Chapter 4

1104 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Oh, damn!   Hindi ko akalain na matapos ang ilang taon ay ganito na kahirap kontrolin ang lakas at kapangyarihan ko.   Well, ang mga gamit na nasa loob ng mansion na ito ay nababalot ng enerhiya na siyang punipigil sa lakas ko na masira sila.   Pero ang mga ordinaryong gamit ay mabilis na nababasag o nasisira sa sandaling hawakan ko ito.   At ito ang pinaghihirapan ko ngayong kontrolin dahil hindi ako maaaring lumabas ng mansyon na ito nang mayroong posibilidad na makawasak ako ng anumang mahawakan ko.   Posible din kasi na makasakit ako ng mga mortal kapag nadikit ako sa kahit sino sa kanila.   Pero hindi na ito madali. Lalo na’t libong taon na din ang lumipas nang gamitin ko ang kakayahan ko.   Bumuntong hininga ako tsaka nahiga sa sahig at tinitigan ang kisame.   There are so many changes in this world and I don’t really think that I can keep up with this.   Kaya napapaisip tuloy ako kung tama nga ba ang desisyon ko sa pagpapatuloy ng buhay ko sa panahong ito.   “Nagsisisi ka na ba sa desisyon mo?”   Napabangon ako nang marinig ang boses ni Xan at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng nakabukas ng pintuan ng silid na ito. “Anong ginagawa mo diyan?”   “I am not allowed inside that room,” aniya. Nakaupo pa din kasi siya doon sa side ng library at hindi siya lumalagpas sa pinto. “Tanging sa mga mortal lang maaaring ipasa ang kakayahan ng dugo mong makapasok sa silid na iyan.”   “Oh.” Tumangu-tango ako. “Mukhang natapos mo na ang trabaho mo.”   “Yeah,” sabi niya. “Kaya agad na akong pumunta dito dahil sinabi ni Wayne ang ginagawa mo. Dinala ko na din pauwi ang kapatid niya nang sa gayon ay makilala mo na ito. So? Are you already regretting your decision?”   “Yeah,” sagot ko. “Alam mo naman na masyado na akong pagod sa buhay kong ito pero hindi ko sinasabing binabawi ko na ang desisyon ko. You know, hindi ako sanay na nag-e-effort sa ganitong klaseng bagay kaya naiinis ako.” Tumayo ako at nag-inat. “But I like to do something so I will continue this training.”   “And what is it that you want?” tanong niya. “Para maasikaso ko na.”   Ngumiti ako. “I want to observe the mortals in this era so I want to enroll in the school where you are working.”   Nanlaki ang mga mata niya at mukhang hindi inaasahan ang desisyon kong iyon. “W-what? But I thought you hate going to school?”   “It is not that I hate school,” sabi ko. “I just don’t like the students in my previous school.”   “Hindi mo ba naisip na baka ganoon din ang makasalamuha mo sa papasukan mong school ngayon?”   “Naisip ko,” sabi ko. “Pero mas makakabuti sa akin ang mapalapit sa mga mortal para ma-obserbahan ko ng maayos ang panahong ito. At sa paraang iyon din ay matututunan kong makisalamuha sa kanila nang hindi nabubulgar ang tunay kong katauhan.”   “Hmm.” Napaisip siya. “Well, it will be easy for me to arrange that. Plus, one of your servants is also attending my school so I don’t really see any problem. But are you sure about that?”   Tumango ako. “Besides, with many mortals around me, my scent of being a vampire will be masked by their smell.”   Kumunot ang noo niya. “W-what do you mean?”   “Oh.” Napahawak ako sa baba ko. “Hindi ko pa pala nasasabi sa iyo.”   “Ang alin?”   “You said before that the coffin where I was sleeping suddenly disappeared at the rooftop of this mansion, right?” I said.   Tumango siya. “Oo. Walang nakakaalam kung sino ang nakapasok dito para kunin at itakas ang coffin na iyon.”   “But you always knew that I would come back here no matter what happens because you knew the coffin was surrounded by strong spells that would protect me,” dagdag ko na muli niyang tinanguan. “Kaya walang makakapag bukas ng kabaong sa kahit na anong paraan. Maliban na lamang kung ano ang kusang magigising at lalabas doon.”   “Yes,” aniya. “Iyon ang sabi ng iyong ama.”   “Just so you know, someone managed to open the coffin.”   Nanlaki ang mga mata niya. “W-what?”   “Pilit na binuksan ng taong iyon ang kabaong na kinalalagyan ko at nagtangkag kumuha ng dugo ko.” sabi ko. “Pero bago niya iyon magawa ay tuluyan akong nagising.”   “Did you see the face of that person?”   Umiling ako. “She is too quick to react and I was still in the process of processing what is happening in me since I didn’t expect to wake up in my original body. And when I came back to reality, there was no one in the room where I woke up but their scent remained all over.”   “And by the way you said things earlier, they are not mere mortals?”   Tumango ako. “Though, I am not sure if they are vampires or what. I can sense that they are different.”   “Then, it will probably be best for you to do that,” he said. “But shouldn’t we look into that matter?”   Umiling ako. “Ako na ang bahala sa bagay na iyon. Mas mabuting mag-focus ka nalang sa trabaho mo.”   “But--”   Diretso akong tumingin sa kanya na agad niyang ikinatigil.   “O-okay.”   Bumuntong hininga ako. “Besides, it seems like they need me so they will be the ones who will be looking for me so you really don’t need to worry about that matter.”   “Xan!”   I heard another voice and it is not from Wayne.   Dinig ko din ang yabag nito hanggang pumasok ng library at makalapit sa kinatatayuan ni Xan.   “Kanina pa kita hinahanap ah,” sambit nito. “Akala ko ba ay ipakikilala mo ako sa master ko. Kanina pa ako naglilibot sa buong mansion pero hindi ko pa siya nakikita. Kanina ko pa din tinatanong si Wayne pero ayaw naman niyang magsalita.”   Malaki ang pagkakahawig ng lalaking ito kay Zeldrix though, magkaiba ang kanilang buhok. Itim kasi ang kay Zeldrix habang chocolate brown naman sa lalaking ito.   Higit din itong matangkad at bakas sa kanyang katawan ang pagkakaroon ng matinding training mula pagkabata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD