Chapter 36

1066 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Nang pumasok ako sa klase namin ay masaya akong binabati ng mga kaklase ko pero hindi na uli nila ako dinumog at pinaulanan ng tanong.   Mukhang nasabihan na sila ng mga professors namin kaya magiging normal na ang buong panahon ng pag-aaral ko sa eskwelahang ito.   Though, hindi ko pa din maiwasang mailang nang si Greeny ang biglang bumati sa akin. Medyo natigilan pa nga ako at hindi alam ang gagawin kaya nginitian ko na lamang siya at agad na tumalikod sa kanya.   Sa bandang likuran ang kanyang upuan habang ang sa akin naman ay nasa bandang gitna kaya hindi kami masyadong makakapag-usap at magiging malapit sa isa’t-isa na ikinahihinga ko ng maluwag.   “Hi.” Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa pinakalikod ko kaya agad akong bumaling doon at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zeri. “What the hell are you doing here?”   Nakangiti pa siya na halos umabot sa tainga niya. “Hindi ba nabanggit sa iyo ni Xan?”   “Don’t tell me, inilipat ka din niya dito?”   Umiling siya. “Ito talaga ang klase ko.”   “Eh?”   Tumangu-tango siya. “May ipinagawa lang sa akin si Ma’am Jean kahapon kaya hindi mo ako nakita dito.”   “Hindi man lang nabanggit sa akin ni Xan.”   “Nabalitaan ko nga kung paano ka pinagkaguluhan kahapon eh,” sabi niya. “Buti nakausap ko agad ang mga professors kaya nagawan ng paraan para hindi ka na nila dumugin.”   “Ikaw ang may gawa noon?”   Muli siyang tumango. “I saw how you were struggling to escape from them so I immediately talked to all of our professors para siguruhin na hindi ka na kukulitin ng mga kaklase natin, kahit iyong ibang estudyante sa ibang klase at year.”   “And Greeny accompanied me at the clinic just to make sure that no one would sneak inside of it,” sabi ko.   “Hmm.” Tinitigan niya ako ng mabuti pagkuwa’y tumangu-tango. “Base from your reaction while saying her name, mukhang alam mo na ang katauhan niya.”   Hindi naman kasi kami nagkita kagabi ni Zeri nang makauwi sa bahay dahil agad akong nagkulong sa kwarto ko.   Medyo iniiwasan ko muna ang makita sila ng matagal nang sa gayon ay hindi ko muna mainom ang kanilang dugo.   Hindi naman sa takot akong mawala sa kontrol sa sarili kong katawan dahil sa kapangyarihang ipinapasa sa akin ng dugong iniinom ko sa kanila. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko at alam ko kung ano ang kakayahan ko kaya hindi ko ikinakatakot iyon.   Ang kinakatakutan ko ay ang mga alaala ni Kei na kasama ng dugong nananalaytay sa kanilang dugo.   Iba kasi kapag dugo ng isang monarch vampire ang tinitikman namin para makita ang alaala nila.   Nagbibigay ito ng mas detalyadong alaala at pinaparamdam din nito kung ano ang nararamdaman ng nagmamay-ari ng memorya kaya iyon ang kinatatakutan ko.   Natatakot akong malaman kung ano ang nararamdaman ni Kei noong mga panahong higit kong pinili na maging makasarili kaysa ang piliin ang buhay na makasama siya.   “Yeah, I already know,” sabi ko. “Nakompronta ko na din si Xan at sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit nandito ang babaeng iyon.”   “I believe he also said that she is different, right?”   Tumango ako. “I know. I can sense and smell that.”   Kumunot ang noo niya. “Smell?”   Muli akong tumango. “Everything has its unique smell and I have a keen sense of smell so I can tell if someone is a good or bad person.”   “Oh,” aniya. “Then, that is great. Though, I can tell you that you can trust her, but you can’t still lower your guard when she is around.” Sa pagkakataong ito ay humina na ang kanyang boses upang masiguro na walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.   Wala pa kasi kaming professor at nagkukwentuhan din ang mga kaklase namin kaya natabunan ang ingay ng pag-uusap namin.   Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”   “Greeny is actually the rightful heiress of the Shiann Clan to lead this country,” he said. “And she caught the attention of those people who wanted her in the throne because of her intelligence and observation in her surroundings. So, be careful what you tell her about you.”   “Are you saying that she might notice that I am a vampire?” I only mouthed the last words because I don’t want anyone to hear me say that.   Tumango siya. “There is a possibility so be careful when she is around.”   Hindi ko na dapat pa pag-iisipan ng ibang bagay si Greeny but now that I learned that she is actually the rightful owner of the Valier’s throne, I guess, it is good for me not to become close to her.   Mas malayo sa kanya, mas mabuti. I can be casual to her but I don’t think being friends with her is not a good idea.   Kahit pa gaano siya kabait at kasarap maging kaibigan, that will be out of the question for us to avoid any kind of complications.   Even though Xan and Zeri trusted her, hindi ko pa din maiaalis ang katotohanan na kabilang siya sa Shiann Clan, ang angkang pumaslang kay Kei at nagpatalsik sa mga Sierra sa pamumuno sa bansang ito.   “But don’t work so hard, okay?” dagdag niya. “You enroll in this school to have the normal life that you really wanted since you were a child. Just don’t let your guard down. Magagawan man kitang mapagtakpan kapag may nakapansin ang pagiging kakaiba mo pero hindi natin basta malilinlang iyong mga tulad ng babaeng iyon.”   Ngumiti ako at tumango. “Thanks for the advice. Don’t worry, I will not let down my guard but I will also try to relax and enjoy this normal college life I finally have.”   Ipinatong niya ang kamay sa ulo ko pagkuwa’y ginulo ang buhok ko. “Good.”   Ibinalik ko na ang tingin ko sa harap ng klase dahil dumating na ang aming professor.   Saglit pa nga ako nitong nginitian nang mapadaan sa akin ang tingin niya pagkuwa’y ibinalik na ang atensyon sa kanyang class record para tawagin ang mga pangalan namin para sa attendance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD