Chapter 3.a

1138 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Hindi ko inaasahan na magkakaroon din ng malaking pagbabago ang Half-blood room na ginagamit ko noon sa tuwing magsasanay ako.   Noong una ko kasi itong ginagamit ay walang kahit na anong gamit sa loob nito.   Para lamang itong isang platform na mayroong walang hanggang espasyo na nakapaligid pero ngayon ay ibang-iba na ang aking naabutan nang buksan ko ito.   Para na itong isang silid tulugan dahil kumpleto na sa kama, cabinet at sariling toilet and bath.   Mayroon na ding sariling appliances na maaari kong gamitin para sa pagluluto at refrigerator para sa pag-iimbak ko ng mga pagkain.   At doon ko na-realize ang sinabi ni Wayne kanina na paghahanda.   Pinuno na pala niya mga pagkain ang refrigerator. At nilagyan na din ng mga damit ang mga cabinet. May mga nakahanda na ding toiletries sa loob ng banyo.   Aside from that, ang isa pang bumungad sa akin ay ang kakayahan ni Wayne na makapasok sa loob ng silid na ito gayong sa pagkakaalam ko ay tanging ang mga half-blood na biniyayaan ng kakayahan ng aming pamilya ang maaaring makapasok dito.   “Can you please explain to me how you managed to enter this place despite being a human?” Hindi ko na napigilan ang bibig ko.   Kanina pa kasi ako nakatingin sa kanya habang inaasikaso niya ang lahat ng gamit dahil matagal-tagal na ding hindi nagagamit ang silid na ito.   Pero mukhang wala siyang planong magpaliwanag nang hindi ako nagtatanong kaya nagsalita na ako.   Bumaling siya sa akin. “Wala pa bang sinasabi sa iyo si Xan?”   Umiling ako. “Matapos niya akong iwan dito ay hindi pa kami nakakapag-usap muli kaya wala pa akong alam sa ibang nangyayari sa paligid ko kaya simulan mo na ang pagpapaliwanag sa akin.”   Bumuntong hininga siya. “Bago ka nila tuluyang iwan sa iyong kabaong, kumuha si Graysean ng syringe ng dugo mo and with the help of the technology that this country has before, they manage to replicate it.”   Kumunot ang noo ko. “They replicate my blood?”   Tumango siya. “But they extract the venom in it so they will only get the piece of your ability and give it to those mortals who swear to protect you and your family without getting them turned into a vampire.”   “So? You receive that blood?”   Muli siyang tumango. “Si Zeldrix ang kauna-unahang mortal nakatanggap ng dugo mo bilang test subject. At nang mapatunayan nilang ligtas ito at na-achieve nila ang resulta na kanilang gusto ay agad na nila itong ipinamahagi sa iba pa.”   “Then, Zeldrix’s whole clan--”   Umiling siya. “It is only advice for those who decided to stay human. This hope serum will only enhance our physical ability so that we will have enough strength to protect you and your family.”   Sa tingin ko ay si Graysean ang nakaisip ng bagay na iyon.   Nang sa gayon ay kung sakali mang ang mga bampira na ang magtatangkang manakit sa akin o sa pamilya namin ay magagawa nilang makakalaban ng patas.   “Aside from Zeldrx’s clan, mayroon pa bang ibang pamilya ang gumamit ng replicated blood?”   “Tanging sa amin lang pinamana ang serum na ito habang sa ibang pamilya ay agad nilang pinutol sa unang henerasyon pa lamang,” paliwanag niya. “Your father is very careful about using this kind of serum because it might backfire on them.”   Tumangu-tango ako. “Hindi na nakakapagtaka iyon.”   Noon pa man ay lagi ng maingat ang tatay kong iyon kaya hindi na nakakapagtaka na pili lang talaga ang binigyan nila ng serum.   Iyong mga nilalang lamang na alam nilang hindi ta-traydurin ang angkang pinagmulan ko.   “Anyway, nabanggit mo noong nakaraan na mayroon ka pang kapatid at tulad mo ay kusang loob din na tinanggap ang paglilingkod sa pamilya ko,” sabi ko. “Bakit hindi ko pa siya nakikita mula nang dumating ako dito?”   “Nang dumating ka dito ay kakaalis niya lamang upang um-attend sa field trip ng kanyang eskwelahan na pinapasukan,” sabi niya. “At dalawang linggo din ang ilalagi nila doon dahil magiging parte ng kanilang on-the-job training ang ilan sa activity na mayroon sila doon.”   “Oh.” Tumangu-tango ako. “Then, kailan ang balik niya?”   “Bukas ang kanyang balik ngunit mananatili muna siya ng mga ilang araw pa sa kanyang eskwelahan upang tulungan si Xan sa ilang trabaho.”   Kumunot ang noo ko. “Si Xan?”   Bumuntong hininga siya. “Hindi pa nga pala nasabi ni Xan sa iyo. Ang kasalukuyan niyang trabaho ngayon ay ang pagiging director ng isang private university na itinatag bilang pagkilala sa mga nagawa ng dating emperor Kei. Doon nag-aaral ang kapatid ko.”   “Oh.”   University, huh. I guess that is really required in this kind of era.   And it is a great cover for Xan’s identity because he doesn't really need to show himself all the time. Aside from that, his smell will be covered by the smell of students around him.   And maybe that’s the reason why I didn’t expect that he would be the one waiting for me here.   “Why don’t you go too?”   Lalong kumunot ang noo ko. “Ano ang ibig mong sabihin?”   “Naghahangad ka ng isang normal na buhay,” aniya. “At ang pagpasok sa isang paaralan ay hindi nawawala sa buhay na iyong ninanais. Hindi din naman kasi maaaring magpagala-gala ka lamang sa paligid dahil wala kang ibang bagay na pinagkakaabalahan.”   May point siya.   At halos hindi ko din naman nabigyan ng pagkakataon ang sarili ko noon na i-enjoy ang pagiging estudyante dahil sa sakit ko. Nang gumaling naman ako ay masyado akong naging abala sa digmaan ng dalawang lahi kaya hindi na muling pumasok sa isip ko ang pagpasok sa isang eskwelahan.   Pero ngayon ay maaari ko na iyong gawin. Dagdag gawain din iyon at experience.   Pero…   Umiling ako. “Hindi maganda ang naging experience ko nang minsang pumasok ako ng college.”   “Kaya iniisip mo na ganoon din ang mangyayari kapag muli kang pumasok sa paaralan?” tanong niya na mabilis kong tinanguan. “Hindi mo ba naisip na iba na ang mga nilalang sa panahong ito?”   Natigilan ako dahil hindi ko naisip ang bagay na iyon.   Well, ang mga estudyante noon ay mga spoiled brat and they are taking advantage of the privilege they have for being part of a wealthy family.   And from what I see, that is not what is happening now.   People really respect all the people who lead this country. And there is no one dares to use the power of the family to gain for their own benefits.   Bumuntong hininga ako. “I will just decide once I finish my training.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD