Chapter 54

1087 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Mabilis na tinapos ni Greeny ang kanyang pagkain habang ang magkapatid naman ay agad ding lumabas ng silid.   “So? Why did you kidnap me?”   “To stop you from doing something dangerous,” sabi ko tsaka naupo sa isang upuan na nakapwesto sa harap niya. “Apparently, Xan told me that you are not a Shiann anymore. You are just a normal Valier citizen and if you try to break inside the palace and get caught, you will immediately get killed. Xan and Zeri are too concerned about you so I made sure that you will be fine.”   “Just because of that?”   Tumango ako. “To be honest, I don’t really care about you. Ah, mas mabuti pa nga siguro kung itinuloy mo nalang ang pagpunta sa palasyo at mamatay ka. Pero hindi naman ako pwedeng magbulag-bulagan sa pag-aalala ng mga kaibigan ko.”   “Then, anong plano mong gawin sa akin ngayon?”   “Hmm.” Napaisip ako. “For now, I was thinking of putting you here. Or maybe torture you until you finally give up on saving those vampires.”   Nanlaki ang mga mata niya. “What?”   “If that is the only thing I can do to make sure that you won’t risk your life and make my friends worry.” Tumayo ako at pinatunog pa ang aking mga kamao habang palapit sa kanya.   Gusto ko pa ngang matawa dahil bakas ang matinding takot sa kanyang mga mata kaya mabilis siyang tumayo at umatras.   “P-please don’t hurt me,” mahina niyang sambit. Malapit na nga siyang umiyak at nagsisimula nang manginig ang kanyang mga mata.   Well, hindi ko siya masisisi. Dahil sa mga oras na ito, ipinapakita ko sa kanya ang pagiging pula ng aking mga mata. Isang palatandaan ng pagiging isang bampira ko.   Aware na naman ang mga Shiann sa akin. Maging sa katauhan ko bilang isang bampira kaya wala nang dahilan para itago pa ito.   “You know, I came here trying to have a normal life because that is what I can’t have before,” Inilapat ko ang palad ko sa pader na sinasandalan ngayon ni Greeny. “Kaya naman handa akong alisin ang anuman o sinumang sisira sa plano kong iyon. Kahit isang Shiann pa.” Ngumiti ako. “So, kung hindi ka kikilos ng maayos, ngayon palang ay gagawa na ako ng ikatatahimik at ikababalik sa normal ng buhay ko.”   “Please don’t hurt me,” mahina niyang sabi.   “At bakit hindi?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Kung gagawa ka lang--”   Mabilis siyang umiling. “I won’t do anything! I promise…”   “Oh,” sabi ko. “At paano naman ako maniniwala sa sinasabi mo?”   Itinaas niya ang kanyang kanang kamay. “I swear it in the name of the whole Shiann. Hindi na ako pupuslit pa papasok ng palasyo at hindi ko na tatangkain pang iligtas ang mga bampira na iyon.”   “At paano ako makakasiguro na gagawin mo ang sinasabi mo?”   “Swearing using the name of our family is too sacred,” she said. “Kung dumating ang oras na suwayin namin kung ano ang ipingako ay buhay ng pinakamahalagang tao sa buhay namin ang malalagay sa panganib.”   “Hmm.” Tumangu-tango ako. “So, you are swearing in the name of your family and willing to risk the life of the most important person in your life just for me to believe you?”   Tumango siya.   “Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga salita mo?”   “W-what?”   “You came from the main branch of the Shiann Clan so I am sure that you clearly know what really happened two thousand years ago,” sambit ko. “Siguradong alam mo kung paanong nagawang isakripisyo ng angkan mo ang kanilang tagapagmana.”   Hindi siya nagsalita. At nakikita ko sa kanyang mga mata na hindi man lang siya nagulat sa mga sinabi ko kaya ibig sabihin lang nito tama nga ang hinala ko. May alam siya sa lahat ng ginagawa ng pamilya niya mula pa noong unang panahon kung kailan sapilitan nilang kinuha ang pamumuno sa bansang ito.   “Isa pa, hindi ba’t hindi din nagdalawang-isip ang bawat branch ng pamilya niyo na itapon ang mga una nilang anak para sa ikasasagip ng buong angkan nyo,” Marahas kong inihampas ang kaliwang kamay ko sa pader na kayang sinasandalan kaya naman halos magdikit na ang mukha namin. “So? Paano ako maniniwala sa mga salita mo gayong may kakayahan kayong huwag pakialaman ang buhay ng sinuman sa pamilya at kaibigan nyo?”   “I am not like them,” madiin niyang sabi. “That is the reason why I choose to abandon my family name and start living as a normal citizen.”   “But you are more afraid to die so you rather risk the life of others.”   Akma siyang magsasalita ngunit agad din niyang itinikom ang kanyang bibig pagkuwa’y nag-iwas na ng tingin.   At sa inasta niyang iyon ay napailing nalang ako.   Maybe I was being too harsh on her and I probably scared her too much. Kaya naman bahagya na akong lumayo sa kanya.   “Fine. I will take that word of yours,” sabi ko. “But let me tell you this, kapag sinubukan mo pang pumuslit uli sa loob ng palasyo, huwag kang umasa na ililigtas ka pa namin. Mag-alala man ang mga kaibigan ko sayo, hinding-hindi na kita ililigtas.”   Matapos kong sabihin iyon ay agad na akong lumabas ng silid.   Napatingin pa sa akin ang magkapatid ngunit hindi na sila nagsalita pa nang senyasan ko silang umalis na kami.   At hindi na din sila nagtangka pang magsalita hanggang sa makauwi kami ng mansion.   Habang ako naman ay agad na nagbabad sa outdoor hot spring pool.   I already confirm everything about the main branch of Shiann Clan.   Pinagpapasa-pasahan ng bawat miyembro ng pamilyang iyon ang lahat ng katotohanan tungkol sa kanilang ginawa mula nang kunin nila ang pamumuno sa bansang ito.   Maging ang pag-aabandona nila sa bawat unang anak ng pamilya nila.   That makes them all guilty.   Tumingala ako at tumitig sa maliwanag na kalangitan na puno ng bituin.   But all of them knew about the vampire and the immortality that it can give to them. Kaya bakit wala man ni isa sa kanila ang nakaisip na gamitin iyon kung talagang gusto nilang pamunuan ang buong bansang ito sa matagal na panahon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD