Chapter 3

1144 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Hanggang kailan ba ako mag-i-stay dito?” inis kong tanong kay Whayne nang ilapag niya sa mesang nasa harap ko ang mga pagkain. “Mag-iisang buwan na mula nang huli akong lumabas sa bahay na ito. Baka balak nyo naman akong palabasin minsan?”   “May mga inihahanda lamang si Xan para sa muli mong pag-alis dito,” aniya. “At dahil ilang taon ka ding nanatili sa iyong kabaong ay gusto niyang masiguro na hindi mo bibiglain ang iyong katawan.”   “Kaya gusto pa niyang magpahinga ako at gawin ang mga ibinigay niyang exercise routine?”   Tumango siya. “Para lamang masiguro na magiging maayos ang iyong katawan at kahit gaano ka pa magkikilos sa muli mong paglabas ay hindi ka magkakaproblema.”   Tiningnan ko siya ng mabuti. “Nakakalimutan niyo ba na isa pa din akong bampira?”   “Hindi naman sa ganoon,” sabi niya. “Hindi lingid sa aking kaalaman ang iyong kakayahan ngunit huwag mo ding kalilimutan na matagal na panahon na ang lumipas. Marami na ang pagbabagong naganap mula sa panahong iyong kinagisnan kaya maaaring ang nakasanayan mong lakas noon ay hindi na applicable para sa panahong ito.”   Ah, may punto nga naman siya.   Matagal na panahon na nga ang nakalipas kaya maaaring hindi ko na muling makaya na kontrolin ang aking lakas lalo na kapag nakasalamuha na ako ng ibang tao nang hindi ko kasama ang sinuman sa kanila.   Bumuntong hininga ako. “You are right.”   Ngumiti siya. “Maraming salamat sa pag-intindi.”   Well, na-realize ko lang din na mula nang makabalik ako dito ay hindi ko pa nagagamit ang kapangyarihan ko. At sa tagal-tagal ng panahong na-stuck ako sa kabaong na iyon ay maaaring hindi ko na din ito magawang makontrol ng naaayon sa kagustuhan ko.   At iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon kung nanaisin ko nang lumabas sa lugar na ito nang walang isinasama sa kahit sino sa kanila.   Tinitigan ko si Wayne.   From what I know, he is the descendant of Zeldrix. And from the smell he has, he is still a human.   Hmm.   “What do you know about your ancestors?” tanong ko sa kanya. “Kay Zeldrix, to be specific.”   “Do you want to know why he remains human when he could just ask your brother or the previous emperor Kei to turn him into a vampire?”   Tumango ako. “Nang sa ganoon ay siya mismo ang narito at hindi ang kanyang mga apo.”   Inilapag niya ang hawak na pitsel matapos masalinan ng tsaa ang aking baso. “Ang kapayapaang pinaghirapan mong makamit ay hindi naging perpekto para sa bansang ito.”   “Inaasahan ko na iyon,” sabi ko. “Dahil may mga espiya na ng mga taga-ibang bansa ang nakapuslit dito nang dahil sa mga kalokohang ginawa ni Yue Vergara, ang dating commander ng Vampire Hunter Association.”   “Yeah,” aniya. “Well, hindi naman sana makakahikayat ang mga espiya na iyon ng mga mamamayan ng Valier na sumapi sa kanila kung ikaw ang namumuno sa bansang ito. Ikaw ang dahilan kung bakit nagawang mamuhay ng magkasama ng dalawang lahi, ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pantay na karapatan ang dalawang lahi kaya naman marami ang hindi sang-ayon sa biglaan mong pagkawala at pagpapatuloy ng mga Sierra sa pamumuno.”   “Ibig sabihin ay hindi naging madali para kay Kei ang muling pamunuan ang bansang ito nang hindi itinatago na isa siyang bampira?”   Tumango siya. “Marami ang nagnanais na maalis siya sa pamumuno. May ilan pang nagkakalat ng haka-haka na si Kei ang dahilan ng iyong pagkawala dahil alam nitong sa iyo papanig ang lahat kapag sinubukan mong kunin sa kanya ang pamumuno.”   “Oh my…” Hindi ko akalain na mayroon din palang hindi magandang resulta ang naging desisyon ko.   “But no one dares to confront the situation,” dagdag niya. “Puro sabi-sabi lang ay walang may lakas ng loob na magsalita sa publiko ng tungkol sa mga isyu na iyon. At ang iniisip na dahilan ni Wain ay dahil sa Vampire Hunter Association na nagpalit na ng pangalan noon at naging Vampire and Human Alliance Association na siyang naglalayon na protektahan ang mga pinuno ng bawat lahi.”   “And all of them remain human?”   Muli siyang tumango. “Iyon lang ang nakikita nilang paraan upang masiguro na walang sinuman ang mangangahas na sumira sa kasunduang pinanghahawakan ng bawat pinuno.”   “Hangga’t nananatiling mortal ang mga miyembro ng dating VHA, maipapakita nila sa publiko ang pagkakaisa ng dalawang lahi.”   “Tama.”   Kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon si Zeldrix na personal na tuparin ang kanyang pangako sa akin.   Sa halip, sigurado na lamang niya na hindi babali sa sinumpaan niyang pangako ang mga sumunod sa kanyang yapak.   “Sinabi din ba niya sa inyo na manatili lamang kayong mortal hanggang sa muli kong paggising?” tanong ko na kanyang inilingan.   “Bago siya mamatay ay nag-iwan siya ng habilin kung saan hinahayaan niya kaming mamili ng aming pagkakakilanlan. Maaari kaming maging bampira kung iyon ang nanaisin namin ngunit kailangan lamang naming siguruhin na ipagpapatuloy namin ang pangakong iniwan niya sa iyo.”   “And none of you desire power and immortality?”   Ngumiti siya. “Don’t think too highly of us,” aniya. “Normal pa din kaming mga tao na naghahangad ng mga bagay na alam naming magbibigay ng advantage sa amin sa buhay.”   “But still--”   “May ilan sa amin ang piniling maging bampira,” sabi niya. “Pero may ilan na nanatiling mortal. Pero kahit ano pa ang naging desisyon namin sa buhay ay pinanghahawakan namin ang paglilingkod sa iyong pamilya ng bukal sa aming puso.”   Ngumiti ako.   Ngayon ko tunay na napatunayan na si Zeldrix nga ang pinanggalingan niya. Kuhang-kuha niya ang pagiging selfless ng lalaking iyon. Maging kung paano nito panghawakan ang isang pangako na kanyang binitiwan.   Sana lang ay nabigyan pa ako ng pagkakataon na muli siyang makita o makasama.   Pero masyado nang huli ang paggising ko.   Matagal na panahon na siyang wala at hindi na ako makakabalik pa doon upang muli silang makasama.   At wala na ding mangyayari kung dadamdamin ko pa ang mga nangyari sa nakaraan. Hindi man ito ang buhay na inaasahan kong dadatnan ko sa hinaharap, handa na akong harapin ito.   Inubos ko muna ang tsaa na nasa baso ko tsaka ako tumayo at nag-inat.   “Walang mangyayari kung tatanga lang ako,” sabi ko. “Mas mabuti pang simulan ko na ang muling pagsasanay nang sa gayon ay payagan na agad ako ni Xan na lumabas.”   “Kung iyong nanaisin, maaari ko nang ihanda ang half-blood room para sa iyong pagsasanay,” sabi ni Wayne.   Ngumiti ako at tumango. “That would be great.”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD