Chapter 108

1104 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Then, you are aware,” sambit ko at naglakad palapit sa kanya. Ngunit mabilis na naging alerto ang mga elite vampire na nakapalibot sa kanya sa takot na may gawin ako kaya agad ko na lamang itinaas ang dalawa kong kamay bilang tanda na wala akong planong gawin sa kanya. Agad naman niyang pinigilan ang mga ito at sinenyasan na bahagyang lumayo sa kanya tsaka tumingin sa akin. “Yes, I am aware of the ritual to resurrect the woman that is now residing inside my body.” “So, are you also aware that if you did something that I will not like, I don’t have any choice but to kill you?” “Mom!” sigaw ni Hei nang marinig ang sinabi kong iyon pero hindi ko na siya binigyan pa ng pansin. Ilang hakbang na lang kasi ang layo ko kay Ara at mataman ang titigan na aming ginagawa na para bang sa pamamagitan ng mga tingin na iyon ay malaman namin kung ano ang iniisip ng bawat isa. “To be honest, I feel sorry for you,” sabi ko. “You thought that your father didn’t love you because he is being too hard on you. Tapos may mga tao pa sa paligid mo na tuluyang sumira ng relasyon mo sa iyong ama hanggang sa tuluyan na nilang nalason ang isip mo nang sa gayon ay mapapayag ka nila sa gusto nilang mangyari. Without knowing that they are only using you for their own gain.” Nanlaki ang kanyang mga mata. “N-no!” “By now, I am sure that you already realize it on your own,” sabi ko. “Kaya nga puno ng pagsisisi ang mga mata mo habang nagsisigawan kayo ni Hei.” Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Kaya bawat emosyon na lumalabas sa kanyang mga mata ay nakikita ko. At isa na doon ang pagsisisi na tingin ko ay matagal na niyang nararamdaman ngunit dahil nasa loob na ng katawan niya ang nilalang na iyon ay wala na siyang ibang magagawa kundi ang magpatuloy na lamang sa buhay habang patuloy na nilalamon ng kanyang pagsisisi. “You are not the one who actually brings trouble to your father, am I right?”sabi ko pa. “Your own consciousness was put into a deep sleep when all of that was happening and when you regained your own control over your body, everything was over.” “Y-you are right,” aniya. At muling napaupo sa kanyang tronong gawa sa ginto. “I don’t really remember doing something bad to upset my father. At wala din naman akong lakas ng loob na pasakitin ang kanyang ulo dahil alam kong lalo lang iyong magiging dahilan para hindi niya ako mahalin. But like what you said, everything was over when I regained my consciousness after fighting so hard for it.” Then, it may be the reason why she didn’t get the throne after Kei died. At kung bakit naunahan siya ng mga Shiann sa pamumuno sa bansa. Dahil nagtatalo silang dalawa ng nilalang na nasa loob niya sa kung sino ang mananatiling may kontrol sa katawan niya. “Mom, are you telling me that there is someone inside my sister’s body?” sabi ni Hei. “At ang nilalang na iyon ang talagang dahilan ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa bansang ito at nagpapasakit ng ulo ni Daddy?” Tumango ako. “Then, who is it?” tanong niya. Itinuro ko si Ara. “Why don’t you let her show herself?” Mabilis siyang umiling. “I can’t,” aniya. “If I let her control my body again, I am sure that she will immediately do everything to kill all of you. At baka hindi ko na muling maibalik sa akin ang kontrol dito kaya pilit ko itong nilalabanan.” Ibig sabihin ay lahat ng pag-atake at gulo na nangyayari sa buong Valier ay kagagawan pa din ng nilalang na iyon sa tuwing nagiging dominant siya sa katawan ni Ara. At natitigil ang pag-atake at gulo sa amin sa tuwing nababawi ni Ara ang kanyang katawan kaya naman nabibigyan kami ng pagkakataon na makaisip ng paraan upang i-counter sila. Tingin ko din, ito ang dahilan kung bakit nagawang makalapit sa akin nila Nicole kanina. Dahil si Ara mismo ang may kontrol sa kanilang katawan at hindi ang nilalang na iyon. At kung ganoon nga ang sitwasyon, hindi maaaring iisa lamang ang gustong mangyari ng ilan pang elite vampire na narito at ni Ara. They also want me to kill them so that they will finally escape from the suffering and guilt that they are now experiencing because of what the creatures are doing. Inis kong ginulo ang buhok ko. Bakit ba kailangan na maging ganito ang sitwasyon? Kung si Ara lang sana mismo ang masama, magiging madali lang para sa akin ang paslangin siya at alisin sa landas ko kahit pa anak siya ni Kei. Pero ngayong nalaman ko na maging siya ay biktima lang din pala ng nilalang na siyang tunay na masama, paano ko pa nga ba siya papatayin? “Mom!” Agad na lumapit sa akin ni Hei at humawak sa braso ko. “Don’t kill her, Mom. Please… just save her. Just like what you did with Yuuna and those elite vampires earlier.” “Hei…” Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso. “Saving those elite vampires is just easy for me because they are only being controlled using the blood crystal inside their body. But Ara’s situation is different from the,.” “How is that different?” tanong niya. “She was also being controlled.” “But not because of some blood,” sabi ko. “She was being controlled because there is another soul inside her body who is more powerful than her soul. And that is the main reason why she can’t fight it longer.” At kung pagbabasehan ko ang kalagayan ngayon ni Ara ay hindi na nga magtatagal bago tuluyang makuhang muli ng nilalang na iyon ang kontrol sa kanyang katawan. At sa tagal ng panahon na inilagi nito sa loob ng kanyang katawan ay malaki na ang posibilidad na hindi na ito maiaalis pa kahit gumawa ako ng panibagong ritwal na maghihiwalay sa kanilang dalawa. “It is already too late, Hei.” Ibinalik ko ang tingin ko kay Ara. “I can’t save you now.” At kahit gustuhin ko man, hindi ko din naman alam kung paano ko nga ba siya maililigtas sa kapalarang naghihintay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD