Chapter 37

1122 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “I saw you and Zeri talked earlier,” biglang sabi ni Greeny na bigla na lang sumulpot sa gilid ko habang naglalakad ako papunta sa cafeteria. “And from the gesture that the both of you did for each other, it seems like you two are close.”   “Ahm.” Tumango ako. “Yeah, we are close. He is actually living in our mansion because his brother is the caretaker of our properties here.”   “Eh?” Nanlaki ang mga mata niya. “Sa Ehrenberg mansion siya nakatira? As in sa tuktok ng bundok na iyan?” Itinuro niya ang nag-iisang bundok na tanaw mula sa labas ng building na kinalalagyan namin.   Well, Ehrenberg Mountain is actually has two thousand meters high kaya tanaw ito sa buong Sierra, Hamish at ilang bahagi ng Teiga Region.   At higit itong tanaw mula dito sa First Kei University dahil nakatayo ang paaralang ito sa mismong paanan ng Ehrenberg Mountain at border ng Sierra City.   “I have known Zeri for the last two years but I didn’t know that he is actually living at the top of that mountain,” aniya.   “Oh.” Napatakip ako ng bibig ko. “Sorry. Hindi ko alam na hindi pala niya sinasabi kung saan siya nakatira.”   Well, that was a lie.   Nabanggit na sa akin ni Zeri nitong nakaraan na hindi alam ng mga kaibigan, kaklase at ka-schoolmate niya na nakatira siya sa Ehrenberg Mansion. At iilan lang din ang nakakaalam na isa ang pamilya niya sa naninilbihan sa pamilya ko.   Hindi naman sa tinatago niya ang katotohanang iyon.   Alam niya kasi na kapag nalaman ng mga ito kung saan siya nakatira ay panigurado na magpipilit ang mga iyon na makapasok sa Ehrenberg Mansion at alam niyang isa iyon sa mga bagay na hinding-hindi maaaring mangyari.   Masyado kasing curious ang mga nag-aaral sa eskwelahan na ito ang kung ano ba ang itsura ng Ehrenberg Mansion, ang nag-iisang lugar sa buong Vallier na hindi napapasok ng kahit sino kahit ang mismong royal family na namumuno sa bansang ito.   Pero napag-usapan na namin noong isang araw na ipaalam sa lahat kung saan siya nakatira at kung ano ang relasyon naming dalawa nang sa gayon ay hindi magtaka ang lahat kapag nakita kaming magkasama.   Actually, kahit ang relasyon namin ni Xan ay plano na din naman naming ipaalam sa iba kung sakaling mapansin nila na close kami. Mas mabuti na kasi iyon nang sa gayon ay walang issue na mabubuo kung sakali na lumabas kami sa mga pampublikong lugar nang magkasama.   “Are you sure you know Zeri?” tanong ko. “Bakit hindi mo alam kung saan siya nakatira?”   “Lagi siyang nahuhuli sa pag-uwi kaya wala talagang nakakakita kung saang direksyon siya dumadaan pauwi,” aniya. “Hindi din naman siya madalas makita sa labas sa mga araw na walang pasok. May pagkakataon man pero sa tuwing mamimili lang siya ng ilang pagkain pero tulad ng lagi niyang ginagawa, nagpapahuli pa din siya sa pag-uwi ng sa gayon ay walang makakita kung saan siya dumadaan.”   “At hindi kayo na-curious sa weird actions niya?”   “I am super curious,” madiin niyang sabi. “Pero kahit anong pilit ko naman sa lalaking iyon ay hindi niya talaga sinasabi kung saan siya nakatira. Ang sabi lang niya, ipapaalam niya ang tinitirhan niya kapag dumating na ang babaeng hinihintay niya.”   “Their family has been serving mine for almost two thousand years.”   Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. “R-really?”   Tumango ako. “It was some kind of promise between Hope Ehrenberg and their ancestor Zeldrix Andrade.”   “I know those people,” sabi niya. “They are part of the greatest war that happened two thousand years ago between those people who wanted to snatch the throne to the Sierras. But I didn’t know that they had that kind of promise with each other.”   “That was a personal promise kaya iilan lang talaga ang nakakaalam ng tungkol doon,” paliwanag ko. “But both of our family acknowledge those promises, that is why most of the Andrade have been serving Ehrenberg since those years.”   “Most?”   “Wala naman kasing pilitan ang pangakong iyon,” sabi ko. “Kung sino lang sa kanila ang may gusto dahil hindi din naman talaga madali ang trabaho ng mga nagsisilbi sa amin. With that, they can give their loyalty to us on their own so they will never betray us.”   “Well, sa isang tulad ni Zeri, sigurado naman ako na hindi niya sisirain ang tiwala na ibinibigay mo sa kanya,”   “Paano mo nasabi?”   Ngumiti siya sa akin. “Because I also entrusted to him a very confidential information that until now, he managed to keep a secret.”   Tinitigan ko siya.   To be honest, gusto ko talaga siyang kumprotahin tungkol sa pagiging miyembro niya ng Shiann Clan pero nagdadalawang-isip ako dahil ayoko naman na isipin niyang nakikiusyoso ako sa buhay niya.   But I can’t help it but feel that something is strange about her.   Sa kanya mismo at hindi ko maipaliwanag kung ano ba iyon kaya nga kahit gusto kong lumayo sa kanya para makaiwas dahil ayoko nang mapalapit sa isang Shiann ay hindi ko din magawa.   I feel some familiar aura around her and it is reminding me of someone.   Someone that is super close to me.   Natigilan siya pagkuwa’y diretsong tumingin sa akin. “Don’t tell me…”   Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nauna nang maglakad sa kanya.   Eksakto naman na nakarating na kami sa loob ng cafeteria at masyadong marami kaya hindi niya naituloy ang sasabihin niya.   At ginamit ko na din iyong pagkakataon para makalayo sa kanya.   Bumili na lamang ako ng isang sandwich at nang makuha ko iyon ay agad na akong tumakbo palabas ng cafeteria.   Mas mabuti nang hindi na muna niya ako makausap dahil siguradong iniisip niya ngayon na alam ko nang isa siyang prinsesa ng Valier.   “And you are here again.” Naiiling na sabi ni Xan nang pumasok ako sa office niya. “Ano naman ang nalaman mo ngayon?”   Umiling ako. “Wala naman akong nalaman pero may napatunayan ako.”   Kumunot ang noo niya. “Napatunayan?”   Tumango ako. “Napatunayan ko na talagang observant si Greeny.”   “At paano mo napatunayan?”   Itinuro ko ang mata ko. “Nang dahil sa titig ko sa kanya nang sabihin niya na mayroon siyang sikreto na ipinagkatiwala kay Zeri ay agad niyang naisip na alam ko na kung ano ang katauhan niya.”   Nanlaki ang mga mata niya. “What the hell?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD