng kanyang anak. Noong una ay inakala kong ako ang may gawa noon ngunit nang puntahan ko si Xan ay agad niyang ipinaliwanag sa akin ang lahat kung saan may kung anong inilagay ang mga Shiann sa utak ni Hei upang ito ang kontrolin nila para patayin si Daddy. Alam kong hindi kailanman makakayang saktan ni Hei si Daddy dahil mahal na mahal niya ito. Malaki din ang utang na loob niya dito kaya alam kong totoo ang sinasabi ni Xan kahit na hindi ko i-check ang kanilang alaala. Kaya naman napunta sa mga Shiann ang galit ko. Oo, masama ang loob ko kay Daddy dahil sa pag-aakala na hindi niya ako minahal tulad ng pagmamahal niya kay Hei pero matapos kong masaksihan ang mga nangyayari ngayon ay naging malinaw sa akin ang lahat ng ginagawa niya. Naging malinaw sa akin na kailangan niyang maging mahigpit sa akin dahil ako ang susunod na mamumuno sa bansang ito kung saan masyadong maraming ganid na nilalang na naghihintay ng pagkakataon para makuha ang trono sa pamilya at lahi namin. Kaya naman hindi ko kailanman iniisip na patayin si Daddy. Nang magising si Hei ay agad kong ipinaliwanag sa kanya ang lahat. At tulad ko ay napuno din ng galit ang kanyang puso para sa mga Shiann. Lalo pa’t maging ang sariling anak ng mga ito na dapat ay mapapangasawa niya ay pinaslang din ng mga ito nang walang pagdadalawang-isip. At doon ko naisip na isumpa na lamang sila. Kahit naman kasi ubusin namin sila ay hindi iyon magiging sapat para sa pasakit na idinulot nila sa amin. Hindi lang ama ang nawala kay Hei, kundi maging ang kanyang pinakamamahal nang dahil sa kasakiman ng mga Shiann. Habang ako, hindi ko man lang naipakita kay Daddy na sa pagkakataong ito ay naiintindihan ko na ang lahat ng ginagawa niya sa akin. Ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng disappointment na binigay ko sa kanya. At hindi ko nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Para sa paghihiganti namin ni Hei, plano ko silang isumpa na sa bawat isang bata na magtataglay ng kanilang dugo ay haharap sa samu’t-saring paghihirap at pagdurusa hanggang sa huling hininga nito. Ngunit matapos kong simulan ang sumpang iyon ay bilang akong binalot ng dilim at ang tanging natatandaan ko na lamang ay ang pagkakarinig ko sa isang boses kung saan dinadagdagan ang sumpa na binigay ko sa mga Shiann. At nang muli akong magkamalay ay tuluyan nang nabuo ang Lamia, ang organisasyong pinamumunuan ko na kinabibilangan ng mga elite vampire na nagsisilbi sa iba’t-ibang monarch vampire clan. At ang mga batang isinakripisyo ng mga Shiann upang hindi sila mamatay at maubos. Yuuna explained everything to me. At doon ko lamang nalaman na ang ritwal na ginawa sa akin noon ay nagtagumpay at nasa loob na ng katawan ko ang babaeng sinasabi nila na magiging daan upang muling bumalik sa akin ang atensyon ni Daddy. Siya ang kumokontrol sa katawan ko tuwing nawawalan ako ng malay at walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Ang kaluluwa ng babae sa loob ng katawan ko ang dahilan kung bakit nagkagulo ang buong Valier at kung bakit nagkaroon ng pagkakataon ang mga Shiann na saktan ang Daddy ko. Doon ako nagsimulang lumaban sa babaeng iyon at pilit na kinukuha ang kontrol sa sarili kong katawan. May mga pagkakataon na nagtatagumpay ako ngunit habang tumatagal ay paikli ng paikli ang mga araw na ako ang may kontrol sa katawan ko. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na halos wala nang isang araw ang pagiging dominant ko. Doon ko naisip na siguro ay dahil kusang loob ko siyang tinanggap sa katawan ko ay higit siyang mas malakas sa akin. Kaya naman nagagawa na niyang tuluyang maangkin ang katawang ito. At habang tumatagal siya sa katawan ko ay lalo siyang nagiging dominant hanggang sa tuluyan na niyang maangkin ang katawan ko. At kapag nangyari iyon ay tuluyan na din akong maglalaho. Kaya alam kong wala nang magagawa pa si Lady Heydrich para iligtas ako at nakahanda naman ako sa bagay na iyon. Pero mukhang hindi papayag si Hei na susuko kami nang ganoon kadali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD